Biguin ang brutal na 
kontra-rebolusyonaryong 
gera ng rehimeng 
US-Duterte! 
Pangibabawan ang lahat 
ng balakid upang isulong 
ang demokratikong 
rebolusyong bayan!

, ,
Ang artikulong ito ay may salin sa HiligaynonEnglishBisaya

Ka­sa­ma ang pro­le­tar­ya­do at sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no, buong ga­lak at may mi­li­tan­syang ipi­nag­di­ri­wang nga­yong araw ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas ang ika-53 ani­ber­sar­yo ng pag­ka­ka­ta­tag ng Par­ti­do. Ipi­na­ra­ra­ting ng Ko­mi­te Sentral ng PKP ang pi­na­ka­mai­nit na re­bo­lu­syo­nar­yong pag­ba­ti ni­to sa la­hat ng ka­sa­pi at kad­re ng Par­ti­do, sa la­hat ng Pu­lang man­di­rig­ma ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB), sa la­hat ng kaal­ya­do at kai­bi­gan ni­to sa Na­tio­nal De­mocra­tic Front of the Phi­lip­pi­nes (NDFP), sa uring mang­ga­ga­wa at sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no at sa ka­ni­lang mga pat­ri­yo­ti­ko, de­mok­ra­ti­ko at prog­re­si­bong mga pwer­sa. Ipi­naaa­bot din na­min ang aming mi­li­tan­teng pa­ki­kii­sa sa la­hat ng ko­mu­nis­ta at re­bo­lu­syo­nar­yo sa buong mun­do na nag­su­su­long ng pa­ki­ki­ba­ka la­ban sa im­per­ya­lis­mo at la­hat ng an­yo ng pang-aa­pi at pa­sis­tang pa­nu­nu­pil.

Pi­na­ra­ra­nga­lan na­tin nga­yong araw ang la­hat ng na­bu­wal na ba­ya­ni at mar­tir ng re­bo­lu­syong Pi­li­pi­no na isi­nak­ri­pi­syo ang ka­ni­lang bu­hay pa­ra ma­ka­mit ang pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya. Nag­bi­bi­gay ng na­ta­ta­nging pa­ra­ngal ang Ko­mi­te Sentral ki­na Ka Oris (Jor­ge Mad­los), Ka Nars (Ju­li­us Gi­ron), Ka Man­lim­ba­sog (Anto­nio Ca­ba­na­tan), Ka Ple­be (Eu­ge­nia Mag­pan­tay), Ka Boy (Aga­ton To­pacio), Ka Yu­ni (Ro­sa­li­no Ca­nu­bas), Ka Ran­dall Echa­nis, Ka Fi­del Agcaoi­li at sa la­hat ng ibang nag­sil­bi sa Par­ti­do nang buong pro­le­tar­yong pag­pa­pa­ka­sa­kit. Hin­di ma­su­su­kat ang mga am­bag ni­la sa re­bo­lu­syong Pi­li­pi­no. Ha­bam­pa­na­hong inspi­ra­syon ang ka­ni­lang alaa­la sa pag­ta­ngan sa pa­mu­mu­no ng mga pro­le­tar­yong re­bo­lu­syo­nar­yo.

Sad­lak pa rin sa ma­la­lim na kri­sis ang pan­da­ig­di­gang sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta. Pa­tu­loy na ini­in­da ng eko­nom­ya ng ma­yor­ya ng mga ban­sa ang re­se­syon sa buong mun­do noong 2020 ma­ta­pos ang pag­ka­pu­tol ng mga sup­lay du­lot ng mga lockdown at pag­ti­gil ng pro­duk­syon kaug­nay ng pan­dem­yang Covid-19. Ma­la­wak ang ga­lit at pu­mu­pu­tok ang mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa ng mga mang­ga­ga­wa at anak­pa­wis na nag­du­ru­sa sa ma­la­wak na ka­wa­lan ng tra­ba­ho, ga­bun­dok na utang, dag­dag pa­hi­rap na mga bu­wis at su­mi­si­rit na pre­syo.

Pa­lub­ha nang pa­lub­ha ang so­syo­-e­ko­no­mi­ko at pam­pu­li­ti­kang kri­sis ng nag­ha­ha­ring sis­te­mang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal sa Pi­li­pi­nas na pi­na­la­la­la ng ko­rap­syo­n, pag­tat­ray­dor sa ban­sa, pal­pak na pag­ha­rap sa pan­dem­ya at pa­sis­tang pa­nu­nu­pil ng re­hi­meng US-Du­ter­te. La­long pi­na­la­lim ng mga pa­ta­ka­ran na ta­ha­sang neo­li­be­ral ang at­ra­sa­do, ag­rar­yo at ma­lap­yu­dal na eko­nom­ya na na­kaa­sa sa ina­ang­kat na mga pro­duk­tong pang­kon­su­mo at pampro­duk­syon at na­ka­tu­on sa pag-eeksport ng mga ba­hag­yang nap­ro­se­song pro­duk­to na may ma­ba­bang dag­dag-ha­la­ga, mga hi­law na ma­ter­ya­les at mu­rang pag­ga­wa. Wa­la itong ibang ha­han­tu­ngan kun­di ang pa­la­lim na kri­sis.

Pi­nag­du­ru­sa­han ng ma­la­wak na ma­sa ng mga mang­ga­ga­wa, mag­sa­sa­ka at iba pang aping uri at sek­tor ang pa­pa­lub­hang an­yo ng pag­sa­sa­man­ta­la at su­mi­sid­hing te­ro­ris­mo ng es­ta­do. Wa­la si­lang ibang ma­pag­pi­li­an kun­di ipag­tang­gol ang ka­ni­lang in­te­res at isu­long ang mga pa­ki­ki­ba­kang li­gal at ang re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pag­la­ban.

Hi­git na de­ter­mi­na­do ang Par­ti­do na pa­mu­nu­an ang sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no sa pa­ki­ki­ba­ka la­ban sa im­per­ya­lis­mo, pyu­da­lis­mo at bu­ruk­ra­tang ka­pi­ta­lis­mo at sa pag­su­su­long ng de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan pa­ra kam­tin ang ha­nga­rin pa­ra sa pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya. Ang ki­lu­sang pam­ban­sa-de­mok­ra­ti­ko at so­sya­lis­tang ti­na­ta­naw ni­to ay na­na­na­ti­ling kag­yat, kai­la­ngan at ka­yang isu­long sa ha­rap ng pa­pa­sid­hing pang-aa­pi at pag­sa­sa­man­ta­lang du­lot ng ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­ma at pan­da­ig­di­gang sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta na na­sa­sad­lak sa mag­ka­ka­su­nod na kri­sis.
Gi­na­ga­wa ng mga pa­na­ti­kong pa­sis­ta ang la­hat pa­ra du­ru­gin ang Par­ti­do at la­hat ng re­bo­lu­syo­nar­yong mga pwer­sa. Gi­na­ga­mit na ni­la ang pi­na­ka­ma­lu­pit na pa­ra­an pa­ra ipag­tang­gol at pa­na­ti­li­hin ang pag­ha­ha­ri ni­la ng ko­rap­syon at pan­da­ram­bong ka­sab­wat ng im­per­ya­lis­mong US.

Na­na­na­wa­gan ang Ko­mi­te Sentral sa la­hat ng pwer­sa ni­to na ma­na­ti­ling pa­la­gi­ang alis­to at na­sa pi­na­ka­ma­ta­as ang aler­to pa­ra la­ba­nan at bi­gu­in ang mga dek­la­ra­dong pla­no ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes (AFP) at Phi­lip­pi­ne Na­tio­nal Po­lice (PNP) na isa­ga­wa ang “hu­ling tu­lak” pa­ra wa­ka­san ang ar­ma­dong re­bo­lu­syo­n. Sa ga­bay ng uni­ber­sal na teor­ya ng Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo, hi­git pang de­ter­mi­na­do ang Par­ti­do na pa­mu­nu­an ang de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan, isa­ba­li­kat ang la­hat ng ma­bi­bi­gat na tung­ku­lin, at ga­win ang la­hat ng kai­la­ngang sak­ri­pi­syo upang bi­gu­in ang kontra-re­bo­lu­syo­nar­yong ge­ra ng kaa­way, at pa­ngi­ba­ba­wan ang la­hat ng ba­la­kid pa­ra isu­long ang dig­mang ba­yan sa hi­git na mas ma­ta­as na an­tas.

Nagluluwal ng umiigting na tunggalian 
at paglaban ang lumalalim 
na imperyalistang krisis

Lug­mok pa rin sa kri­sis ang pan­da­ig­di­gang sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta at hin­di pa ma­kaa­hon sa ma­ta­ga­lang re­se­syon sa ka­bi­la ng ilu­syon ng pag­la­go bu­nga ng pag­si­kad mu­la sa pag­ka­ka­sad­sad ng pan­da­ig­di­gang eko­nom­ya noong na­ka­ra­ang taon. Lu­mi­it nang 3.1% ang pan­dai­gdi­gang eko­nom­ya noong 2020 sa su­ka­tang gross do­mes­tic pro­duct (GDP) re­sul­ta ng pag­sa­sa­ra ng mga ban­sa, pag­ti­gil ng da­loy ng sup­lay, pag­hin­to ng pro­duk­syon at iba pang mga pag­hi­hig­pit pa­ra pi­gi­lan ang pag­ka­lat ng pan­dem­yang Covid-19 si­mu­la sa maa­gang ba­ha­gi ng 2020. Hin­di pa rin is­tab­le ang pag­ba­ba­ngong pang-e­ko­nom­ya at ki­na­ta­tam­pu­kan ng lu­ma­la­wak na ag­wat sa pa­gi­tan ng aban­teng mga ka­pi­ta­lis­tang ban­sa at at­ra­da­song mga eko­nom­ya.
Na­ka­pag­ta­la ng ma­bi­lis na pag­si­kad ang eko­nom­ya ng mga aban­teng ka­pi­ta­lis­tang ban­sa si­mu­la ng ika­la­wang ha­ti ng 2020, hu­mi­na sa unang ha­ti ng 2021, pe­ro tu­lu­yang bu­ma­gal sa ikat­long kwar­to ng taon. Ma­la­king usa­pin pa rin ang pan­dem­yang Covid-19 at ban­ta sa pag­ma­ma­nu­pak­tu­ra at ko­mer­syo. Ang pag­li­taw ng ba­gong mga bar­yat ay nag­re­sul­ta sa pa­ni­ba­gong mga bug­so ng ka­so. Ang pag­lu­lu­wag sa mga restrik­syon at pro­to­kol sa pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan sa US at Eu­ro­pe sa unang ha­ti ng taon ay na­pa­tu­na­yang ade­lan­ta­do nga­yong hu­ma­ha­rap si­la sa mga ban­ta ng pa­ni­ba­gong mga bug­so ng im­pek­syo­n.

Sa ka­ta­pu­san ng taon, ka­la­ha­ti ng mga eko­nom­ya ay inaa­sa­hang na­ka­pa­ko sa an­tas noong 2019 o ba­go ang pan­dem­ya. Na­ka­kon­sentra ang mga pag­ba­wi sa mga aban­teng ka­pi­ta­lis­tang ban­sa na nag-u­lat ng 90% pag­ba­wi at ti­na­ta­yang maaa­bot sa 2023 at 2024 ang an­tas ba­go nag­pan­dem­ya. Hi­git 75% ng di­rek­tang pa­mu­mu­hu­nan sa unang ha­ti ng 2021 ay na­pun­ta sa “mauun­lad na eko­nom­ya.” Ta­li­was di­to, 30% la­mang ng hin­di mauun­lad na ban­sa ang ma­ka­la­la­go, at hang­gang 2024, ang ka­ra­mi­ha’y inaa­sa­hang ma­na­na­ti­ling 5.5% na mas ma­ba­ba sa an­tas ba­go ang pan­dem­ya. Sa 2025 pa inaa­sa­hang maaa­bot ng pan­da­ig­di­gang eko­nom­ya ang an­tas ba­go ang pan­dem­ya.

Kung sa ma­ba­baw na pag­ti­ngin, ang lub­hang hin­di pan­tay na eko­no­mi­kong pag­si­kad mu­la sa pag­gu­ho noong 2020 ay du­lot ng la­bis na hin­di pan­tay na distri­bu­syon at ka­ku­la­ngan sa sup­lay ng mga ba­ku­na, na nag­bi­gay-da­an sa pag­li­taw ng ba­gong mga bar­yant. Ha­bang 70% ng ma­ma­ma­yan sa US at 62% sa Eu­ro­pe ay na­ka­pag­pa­ba­ku­na na, 4% la­mang ng ma­ma­ma­yan sa mga ban­sang ma­ba­bang-ki­ta ang na­ka­pag­pa­tu­rok na. Bu­kod sa hin­di pan­tay na distri­bu­syo­n, ang sup­lay ng mga ba­ku­na ay hin­di rin sa­pat da­hil sa pag­tang­gi ng mga kum­pan­ya sa par­ma­syu­ti­ka na buk­san ang tek­no­lo­hi­ya sa pag­ma­ma­nu­pak­tu­ra upang imo­no­po­li­sa ang pro­duk­syo­n. Mu­la sa ori­hi­nal na tar­get na 2 bil­yon, ang Covax Faci­lity ng World Health Orga­niza­ti­on ay na­ka­pag­la­an la­mang ng 1.4 bil­yong do­sis pa­ra sa hin­di mauun­lad na ban­sa.

Ga­yun­pa­man, sa mas sa­li­gan, ang hin­di pan­tay na pag­si­kad sa eko­nom­ya, ay re­sul­ta at la­long nag­papa­lub­ha sa ma­la­pad na ag­wat sa pa­gi­tan ng mga aban­teng ka­pi­ta­lis­tang ban­sa at mga ban­sang at­ra­sa­do, ag­rar­yo at hin­di in­dustri­ya­li­sa­do. Ha­bang gu­ma­mit ng ma­la­la­king ha­la­ga ng pam­pi­nan­syang ka­pi­tal ang mga sentro ng ka­pi­ta­lis­mo at ki­no­po ang ak­ses sa mga ba­ku­na, ang da­ti nang lu­bog sa utang na mga ma­la­ko­lon­ya at hin­di maun­lad na ban­sa ay na­pi­li­tang ma­ngu­tang ng ilan­da­ang bil­yong dol­yar at nai­sai­san­ta­bi sa bi­li­han ng ba­ku­na. Ang pag­ka­wa­sak ng mga pwer­sa sa pro­duk­syon na du­lot ng mga pag­hi­hig­pit sa eko­nom­ya ay ma­la­yong mas ma­la­la sa mga at­ra­sa­dong ban­sa.

Na­ga­mit ang pan­dem­ya na da­hi­lan ng mga im­per­ya­lis­tang gub­yer­no, bang­ko at insti­tu­syon sa pi­nan­sya na mag­bu­hos ng wa­la pang ka­pan­tay na ha­la­ga ng pis­kal at sa­la­ping pam­pa­si­kad pa­ra diu­ma­no mu­ling bu­ha­yin ang mga eko­nom­ya. Tan­da ng ma­yor na pag­pi­hit ng mga ban­sang im­per­ya­lis­tang sa pa­mu­mu­no ng US tu­ngo sa pag­pon­do ng ayu­da at pag­ba­wing pang-e­ko­nom­ya, hin­di ba­ba­ba sa $14 tril­yon na pon­dong pam­pa­sig­la ang ini­la­an pa­ra sa sub­sid­yo, pau­tang sa pa­na­hon ng ka­gi­pi­tan, pa­mu­mu­hu­nan pang-es­ta­do, pag­kal­tas sa bu­wis at iba pang hak­ba­nging pis­kal noong 2020 at 2021. Hi­git 90% ng pon­dong pam­pa­sig­la ay na­ka­kon­sentra sa anim na ban­sa: sa US ($5.9 tril­yon), Ja­pan ($2.9 tril­yon), Ger­many ($1.5 tril­yon), UK ($956 bil­yon), France ($722 bil­yon), at Chi­na ($710 bil­yon). Nag­la­an din ng sig­ni­pi­kan­teng ha­la­ga ng pon­dong pam­pa­sig­la, ba­ga­man mas ma­ba­ba kum­pa­ra sa pa­ngu­na­hing im­per­ya­lis­tang mga ban­sa, sa South Ko­rea ($263 bil­yon), India ($215 bil­yon), Brazil ($206 bil­yon), Rus­sia ($85 bil­yon) at Indo­ne­sia (US\$38 bil­yon).

Ang pi­na­ka­ma­la­la­king na­ki­na­bang sa na­tu­rang pon­dong pam­pa­sig­la ay ang mga mo­no­pol­yong bur­ge­sya sa pi­nan­sya, tek­no­lo­hi­ya at par­ma­syu­ti­ka sa nga­lan ng pag­po­pon­do ng kam­pan­ya sa pag­ba­ba­ku­na, pag­bi­bi­gay ng tu­long pang­ka­gi­pi­tan sa mga mang­ga­ga­wa, ga­yun­din ang pag­gas­tos pa­ra sa pag­tu­gon sa cli­ma­te cha­nge. Ang ma­la­la­king pag­bu­hos ng pon­do ng mga es­ta­do ay nag­re­re­sul­ta sa wa­lang ka­pan­tay na an­tas ng utang. Pi­na­ta­tam­pok ni­to na sa na­ka­ra­ang de­ka­da ay lu­mo­bo ang utang sa pi­na­ka­ma­la­ki at pi­na­ka­ma­bi­lis sa ka­say­sa­yan. Sa ka­la­git­na­an ng taong ito, ang pan­da­ig­di­gang utang ay umak­yat sa $296 tril­yon, 13.9% mas ma­ta­as nang mag­si­mu­la ang pan­dem­ya. Sa ka­ta­pu­san ng taon, inaa­sa­hang la­lam­pas ito sa $300 tril­yong an­tas. Ang ha­la­ga ng pan­da­ig­di­gang utang ay ka­tum­bas ng 353% ng pan­da­ig­di­gang GDP, hi­git 26% na mas ma­la­ki kum­pa­ra sa pa­num­ba­sang 280% noong 2008. Ang mga pag­hi­ram at pag­li­lim­bag ng pe­ra ng mga gub­yer­no ay nag­tu­tu­lak sa pam­pub­li­kong utang tu­ngo sa mas ma­ta­ta­as na an­tas, kung saan umaa­bot ito sa 123% ng GDP sa mga aban­teng ka­pi­ta­lis­tang ban­sa sa 2021, at 63% sa hin­di gaa­nong mauun­lad na eko­nom­ya.
Iba­yong pi­na­la­lim ng pan­dem­yang Covid-19 ang pan­da­ig­di­gang kri­sis ng sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta at pi­na­ig­ting ang mga kontra­dik­syon ni­to. Sa ha­rap ng umii­gi­ting na ka­pi­ta­lis­tang kum­pe­ti­syon at anar­ki­ya sa pro­duk­syo­n, ang hi­gan­teng mo­no­pol­yo-bur­ge­sya ay pa­tu­loy na nag­ka­ka­mal ng hi­git na ma­la­king ka­pi­tal sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­sid­hi ng pag­sa­sa­man­ta­la sa mga mang­ga­ga­wa sa pag­ga­mit sa ar­ti­pi­syal na in­te­lid­yens, ro­bo­tics, kompyu­ter at iba pang tek­no­lo­hi­ya. Ang re­se­syo­n, ka­ku­la­ngan sa sup­lay at pag­ti­gil sa transpor­ta­syon at mga de­li­be­ri na du­lot ng pan­dem­ya ay nag­re­sul­ta sa ma­la­wa­kang pag­ka­si­ra o pag­ka­teng­ga ng pro­duk­ti­bong mga pwer­sa la­lu­na sa mga at­ra­sa­dong mga eko­nom­ya.

Ang mga kri­sis sa eko­nom­ya at ma­la­wa­kang pag­ka­si­ra ng pro­duk­ti­bong pwer­sa ay nag­du­du­lot ng iba­yong kon­sentra­syon ng ka­pi­tal, la­lu­na sa mga bang­ko, insti­tu­syon sa pi­nan­sya, at pa­mi­li­han ng sa­pi. Nag­hu­hu­gis din ito sa pag­ka­bang­ka­ro­te, ga­yun­din ang mga pag­sa­nib at pag­bi­li sa mga kum­pan­ya, kung saan ni­la­la­mon ng ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta ang ma­hi­hi­na at ma­li­li­it. Ang bi­lang ng mga na­bang­ka­ro­te si­mu­la ng pan­dem­ya ay na­pa­na­ti­ling ma­ba­ba ng ma­la­la­king pag­la­la­an ng pon­do ng es­ta­do ngu­nit inaa­sa­hang bu­bug­so sa ma­la­pit na hi­na­ha­rap. Umaa­bot sa 16% ng ma­li­li­it at ka­tam­ta­mang-la­king ne­go­syo sa aban­teng mga ban­sa sa Eu­ro­pe at Asia-Pacific ang inaa­sa­hang ma­ba­bang­ka­ro­te sa su­su­nod na mga taon, at lu­lu­saw sa 20 mil­yong tra­ba­ho. Sa pan­da­ig­di­gang sak­law, ang bi­lang ng ma­ba­bang­ka­ro­te ay inaa­sa­hang aak­yat nang 15% ka­sa­bay ng un­ti-un­ting pag­ka­sa­id ng pon­dong pam­pa­sig­la ng mga es­ta­do at pa­tu­loy na pag­ka­ba­la­ho sa re­se­syon ng mga eko­nom­ya. Sa unang si­yam na bu­wan ng 2021, may 44,000 pag­sa­sa­nib at pag­bi­li, pi­na­ka­ma­ra­mi sa na­ka­ra­an, na may ka­buuang ha­la­gang $4.4 tril­yon, hi­git sa da­ting pi­na­ka­ma­ta­as na $4.3 tril­yon noong 2015, na inaa­sa­hang ta­ta­as pa tu­ngong $6 tril­yon sa ka­ta­pu­san ng taon.

Sa ka­ta­pu­san ng taon, ti­na­ta­yang mas ma­ba­ba nang 125 mil­yon ang buong-pa­na­hong tra­ba­ho kum­pa­ra ba­go mag­pan­dem­ya. Na­na­na­ti­ling ma­ta­as ang tan­tos ng pan­da­ig­di­gang di­semple­yo ha­bang ma­hi­git 220 mil­yong mang­ga­ga­wa (o 6.3%) ang inaa­sa­hang ma­wa­lan ng tra­ba­ho sa ka­ta­pu­san ng 2021, ba­hag­yang mas ma­ta­as kum­pa­ra sa ka­ta­pu­san ng 2020. Inaa­sa­hang ba­bag­sak ito sa 5.7% sa 2022, na mas ma­ta­as pa rin sa 5.4% tan­tos ng di­semple­yo noong 2019. Ti­na­ta­yang 119 mil­yon hang­gang 124 mil­yong in­di­bid­wal sa buong daig­dig ang na­sad­lak sa la­bis na ka­ruk­ha­an si­mu­la 2020, na sa ka­buua’y umaa­bot na sa 711 mil­yong in­di­bid­wal. Dag­dag na 161 mil­yon ang na­ka­ra­ra­nas ng gu­tom, na sa ka­buua’y umaa­bot sa 811 mil­yon.

Sa ka­bi­lang pa­nig, ang pi­na­ka­ma­ya­ya­mang bil­yu­nar­yo sa mun­do ay pa­tu­loy na nag­ka­ka­mal ng ya­man. Ang san­da­kot na ultra-bil­yu­nar­yo ay may abe­reyds na ya­man na $147 bil­yon. Nga­yong taon, ang pag-aa­ri ng 500 pi­na­ka­ma­ya­ya­mang in­di­bid­wal ay pu­ma­im­bu­log tu­ngong $7.6 tril­yon, ang pi­na­ka­ma­la­king pag­la­go sa ka­say­sa­yan. Ha­bang ang ma­ma­ma­yan ay nag­du­ru­sa sa gu­tom at ka­wa­lan sa li­pu­nan, ang mga su­per-ya­mang in­di­bid­wal na ito ay nag­ta­ta­pon ng pe­ra sa lan­tad, at ka­da­la­san, kap­rit­yo­song pag­gas­tos, ka­bi­lang ang pagbya­he sa mga pri­ba­dong jet at ya­te, at pag­li­pad sa mul­tibil­yong ka­tu­wa­ang pagbya­he sa ka­la­wa­kan.

Ang sentro ng pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­mo ay na­na­na­ti­ling na­sa re­se­syon o di pa rin lu­ma­la­go. Pla­nong ipa­tu­pad ng gub­yer­nong US sa ila­lim ni Bi­den ang isang mul­titril­yong dol­yar na neo-Key­ne­si­an na prog­ra­ma sa pag­gas­ta sa tang­kang ayu­sin ang bu­lok nang imprastruk­tu­ra at pa­sig­la­hin ang ka­pis­ta­lis­tang eko­nom­ya ng US na du­ma­ra­nas ng du­ma­da­las na sik­lo ng kri­sis, re­se­syon at ma­ba­gal na pag-un­lad sa ila­lim ng pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral. Sa ka­buuan, pla­no ng gub­yer­nong US na gu­mas­ta nang aa­bot sa $5.5 tril­yon pa­ra pon­do­han ang Ame­rican Rescue Plan, Ame­rican Jobs Prog­ram at Ame­rican Fa­mi­li­es Plan, na sa sa­li­gan ay pag­pa­pa­la­pad ng “Ame­rica First” po­licy ng gub­yer­nong Trump. Ang pag­la­la­an ng ma­la­king ha­la­ga ng ka­pi­tal ng es­ta­do ay maaaring ar­ti­pi­syal na mag­pa­si­sig­la sa eko­nom­ya ng US, la­lu­na sa maik­sing pa­na­hon, ngu­nit pi­na­ta­ta­as din ni­to ang pa­nga­nib ng lu­ma­la­king pam­pub­li­kong utang at ma­ta­as na tan­tos ng impla­syo­n. Nga­yong taon, ha­los 130% na ng GDP ang utang pe­de­ral ng US, mas ma­ta­as sa suk­du­lang ina­bot noong World War II na 120%.

Ang mga prog­ra­mang ito ay ini­la­la­ra­wang “ber­de” (o “ma­ka-ka­li­ka­san”) at “prog­re­si­bo,” pe­ro sa sa­li­gan ay nag­la­la­yong ila­tag ang imprastruk­tu­rang pang-e­ko­nom­ya at pan­li­pu­nan pa­ra sa ma­la­la­king bur­ge­sya sa US pa­ra ma­kaa­kit ng mga pa­mu­mu­hu­nan at mag­tu­lak ng ka­pi­ta­lis­tang pro­duk­syon sa ka­pin­sa­la­an ng mga mang­ga­ga­wang Ame­ri­ka­no. La­yu­nin ni­tong ila­gay ang eko­nom­ya ng US sa pu­si­syon pa­ra mu­ling igi­it ang pan­da­ig­di­gang pag­ha­ha­ring pang-e­ko­nom­ya sa ha­rap ng nag­pa­pa­tu­loy na pag-un­lad ng Chi­na.

Ka­pan­sin-pan­sin ang pag­ba­gal ng pag­la­go ng Chi­na sa nag­da­ang li­mang taon ma­ta­pos ma­lu­nod ang pan­da­ig­di­gang mer­ka­do du­lot ng ma­bi­lis na pag­ta­as ng ka­ka­ya­han ni­to bi­lang prod­yu­ser ng mga pye­sang elektro­ni­ko, ba­kal at iba pang ka­ga­mi­tan sa konstruk­syo­n. Na­di­dis­ka­ril ang mga pag­si­si­kap ng gub­yer­no ng Chi­na na mag­ba­was ng sarplas na ka­pi­tal at ka­la­kal. Bu­mag­sak ang pro­duk­syon sa konstruk­syon at ba­kal sa 2021. Ma­sak­law ang pag­ba­gal sa pag­gas­ta ng gub­yer­no ha­bang ang mga gub­yer­no sa an­tas re­hi­yon at pru­bin­sya ay tu­ma­tang­gi sa pon­dong ini­la­an ng sentrong gub­yer­no pa­ra sa imprastruk­tu­ra da­hil sa pa­ngam­bang hin­di sa­pat ang ki­ki­ta­in at ta­kot sa lu­ma­la­king utang. Bu­ma­gal ang pro­duk­syon sa git­na ng mga ka­ku­la­ngan sa ener­hi­ya na iti­nak­da ng es­ta­do na nag­tu­lak sa mga pa­ga­wa­an na mag­sa­ra noong Set­yembre, ga­yun­din ng pau­lit-u­lit na mga pag­hi­hig­pit sa im­bing tang­ka na pa­na­ti­li­hing ma­ba­ba hang­gang sa wa­la ang mga ka­so ng Covid-19. Sa pag­si­si­kap na pa­si­ka­rin ang pa­mu­mu­hu­nan, ina­tas ng gub­yer­no ng Chi­na ka­ma­kai­lan ang pag­la­la­bas ng $188 bil­yon mu­la sa mga bang­ko.

Na­sa bi­ngit ng kri­sis sa pi­nan­sya ang Chi­na re­sul­ta ng pag­ba­ba­was ng US ng im­port at pag­gu­ho ng mer­ka­do ni­to ng real es­ta­te na pi­na­lub­ha ng prob­le­ma sa sa­la­pi ng hi­gan­teng kum­pan­yang Evergran­de Gro­up na ma­kai­lang ulit na hin­di na­ka­pag­ba­yad ng ma­la­king utang ni­tong $300 bil­yon ka­ma­kai­lan. Sa ta­bing ng pag­de­pen­sa sa so­sya­lis­tang mga prin­sip­yo, nag­lun­sad ang nag­ha­ha­ring gub­yer­nong Chi­ne­se ng mga ata­ke la­ban sa mga kum­pan­ya sa te­ko­no­lo­hi­ya, pa­ngu­na­hin ang mga kum­pan­ya ng mga mo­no­pol­yong ka­pi­ta­lis­ta ng es­ta­do na ki­la­lang tu­mu­tung­ga­li sa nag­ha­ha­ring pang­ka­ting Xi Jin­ping.

Ma­ta­pos du­ma­nas ng 6.1% pag­ki­tid noong 2020, ipi­nag­ma­ma­la­ki ng Eu­ro­pe­an Uni­on (EU) ang ma­bi­lis uma­no ni­tong pag­si­kad kung saan na­ka­ba­lik na sa an­tas ba­go mag­pan­dem­ya ang pro­duk­syon sa eko­nom­ya. Ang pag­la­go sa EU ay inaa­sa­hang aa­bot sa 5% sa 2021, pe­ro ba­ba­gal tu­ngong 4.3% sa 2022, at 2.5% sa 2023. Sa ka­bi­la ng pag­la­go, na­na­na­ti­ling ma­ta­as ang di­semple­yo at mas ma­ta­as kum­pa­ra ba­go mag­pan­dem­ya. Na­pi­pi­gi­lan ang pag­la­go ng kon­su­mo ng pi­na­ka­ma­taas na impla­syon sa 13 taon. Par­ti­ku­lar na naa­pek­tu­han ang EU ng la­bis na pag­sa­la­lay ni­to sa ka­wing ng sup­lay na da­yu­hang pag­ma­ma­nu­pak­tu­ra kum­pa­ra sa US at Chi­na, at sa da­yu­hang pi­nag­mu­mu­lan ng ener­hi­ya.

Ang Ja­pan, pa­ngat­long pi­na­ka­ma­la­king ka­pi­ta­lis­tang ban­sa, ay pa­tu­loy na na­ba­ba­la­ho sa de­ka-de­ka­da nang is­tag­na­syon sa eko­nom­ya. Ku­mi­tid nang 28.2% ang eko­nom­ya ng Ja­pan noong Abril-Hun­yo 2020 na nag­pa­tam­pok sa 19 na bu­wan ng pag­hi­na ng eko­nom­ya. Ka­hit pa na­ka­ba­wi ito mu­la Hun­yo 2020, mu­ling ku­mi­tid ang eko­nom­ya ng Ja­pan noong Ene­ro-Mar­so at Hul­yo-Set­yembre nga­yong taon. Ang kri­sis sa eko­nom­ya ng Ja­pan ay pi­na­lub­ha ng pan­da­ig­di­gang pag­bag­sak sa de­mand pa­ra sa mga ine­eksport ng Ja­pan na mga ka­ga­mi­tang elektro­ni­ko, sa­sak­yan at mga pye­sa ng kot­se.

Ang mga ban­sang at­ra­sa­do ang eko­nom­ya, ka­bi­lang ang Pi­li­pi­nas, ay ku­ma­ka­ha­rap ng pa­pa­lub­hang so­syo­-e­ko­no­mi­kong ka­la­ga­yan sa ha­rap ng ma­bi­lis na pag­la­ki ng utang pa­ra pon­do­han ang pag­bi­li ng mga ba­ku­na, ang ki­nal­tas na bu­wis sa ma­la­la­king kor­po­ra­syo­n, sub­sid­yong pan­li­pu­nan at lan­ta­rang ko­rap­syo­n. Si­mu­la noong na­ka­ra­ang taon, nag­du­sa ang at­ra­sa­dong mga eko­nom­ya sa ha­rap ng ma­la­king bi­lang ng na­bang­ka­ro­teng ma­li­li­it at im­por­mal na ne­go­syo, at ma­ka­say­sa­yang tan­tos ng ka­wa­lan ng tra­ba­ho, ka­hi­ra­pan at ka­gu­tu­man. Hu­mig­pit ang kontrol ng mga im­per­ya­lis­ta sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pau­tang sa mga ma­la­ko­lon­yal at at­ra­sa­dong eko­nom­ya. Sa da­ra­ting na mga taon, ipa­pa­taw ng Inter­na­tio­nal Mo­ne­tary Fund at World Bank ang iba­yong neo­li­be­ral na hak­ba­nging pag­ti­ti­pid, dag­dag na mga bu­wis, at li­be­ra­li­sa­syon sa pa­ta­ka­ran sa pa­li­tan at pa­mu­mu­hu­nan na ti­yak mag­ha­ha­tid ng hi­git na pag­hi­hi­rap sa ma­ma­ma­yan.

Pa­tu­loy na umi­ig­ting ang in­ter-im­per­ya­lis­tang mga tung­ga­li­an sa ha­rap ng wa­lang-lu­bay na kri­sis ng pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang sis­te­ma. Su­mi­sid­hi ang tung­ga­li­an sa eko­nom­ya at ka­la­ka­lan, ga­yun­din sa ka­re­ra sa ar­mas, pag­ha­han­dang mi­li­tar, pang­ha­li­ling dig­ma at pang-uud­yok sa iba’t ibang ba­ha­gi ng daig­dig.

Pa­tu­loy na pi­naiig­ting ng US ang mga pa­ta­ka­ran at hak­ba­ngin ni­tong an­ti-Chi­na. Nag­pa­taw ito dag­dag na pang­gi­gi­pit sa mga kum­pan­yang Chi­ne­se na si­na­sa­bing nang-ees­pi­ya at gu­ma­ga­mit ng la­kas-pag­ga­wa ng mga bi­lang­go, sa la­yu­ning itu­lak ang lo­kal na pro­duk­syon at de­mand pa­ra sa mga pro­duk­tong Ame­ri­ka­no. La­yon ng tril­yong dol­yar na pla­nong gas­ta­hin ng gub­yer­nong Bi­den sa da­ra­ting na mga taon ang paun­la­rin ang imprastruk­tu­ra at la­kas-pag­ga­wa pa­ra hi­ka­ya­tin ang lo­kal na pa­mu­mu­hu­nan at ba­wa­san ang pag­sa­la­lay sa im­por­ted na mga pye­sang elektro­ni­ko. Ga­yun­pa­man, kai­la­ngan ha­ra­pin ng US ang mas ma­ta­as na ha­la­ga ng pag­ga­wa sa ban­sa, sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­ba­ba­ba ng sa­hod, o sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­tin­di ng pag­sa­sa­man­ta­la sa mga mang­ga­ga­wang Ame­ri­ka­no, la­lu­na sa mga mig­ran­teng mang­ga­ga­wa at mga mang­ga­ga­wa sa ka­na­yu­nan. Ma­ki­ki­ta kung mag­ta­ta­gum­pay ang mga hak­ba­nging neo-Key­ne­si­an ni Bi­den na hu­mi­wa­lay sa Chi­na at sa ma­la­wak ni­tong da­gat ng mu­rang pag­ga­wa at ta­ga-sup­lay ng pye­sa, na hin­di naeet­sap­we­ra sa ma­la­wak na pa­mi­li­han ng Chi­na na ku­mo­kon­su­mo ng ka­ga­mi­tang elektro­ni­ko at iba pang pro­duk­tong may ta­tak US.

Nag­bu­bu­hos din ng bil­yun-bil­yong dol­yar ang Chi­na pa­ra pa­bi­li­sin ang pa­na­na­lik­sik ni­to pa­ra paun­la­rin ang tek­no­lo­hi­ya pa­ra sa pro­duk­syon ng ba­gong he­ne­ra­syon ng mga se­micon­ductor. Bi­na­ban­ta­an ng US ang ak­ses ng Chi­na sa tek­no­lo­hi­yang se­micon­ductor sa pa­ma­ma­gi­tan ng iba­yong pag­pa­pa­la­kas ng ug­na­yang mi­li­tar sa at pre­sen­syang mi­li­tar sa Tai­wan, na si­yang pi­na­ka­ma­la­king prod­yu­ser sa daig­dig ng mga pye­sang elektro­ni­ko.

Nag­pa­pa­tu­loy ang gi­ri­an ng mga ka­pis­ta­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa pro­duk­syon at ka­la­ka­lan ng la­ngis. Si­na­man­ta­la ng mga may mo­no­pol­yo sa pro­duk­syon ng la­ngis tu­lad ng Sau­di Ara­bia, Rus­sia at OPEC ang tu­ma­ta­as na de­mand pa­ra sa kru­do nang nag­sab­wa­tan si­la pa­ra ili­mi­ta ang pro­duk­syon ng kru­dong la­ngis upang itu­lak ang pre­syo ni­to tu­ngong $85 ka­da ba­ri­les noong Oktub­re, pi­na­ka­ma­ta­as sa nag­da­ang pi­tong taon. Ma­ta­pos in­da­hin ang ka­ku­la­ngan at tu­ma­ta­as na pre­syo ng la­ngis, nag­la­bas ng ka­ni­lang im­bak na die­sel at ga­so­li­na ang US, Chi­na, Ja­pan at South Ko­rea at iba pa sa tang­kang iba­ba ang pre­syo. Ka­tam­bal ng pa­ni­ba­gong ban­ta ng pan­da­ig­di­gang bug­so ng im­pek­syon ng Covid-19, na­hi­la ni­to pa­ba­ba tu­ngong $70 ka­da ba­ri­les ang pre­syo ng la­ngis noong um­pi­sa ng Di­sye­mbre.

Pa­tu­loy ang pag­ha­ha­bu­lan ng na­ngu­ngu­nang im­per­ya­lis­tang mga ban­sa sa ka­re­ra sa ar­mas. Tu­ma­as ang pan­da­ig­di­gang pag­gas­tang mi­li­tar nang 2.6% tu­ngong $1,981 bil­yon sa pa­ngu­ngu­na ng US, Chi­na, India, Rus­sia at Uni­ted King­dom. Sa bad­yet ng US na $753 bil­yon pa­ra sa mi­li­tar sa 2022, 39% ang ba­ha­gi ni­to sa pan­da­ig­di­gang bad­yet sa mi­li­tar. Nag-uu­na­han ang mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa pag­pa­pa­un­lad ng mga mi­sayl na hyper­so­nic, mga san­da­tang kontra-sa­te­layt, la­ser, ar­mas nuk­le­yar, at­tack dro­ne, mga sun­da­long ro­bot, na­ka­ku­kub­ling mga fighter jet, sub­ma­ri­no at iba pang tek­no­lo­hi­yang mi­li­tar.

Noong Set­yembre, ki­numple­to ng US ang pag-at­ras sa Afgha­nis­tan ma­ta­pos ma­ta­lo ang 20-ta­ong oku­pa­syon ni­to sa ban­sa. Ga­yun­man, wa­la itong pla­nong ba­wa­san ang da­mi ng mga ba­se mi­li­tar at pwer­sa ni­to sa iba­yong da­gat. Ta­li­was di­to, nais ng mi­li­tar ng US na iba­yong dag­da­gan ang la­kas ni­to alin­su­nod sa pag­pa­pa­la­kas ng pre­sen­sya kap­wa sa Asia at Eu­ro­pe, ha­bang pi­na­na­na­ti­li ang pre­sen­sya sa Africa, West Asia at iba pang re­hi­yon sa daig­dig. Sa ba­lang­kas ng dek­la­ra­syon ni­to na ang Chi­na ang “pi­na­ka­ma­la­king estra­te­hi­kong ban­ta,” pa­tu­loy na pi­na­la­la­kas ng US ang pre­sen­syang mi­li­tar sa East Asia sa pag­ta­la­ga ng pi­na­ka­ma­la­king gru­po ng aircraft car­ri­er sa East Chi­na Sea, South Chi­na Sea at Tai­wan Stra­it sa ta­bing ng mga “o­pe­ra­syong pa­ra sa ma­la­yang pag­la­la­yag,” ha­bang pi­na­bi­bi­lis ang konstruk­syon ng mga ba­se at pa­si­li­dad mi­li­tar sa Pi­li­pi­nas, Austra­lia, Guam at iba pang lu­gar. Pa­tu­loy itong nag­tu­tu­lak pa­ra sa ba­gong mga al­yan­sang mi­li­tar tu­lad ng Quad (ka­sa­ma ang UK, India at Ja­pan) at ang AUKUS (ka­sa­ma ang UK at Austra­lia.) Nag­sa­ga­wa ito ka­ma­kai­lan ng hu­wad na Sum­mit of De­mocracies sa ka­gus­tu­hang ku­mu­ha ng su­por­ta pa­ra pa­li­bu­tan at ihi­wa­lay ang Chi­na at Rus­sia.

Pi­naiig­ting din ng US ang pre­syur mi­li­tar sa Rus­sia, at nag­lu­lun­sad ng mga ope­ra­syong pang­him­pa­pa­wid ma­la­pit sa si­la­ngang hang­ga­nan ng Rus­sia. Sa sul­sol ng US, pi­na­la­yag ng UK ang bar­kong pan­dig­ma ni­to sa Black Sea ma­la­pit sa Cri­mea, na nang-ud­yok sa Rus­sia na mag­pa­ka­wa­la ng mga mi­sayl; at hi­na­rang ng Ger­many ang konstruk­syon ng ma­yor na gas pi­pe­li­ne ng Rus­sia. Pa­tu­loy na nag­bi­bi­gay ng tu­long mi­li­tar ang US sa Ukrai­ne na nag­sil­bing pa­ngontra sa pag­pa­pa­la­wak ng implu­wen­sya at he­ge­mon­ya ng Rus­sia tu­ngong Eu­ro­pe, ha­bang nag­pa­pa­tu­loy na­man ang Rus­sia sa pag­bi­bi­gay ng su­por­tang mi­li­tar sa mga re­hi­yon ng Rus­sia sa Don­bass, Ukrai­ne. Sa ha­rap ng ban­ta ng pa­na­na­kop ng Rus­sia sa Ukrai­ne, pi­na­la­ki ng US ang mga pwer­sang mi­li­tar sa mga ba­se mi­li­tar ni­to sa Ger­many.

Na­ka­pag­ta­tag ang Rus­sia at Chi­na ng de facto na al­yan­sang mi­li­tar la­ban sa US at NATO, na may mga ka­sun­du­an pa­ra sa pi­nag­sa­nib na mga pag­sa­sa­nay mi­li­tar at pi­nag­sa­nib na pag­pa­pat­rul­ya. Isi­na­ga­wa ni­la ang pi­nag­sa­nib na pan­da­gat na pag­pat­rul­ya sa Sea of Ja­pan at East Chi­na Sea. Ang Chi­na na nga­yon ang may pi­na­ka­ma­la­king pwer­sang na­bal, ba­ga­man na­na­na­ti­ling lub­hang mas ma­hi­na ito sa mi­li­tar ng US sa usa­pin ng mga aircraft car­ri­er.

Pa­tu­loy ang mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa pag­lu­lun­sad ng mga dig­mang prok­si sa Middle East, Africa at iba pang ba­ha­gi ng daig­dig. Sa ha­rap ng ha­yag na su­por­ta ng US, ma­kai­lang ulit nang ina­ta­ke ng Isra­el ang Pa­les­ti­ne ga­mit ang mga mi­sayl at bom­ba mu­la sa him­pa­pa­wid. Nag­sa­ga­wa ito ng ser­ye ng pag­pas­lang at nag­ba­ban­tang mag­lun­sad ng lan­ta­rang pag-a­ta­keng mi­li­tar la­ban sa Iran. Pa­tu­loy na bi­na­ba­yo ng Sau­di Ara­bia ang Ye­men ga­mit ang mga bom­bang si­nu­sup­lay ng US. Pa­tu­loy na nag­du­ru­sa ang ma­ma­ma­yan ng Syria mu­la sa pam­bo­bom­ba mu­la sa him­pa­pa­wid ng mga pwer­sa ng US.

Mil­yun-mil­yong ma­ma­ma­yan ang na­pa­la­yas ng mga dig­ma at tung­ga­li­ang ud­yok ng US sa Syria, Kur­dis­tan, Lib­ya, Ethio­pia, Su­dan, Afgha­nis­tan at iba pang ban­sa. Sa unang ha­ti ng taong ito, uma­bot sa ha­los 90,000 tao ang na­pi­li­tang tu­ma­wid ng mga da­gat pa­ra mag­sang­twar­yo sa Eu­ro­pe at ibang mga ban­sa ngu­nit hin­di pi­na­ya­gang ma­ka­pa­sok. La­bag sa in­ter­na­syu­nal na mga ba­tas sa pagpro­tek­ta sa mga refu­gee, gu­ma­gas­tos nang ma­la­ki ang mga ban­sa pa­ra ita­yo ang mga pa­der sa ka­ni­lang mga hang­ga­nan at ita­boy ng mga refu­gee na nag­re­re­sul­ta sa pag­ka­ma­tay ng mga tao sa pe­lig­ro­song bya­he sa da­gat.

Lu­mi­lik­ha ang pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang kri­sis ng pa­pa­lub­hang kun­di­syon ng pang-aa­pi at pag­sa­sa­man­ta­la na nag­tu­tu­lak sa ma­ra­ming ma­ma­ma­yan sa buong mun­do na mag­lun­sad ng pa­ki­ki­ba­kang ma­sa at iba pang por­ma ng pag­la­ban. Ka­pan­sin-pan­sin ang pag­da­mi sa bi­lang ng wel­ga ng mga mang­ga­ga­wa nga­yong taon, la­lu­na noong Oktub­re sa US, kung saan igi­ni­it ng mga mang­ga­ga­wa ang pag­ta­ta­as ng sa­hod at mas maa­yos na mga kun­di­syon sa pag­ga­wa. May­ro­on ding mga pam­ban­sang pro­tes­ta at wel­ga ng mga mang­ga­ga­wa sa France na tu­mu­tu­lig­sa sa la­bis na ma­ba­bang mga sa­hod, ga­yun­din ang isang ma­yor na wel­ga ng mga mang­ga­ga­wa sa ri­les sa Ger­many, at is­tap sa uni­ber­si­dad sa buong UK.

Ma­la­wak ang le­hi­ti­mong pag­ka­ba­ha­la at pag­tu­lig­sa sa ma­pa­nu­pil na mga pa­ta­ka­rang pag­hi­hig­pit kaug­nay ng pan­dem­ya, sa­pi­li­tang pag­ba­ba­ku­na at iba pang mga pa­ta­ka­rang di pan­tay na pagtra­to sa mga di na­ba­ku­na­han. Ga­yun­man, ang mga prog­re­si­bo at pwer­sang re­bo­lu­syo­nar­yo ay hin­di na­ka­pag-ii­ni­sya­ti­ba at na­ka­pa­mu­mu­no pa­ra kun­de­na­hin ang ma­la­la­king kum­pan­ya sa par­ma­syu­ti­ka sa pag­mo­mo­no­po­li­sa ng mga ito sa pro­duk­syo­n, sup­lay at la­bis na pag­pep­re­syo, at sa pag­tang­gi na buk­san at iba­ha­gi ang por­mu­la ng ba­ku­na pa­ra ma­ta­sa ng mga in­de­pendyen­teng si­yen­tis­ta ang bi­sa at ka­lig­ta­san ng mga ito, mag­sil­bing ba­ta­yan pa­ra ma­ka­pag­hi­ka­yat ng ma­ra­mi­hang pag­ba­ba­ku­na, at pa­ra big­yan ng sa­pat na im­por­ma­syon ang ma­ma­ma­yan pa­ra ma­ka­pag­buo si­la ng maa­lam na de­si­syo­n. Da­hil di­to, na­ga­ga­wa ng mga gru­pong ma­ka-ka­nan na pa­la­ga­na­pin ang mga ide­yang an­ti-si­yen­ti­pi­ko at at­ra­sa­do at mang-ud­yok ng mga ak­syong pro­tes­ta at ka­gu­lu­han sa ma­ra­ming mga ban­sa sa Eu­ro­pe at sa iba pang ba­ha­gi ng daig­dig.

Sa India, su­mam­bu­lat noong Nob­yembre 2020 ang hi­gan­teng mga de­monstra­syon ng ilam­pung mil­yong pe­san­te at mag­sa­sa­ka na nag­gi­gi­it ng wa­ka­san ang mga pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral sa ag­ri­kul­tu­ra, na hu­ma­wan sa daan pa­ra sa buong-ta­ong pag­ka­kam­po at pro­tes­ta ng ilan­da­ang li­bo sa la­bas ng sentro, at ma­ta­gum­pay na pum­wer­sa sa re­hi­meng Na­ren­da Mo­di na iba­su­ra ang an­ti-mag­sa­sa­kang mga ba­tas pang-ag­ri­kul­tu­ra. Ini­lun­sad din ng mga mang­ga­ga­wa at ma­sang anak­pa­wis ang ma­yor na mga pro­tes­tang ma­sa sa Myan­mar, Thai­land, Brazil, Pa­les­ti­ne, Su­dan, El Salva­dor, Co­lom­bia, Uru­gu­ay, Rus­sia, Ser­bia at iba pang mga ban­sa pa­ra ipa­ha­yag ang hi­na­ing ng ma­ma­ma­yan la­ban sa pa­sis­tang ti­ran­ya, mga hak­ba­ngin at pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral at im­per­ya­lis­tang in­ter­ben­syo­n, at pa­ra igi­it ang de­mok­ra­ti­kong mga re­por­ma. Sa buong Chi­na, ilan­da­ang wel­ga ng mga mang­ga­ga­wa na nag­gi­gi­it pa­ra sa pag­ba­ba­yad ng sa­hod at pro­tes­ta ng ma­ngga­ga­wa sa transpor­ta­syon la­ban sa hin­di pa­tas na mga ka­la­ka­ran ang is­pon­tan­yong su­mik­lab.
Mu­ling umus­bong ang isang “pink ti­de” sa La­tin Ame­rica sa pag­ka­ka­ha­lal ng mga gub­yer­nong an­ti-im­per­ya­lis­ta sa Pe­ru, Argen­ti­na, Bo­livia, Do­mi­nican Re­pub­lic Nica­ra­gua, Hon­du­ras, Cos­ta Rica at Chi­le, at inaa­sa­hang iba­yong la­la­kas da­hil sa ma­ta­as na po­si­bi­li­dad ng pag­ka­pa­na­lo ng mga an­ti-US na kan­di­da­to sa Brazil at iba pang mga ban­sa sa re­hi­yon. Bi­ni­go ng an­ti-im­per­ya­lis­tang mga gub­yer­no ng Cu­ba at Ve­nezue­la ang mga su­ber­si­bong tang­ka ng US ka­ma­kai­lan na “pa­li­tan ang re­hi­men.” Du­lot ng aban­teng pam­pub­li­kong sis­te­ma sa ka­lu­su­gan, ang dek­la­ra­dong so­sya­lis­tang gub­yer­no ng Cu­ba ay ma­ta­gum­pay na na­ka­ga­wa at nag­pa­pa­ra­mi ng sa­ri­li ni­tong ba­ku­na la­ban sa Covid-19, nag­ba­ku­na sa ha­los 100% ng po­pu­la­syon ni­to, at nag­ba­ha­gi ng kaa­la­man sa ibang mga ban­sa tu­lad ng Ve­nezue­la, Iran at iba pa. Sa ka­bi­la ng pa­hi­rap na pang­gi­gi­pit ng US, na­na­ti­ling mi­li­tan­te ang Iran at North Ko­rea sa pag­de­pen­sa sa so­be­ran­ya ng ka­ni­lang mga ban­sa.

Pa­tu­loy na ini­lu­lun­sad ang re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka sa India, Ma­ni­pur, West Pa­pua, Tur­key, Syria, Kur­dis­tan, Myan­mar, Co­lom­bia, Pe­ru at ibang mga ban­sa pa­ra la­ba­nan ang pa­sis­tang pag­sa­sa­man­ta­la at da­yu­hang ag­re­syo­n. Sa India, ang ma­ka­say­sa­yang dig­mang ba­yan na isi­nu­su­long ng Peop­le’s Li­be­ra­ti­on Army ay pa­tu­loy na su­mu­su­long sa ila­lim ng pa­mu­mu­no ng Com­mu­nist Party of India (Maoist).

Sa ha­rap ng ma­tin­ding kri­sis, ilan­da­ang mil­yong ma­ma­ma­yang api at pi­nag­sa­sa­man­ta­la­han ang hu­ma­ha­nap ng ko­mu­nis­tang pa­mu­mu­no pa­ra ma­ka­pag­bi­gay ng di­rek­syon at inspi­rasyon sa ka­ni­lang pag­la­ban sa im­per­ya­lis­mo at la­hat ng an­yo ng reak­syon sa ka­ni-ka­ni­lang mga ban­sa. Ang na­ka­ta­yo at ba­gong-ta­tag na mga gru­po at par­ti­do ko­mu­nis­tang may pun­da­syon sa Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maoism ay hu­ma­ha­rap sa pa­bo­rab­le kun­di­syong sa buong mun­do pa­ra sa pag­pu­pu­kaw, pag-oor­ga­ni­sa at pag­pa­pa­ki­los sa ma­ma­ma­yan at pag­lu­lun­sad ng mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa at ar­ma­dong pag­la­ban.

Nagluluwal ng ibayong paglaban ang lumulubhang krisis sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

Sad­lak pa rin sa pa­ma­la­gi­ang kri­sis ang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­ma sa Pi­li­pi­nas na pi­na­la­la ng pag­bag­sak ng eko­nom­ya kaug­nay ng pan­dem­ya noong nag­da­ang taon, at ng mi­li­ta­ris­ta, na­kaa­sa-sa-u­tang at neo­li­be­ral na tu­gon sa ka­gi­pi­tan sa pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan. La­long na­la­lan­tad ang bu­lok na kai­bu­tu­ran ng nag­ha­ha­ring pam­pu­li­ti­kang sis­te­ma ha­bang na­la­la­gas ang bur­ges de­mok­ra­ti­kong mga pa­la­mu­ti ni­to at gu­ma­ga­mit ng lan­sa­kang te­ro­ris­mo ng es­ta­do ang nag­ha­ha­ring pang­ka­tin na nag­ha­ha­wan ng daan pa­ra sa lu­ma­la­king ka­pang­ya­ri­han ng mi­li­tar.

Ang pa­ngu­na­hing mga ka­ga­mi­tan sa pro­duk­syon ay na­na­na­ti­ling at­ra­sa­do, ag­rar­yo at di in­dustri­ya­li­sa­do, na­ka­tu­on sa pag-eksport ng hi­law na ma­ter­ya­les, mu­rang la­kas pag­ga­wa at ma­la-­ma­nu­pak­tu­rang mga ka­la­kal, at na­kaa­sa sa pag-im­port ng mga ka­la­kal na pang­ma­nu­pak­tu­ra at pang­kon­su­mo. Ang nag­ta­gal na mga lockdown na nag­re­sul­ta sa pag­gu­ho ng pro­duk­syon noong 2020 ay ga­nap na nag­lan­tad sa nag­hi­hi­nga­long ka­la­ga­yan ng sis­te­mang pang-e­ko­nom­ya at ka­bi­gu­an ni­tong isus­ti­ne ang sa­ri­li at lu­mik­ha ng sa­li­gang pa­nga­ngai­la­ngan ng ma­ma­ma­yan. Ang nag­pa­pa­tu­loy na pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang pag­tu­mal ay nag­re­sul­ta sa la­bis na pag­hi­na ng lo­kal na ma­la-ma­nu­pak­tu­rang pang-eksport, na la­long nag­pa­lo­bo sa ba­ha­gi ng ag­ri­kul­tu­ra at mga sek­tor na ma­ba­ba ang pro­duk­ti­bi­dad, at nag­pa­lub­ha sa di pan­tay na pa­li­tan ng ini­lu­lu­was na mu­rang hi­law na ma­ter­ya­les at ma­la-ma­nu­pak­tu­rang may ma­ba­bang dag­dag-ha­la­ga, at ng mga ina­ang­kat na may ma­ta­as na ha­la­ga. Wi­na­wa­sak ang ag­ri­kul­tu­ra ng Pi­li­pi­nas ng ma­la­ki­hang pag-im­port ng bi­gas at iba pang pro­duk­tong pag­ka­in at ng pag­ta­ta­go sa iba­yong da­gat ng ki­ta mu­la sa eksport na pro­duk­tong pru­tas.

Bu­mu­lu­sok noong nag­da­ang taon ang ma­ta­gal nang lu­mu­lub­hang ka­la­ga­yang so­syo­-e­ko­no­mi­ko ng mga mang­ga­ga­wa, mag­sa­sa­ka, ma­lap­ro­le­tar­ya­do, ka­ra­ni­wang mga ka­wa­ni at ma­li­li­it na pro­pe­syu­nal. La­lo si­lang nag­hi­hi­rap sa git­na ng ma­ta­as na tan­tos ng di­semple­yo, ka­wa­lan ng ki­ta, ma­ba­bang sa­hod, nag­ta­taa­sang pre­syo ng pag­ka­in, pet­rol­yo, iba pang ba­ta­yang pa­nga­ngai­la­ngan at pa­nga­nga­la­gang me­di­kal, na­na­na­ti­ling sa­ra­dong mga eskwe­la­han, dis­lo­ka­syon mu­la sa ka­na­yu­nan, pag­hi­hig­pit sa mga bya­he sa iba­yong da­gat, pa­bi­gat na mga bu­wis, ka­wa­lan ng ti­ra­han at de­mo­li­syon ng mga ko­mu­ni­dad ng ma­ra­li­tang lung­sod.

Pi­na­la­la­ki ng mga tek­nok­ra­ta ng re­hi­meng Du­ter­te na­si­na­nay ng World Bank na lu­ma­go ang GDP sa unang mga bu­wan ng 2021 ga­yong pag­tal­bog la­mang ito mu­la sa 9.6% na pi­na­ka­ma­la­la sa ka­say­sa­yan ng Pi­li­pi­nas na pag­bag­sak ng eko­nom­ya noong 2020 du­lot ng ma­lub­hang ka­pal­pa­kan sa pag­tu­gon sa pan­dem­ya na ki­na­tam­pu­kan ng isa sa pi­na­ka­ma­ta­gal na lockdown sa mun­do.

Na­hu­hu­li nang 2 hang­gang 11 taon sa usa­pin ng pro­duk­syon ang ka­ra­mi­han sa mga sub­sek­tor sa eko­nom­ya, la­lu­na ang mga ho­tel at res­to­ran, transpor­ta­syon at pag­bo­bo­de­ga, real es­ta­te at iba pang ser­bi­syo. Na­hu­hu­li rin ng apat na taon ang pag­ma­ma­nu­pak­tu­ra. Hu­li nang da­la­wang taon ang an­tas ng sub­sek­tor ng ag­ri­kul­tu­ra, pag­gu­gu­bat at pa­ngis­da.

Mag-ii­wan ang re­hi­meng Du­ter­te ng gub­yer­nong bang­ka­ro­te du­lot ng na­wa­lang ki­ta sa mga lockdown at ki­nal­tas na bu­wis sa ma­la­la­king kor­po­ra­syo­n, ng ma­gas­tos at bat­bat sa ko­rap­syon na prog­ra­mang imprastruk­tu­ra, ma­la­ki­hang pag­bi­li ng sob­rang ma­hal na ba­go at upgra­de sa ka­ga­mi­tang pan­dig­ma pa­ra sa ar­ma­dong pwer­sa ni­to at ma­la­ki­hang ko­rap­syon sa bu­ruk­ra­sya at mi­li­tar. Na­ging tak­bu­han ni­to ang ma­la­ki­hang pa­ngu­ngu­tang na pa­pa­sa­nin ng mga Pi­li­pi­no sa da­ra­ting na mga taon sa an­yo ng la­long ma­bi­bi­gat na bu­wis.

Na­ngu­tang ang re­hi­meng Du­ter­te ng ₱2.75 tril­yon sa unang sam­pung bu­wan ng 2021, hi­git sa inu­tang na ₱2.74 tril­yon sa ka­buuan ng 2020, na nag­ta­as tu­ngong 63.1% sa tum­ba­sang utang-GDP ng ban­sa. Aa­bot sa ₱13.42 ang pam­pub­li­kong utang ng Pi­li­pi­nas sa pag­ta­ta­pos ng 2022, da­la­wang ulit na mas ma­la­ki ke­sa ₱5.9 tril­yong utang ng ban­sa noong Hun­yo 2016. Ka­si­nu­nga­li­ngan ang si­na­sa­bi ng gub­yer­nong na­ngu­tang ito nang na­pa­ka­la­ki upang tus­tu­san ang pag­tu­gon sa pan­dem­ya. Ka­tum­bas la­mang ng ha­los 13% ng ka­buuang inu­tang mu­la 2020 ang pon­dong ini­la­an par­ti­ku­lar sa pag­tu­gon sa Covid-19 (₱608 bil­yon sa ila­lim ng mga ba­tas na Ba­ya­ni­han 1 at 2, at ₱100 bil­yon sa bad­yet sa 2021).

Sa ka­bi­la ng “ma­bi­lis na pag­la­go” ma­ta­pos buk­san ang eko­nom­ya si­mu­la ikat­long kwar­to ng taon, na­na­na­ti­ling na­sa 3.5 mil­yon ang pi­na­li­it na tantya ng “u­pi­sya­l” na bi­lang ng di­semple­yo noong Oktub­re 2021, na mas ma­la­ki pa rin nang 1.1 mil­yon kum­pa­ra sa bi­lang ng mga wa­lang tra­ba­ho noong Ene­ro 2020. Ti­na­ta­yang di ba­ba­ba sa 1.4 mil­yong Pi­li­pi­no ang na­wa­lan ng pul­taym na tra­ba­ho, ka­bi­lang ang 621,000 emple­ya­do sa mga pri­ba­dong ne­go­syo.

Si­na­sa­bi ng mga upi­syal na mga es­ta­dis­ti­ka ng gub­yer­no na 1.3 mil­yong ka­tao ang na­big­yan ng emple­yo. Pe­ro ka­ra­mi­han sa mga ito ay nai­ta­la sa ag­ri­kul­tu­ra (lu­ma­ki da­hil sa mga nag­be­ben­ta ng ha­la­mang pan­de­ko­ra­syo­n) at ka­la­ka­lang pak­yaw at ti­ngi (i­ti­nu­lak ng ben­ta­hang on­li­ne). Pi­na­lo­bo ang bi­lang na ito ng pag­si­rit ng bi­lang ng mga nag-eemple­yo sa sa­ri­li o self-emplo­yed (tu­ma­as nang 758,000), mga emple­ya­do sa mga sa­ka­han o ne­go­syo ng pa­mil­ya (tu­ma­as nang 354,000) at di si­na­sa­hu­rang mang­ga­ga­wang ka­pa­mil­ya (tu­ma­as nang 541,000). Ang emple­yo sa ma­nu­pak­tu­ra, ako­mo­da­syon at ser­bi­syong pag­ka­in, at transpor­ta­syon at pag­bo­de­ga ay na­na­na­ti­ling ma­ba­ba kum­pa­ra sa an­tas ba­go ang pan­dem­ya.

Pi­na­li­li­it ng reak­syu­nar­yong gub­yer­no ang da­tos sa di­semple­yo sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­ba­ba­go sa pang-es­ta­dis­ti­kang de­pi­ni­syon at ma­ni­pu­la­syo­n, sa an­yo ng hin­di pag­bi­lang sa hin­di ba­ba­ba sa 3.5 mil­yong mang­ga­ga­wa mu­la sa upi­syal na “pwersang pag­ga­wa” at pag­tu­ring na “may tra­ba­ho” sa mga ka­tu­na­ya’y wa­la. Ang pal­si­pi­ka­dong da­tos sa di­semple­yo ay ibi­na­ba­tay sa ma­ling sa­la­la­yang bi­lang at pag­pa­pa­la­ki sa pa­na­ka-na­kang pag­ba­ba­go sa bi­lang. Noong Oktub­re, may hin­di ba­ba­ba sa 15.2 mil­yon hang­gang 17.7 mil­yong Pi­li­pi­no na wa­la at ku­lang ang tra­ba­ho, mu­la sa 48.5 mil­yong tu­nay na bi­lang ng pwersang pag­ga­wa.

Da­hil sa mga lockdown at ka­wa­lan ng sub­sid­yo mu­la sa es­ta­do, na­pi­li­tang mag­sa­ra ang na­sa 160,000 ma­li­it hang­gang ka­tam­ta­mang-la­king ne­go­syo. La­ga­nap ang pag­pa­pa­lit-ga­mit sa lu­pa­ing pang-ag­ri­kul­tu­ra pa­ra sa pag­pa­pa­la­wak ng mga plan­ta­syo­n, at ope­ra­syon ng mga kum­pan­ya sa mi­na, at mga pro­yek­tong ener­hi­ya, imprastruk­tu­ra at tu­ris­mo. Du­lot ni­to, ka­kum­bi­na ng tu­ma­ta­as na gas­tos sa pro­duk­syon at ma­ba­bang pre­syo ng mga pro­duk­tong pang-ag­ri­kul­tu­ra, na­ba­bang­ka­ro­te at na­wa­wa­lang ng ka­bu­ha­yan ang daan-da­an li­bong mag­sa­sa­ka.

Pa­tu­loy na nauung­kat ang ma­la­wa­kang ko­rap­syon sang­kot ang dam­bu­ha­lang pam­pub­li­kong pon­do. Sa ka­sag­sa­gan ng pan­dem­ya, gi­na­mit ni Du­ter­te ang pang­ka­gi­pi­tang ka­pang­ya­ri­han pa­ra ipi­hit ang puu-pu­ong bil­yong pi­song pon­do ng ba­yan tu­ngo sa mga bul­sa ng kan­yang ma­la­la­king bu­ruk­ra­ta ka­pi­ta­lis­tang upi­syal at pi­na­bu­rang kor­po­ra­syo­n. Wa­lang pam­pub­li­kong pag­si­si­ya­sat sa pag­bi­li ng gub­yer­no ng mga ba­ku­na sa ha­la­gang ma­hi­git ₱82.5 bil­yon (na ma­la­king ba­ha­gi ay bi­ni­li sa Chi­na). Na­lan­tad na sang­kot sa pi­na­ka­ma­la­la­king ka­so ang pi­na­ka­ma­la­la­pit na upi­syal ng bu­ruk­ra­sya at mi­li­tar ni Du­ter­te. Mis­mong si Du­ter­te at kan­yang ma­la­la­pit na upi­syal ay imbwel­to sa isa sa pi­na­ka­buk­tot na ka­so ng pag­dis­pal­ko sa bil­yun-bil­yong pi­song pam­pan­dem­yang sa­la­pi ng ba­yan na ipi­nam­bi­li sa na­pa­ka­ma­ma­hal na face mask, face shi­eld at iba pang ka­sang­ka­pan sa pren­teng kor­po­ra­syon ni Du­ter­te na Phar­mally.

Bil­yun-bil­yong pi­so din ang ki­nu­ku­ra­kot ng pi­na­ka­ma­ta­ta­as na upi­syal pan­se­gu­ri­dad ni Du­ter­te sa Na­tio­nal Tas­k Force (NTF)-Elcac kung saan ibi­nu­bu­hos ang pon­do sa maa­no­mal­yang mga pro­yek­tong imprastruk­tu­ra sa ta­bing ng kontra­in­sur­hen­sya. Ma­ki­ki­ta sa ulat ng pam­pub­li­kong mga ta­ga-aw­dit na bat­bat ng ano­mal­ya at ka­so ng ko­rap­syon ang ha­los la­hat ng ahen­sya ng gub­yer­no.

Pa­pa­ta­as ang tan­tos ng impla­syon mu­la noong nag­da­ang taon at pi­na­ka­ma­ta­as na nga­yon sa loob ng tat­long taon. Tu­luy-tu­loy na tu­ma­ta­as ang pre­syo ng pag­ka­in at iba pang ba­ta­yang pa­nga­ngai­la­ngan da­hil sa ma­ni­pu­la­syon sa pre­syo ng ma­la­la­king bur­ge­syang kumpra­dor, mga bu­wis at wa­lang-ti­gil na pag­ta­as ng pre­syo ng pet­rol­yo mu­la Ene­ro. Hi­git 20% nang mas ma­ta­as ang pre­syo ng mga bi­li­hin nga­yon kay­sa noong si­mu­la ng re­hi­meng Du­ter­te, na hu­mi­hi­la sa ha­la­ga ng pi­so. Da­hil wa­la pang 10% ang iti­na­as ng ara­wang mi­ni­mum na sa­hod, 10% mas ma­hi­rap da­hil sa impla­syon ang mga su­ma­sa­hod ni­to.

Lu­ma­la­ki ang ag­wat sa pa­gi­tan ng nag­ha­ha­ring mga uri at ng ma­la­wak na ma­sa. Ang 40% ka­buuang ya­man ng ban­sa ay pag­ma­may-a­ri ng wa­la pa sa 1% ng po­pu­la­syo­n. Ang pi­nag­sa­mang ya­man ng 2,919 bil­yo­nar­yo (sa pi­so) ay ₱8 tril­yon, kung saan 27.5% (₱2.2 tril­yon) ay na­sa ka­may ng 17 pi­na­ka­ma­la­ki. Ang pi­na­ka­ma­ya­ya­man sa ka­ni­la ay ma­la­la­king bur­ge­syang kumpra­dor sa mga bang­ko, ne­go­syong eksport-im­port, mi­na, mga plan­ta­syo­n, real es­ta­te, mga yu­ti­li­ti (kur­yen­te, tu­big at te­le­ko­mu­ni­ka­syo­n), at pri­ba­do at pam­pub­li­kong konstruk­syo­n, na pa­tu­loy na su­mu­su­por­ta at na­ki­ki­na­bang sa ti­ra­ni­kong pag­ha­ha­ri ni Du­ter­te. Nag­ka­ka­mal si­la ng ya­man ga­mit ang ku­nek­syon sa pu­li­ti­ka na nag­bi­bi­gay sa ka­ni­la ng pa­bo­rab­leng mga kontra­ta sa gub­yer­no ka­sab­wat ang mga bu­ruk­ra­ta ka­pi­ta­lis­ta. Wi­na­wal­das ni­la ang ka­ni­lang pe­ra sa mga man­syo­n, ma­ma­ha­ling sa­sak­yan, mga pri­ba­dong erop­la­no, pagbya­he upang mag­li­bang, mga pi­ging, dro­ga, ala­has, may ta­tak na pa­na­na­mit at bag at mga gad­get. Suk­lam na suk­lam ang ma­la­wak na ma­sa ng sam­ba­ya­nan sa pag­lu­lus­tay ng sa­la­pi ng mga taong hin­di ha­los nag­tat­ra­ba­ho sa­man­ta­lang ma­yor­ya ng ma­ma­ma­yan na araw-a­raw na nag­ba­ba­nat ng bu­to ay wa­lang mai­ha­in sa ka­ni­lang ha­pag kai­nan.

Da­hil sa ma­tin­ding kri­sis ng sis­te­mang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal, na­gi­ging im­po­sib­le pa­ra sa reak­syu­nar­yong nag­ha­ha­ring mga uri na mag­ha­ri sa da­ting pa­ra­an ng bi­ga­yan sa ka­pang­ya­ri­han at pa­ngi­ngi­ba­baw ng si­bil­yan sa mi­li­tar. Sa isang ban­da, mas ma­hi­rap ang par­ti­han sa po­der at pri­bi­le­hi­yo ng iba’t ibang pang­ka­ting reak­syu­nar­yo da­hil na­sa­sa­id na ang mga re­kur­so ng eko­nom­ya at ng es­ta­do at la­long na­gi­ging sa­kim ang mga bu­ruk­ra­ta ka­pi­ta­lis­ta. Sa ka­bi­lang ban­da, hu­man­tong ang nag­ha­ha­ring es­ta­do sa pag­pa­pa­la­kas pa ng mi­li­tar at pu­lis sa wa­lang say­say na tang­kang su­pi­lin ang lu­ma­la­king pag­la­ban ng ma­sa at pa­ra wa­ka­san ang nag­pu­pun­ya­ging ar­ma­dong re­bo­lu­syo­nar­yong pag­la­ban sa pa­ma­ma­gi­tan ng su­per­yo­ri­dad sa ar­mas.

Sa ila­lim ng re­hi­meng Du­ter­te, pu­mi­pi­hit nang ma­bi­lis ang reak­syu­nar­yong pam­pu­li­ti­kang sis­te­ma tu­ngo sa ha­ya­gang pag­ha­ha­ring ti­ra­ni­ko, mi­li­ta­ri­sa­syon ng mga ahen­syang si­bil­yan, at lan­sa­kang te­ro­ris­mo ng es­ta­do. Sa ila­lim ng ti­ra­ni­ya ni Du­ter­te, ka­la­ka­ran nang yu­ra­kan ang pa­la­mu­ti ng “checks and ba­lance” (o pag­ba­ba­lan­se sa mga sa­ngay ng gub­yer­no) at mga pro­se­song par­la­men­tar­yo. Wa­lang pa­na­na­gu­tang ni­la­la­bag ng ar­ma­dong mga pwer­sa ng es­ta­do at ng pu­lis ang ka­ra­pa­tang-tao. Su­ma­sak­law ang pa­pel ng mga ak­ti­bo at re­ti­ra­dong mga he­ne­ral ng mi­li­tar sa pu­li­ti­ka sa pag­tu­koy ng mga pa­ta­ka­ran at prog­ra­ma ng es­ta­do, pag­pa­pa­tak­bo sa bu­ruk­ra­sya at pag­kontrol sa mga re­kur­so at prog­ra­ma ng mga ahen­sya ng es­ta­do. Ang pa­ka­nang mu­ling iba­lik ang mga Marcos, na bu­we­la­dong-bu­we­la­do ­sa nga­yon, ay tan­da ng la­lu­pang pag­ka­bu­lok ng nag­ha­ha­ring pam­pu­li­ti­kang sis­te­ma, at mag­ha­ha­wan ng daan sa wa­lang-pi­gil na pag-a­bu­so sa ka­pang­ya­ri­han.

Lu­bos na ki­na­mu­mu­hi­an ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no ang ti­ra­ni­kong re­hi­meng Du­ter­te da­hil sa pa­sis­mo at te­ro­ris­mo ng es­ta­do ni­to, bu­ruk­ra­tang ka­pi­ta­lis­mo, pag­ta­tak­sil sa ban­sa, at pag­lu­lum­po sa eko­nom­yang at­ra­sa­do at ag­rar­yo na nag­re­sul­ta sa la­long pag­sad­sad ng sosyo-e­ko­no­mi­kong ka­la­ga­yan ng ma­sang anak­pa­wis.

Sa ila­lim ng re­hi­meng Du­ter­te, ipi­na­tu­tu­pad ng ar­ma­dong mga pwer­sa ng es­ta­do ang sus­te­ni­dong kam­pan­ya ng ma­bag­sik na pa­ni­ni­ba­sib sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no sa an­yo ng pe­keng “ge­ra sa dro­ga,” ge­ra la­ban sa ma­ma­ma­yang Mo­ro at kontra­re­bo­lu­syo­nar­yong ge­ra la­ban sa mga pwer­sang de­mok­ra­ti­ko, prog­re­si­bo, pat­ri­yo­ti­ko at re­bo­lu­syo­nar­yo. Ni­rat­sa­da ni Du­ter­te at kan­yang mga ala­gad sa kong­re­so ang ma­lu­pit na Anti-Ter­ro­rism Law (ATL) na ha­ya­gang lu­ma­la­bag sa ba­ta­yang mga ka­ra­pa­tang de­mok­ra­ti­ko sa ta­bing ng “pag­la­ban sa ter­ro­ris­mo.” Sa sul­sol ni Du­ter­te, bru­tal na ina­ta­ke ng reak­syu­nar­yong ar­ma­dong pwer­sa, pu­lis at mga ar­ma­dong ahen­te ang mga pwer­sang pam­ban­sa-de­mok­ra­ti­ko. Ka­bi-ka­bi­la ang ma­lu­lub­hang pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao. Na­ging no­tor­yus si Du­ter­te sa buong mun­do bi­lang pa­sis­tang ti­ra­nong uhaw sa du­go. Ini­im­bes­ti­ga­han nga­yon sa Inter­na­tio­nal Cri­mi­nal Court (ICC) ang kan­yang mga kri­men la­ban sa sang­ka­tau­han kaug­nay ng kan­yang hu­wad na ge­ra sa dro­ga.

Ka­pa­lit ng mga pa­nga­kong pau­tang upang tus­tu­san ang mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra na kaug­nay ng maaa­no­mal­yang mga kontra­ta sa gub­yer­no, wa­lang-ka­hi­hi­yang isi­nu­ko ng re­hi­meng Du­ter­te ang so­be­ran­ya ng ban­sa sa Chi­na sa pag­pa­pa­hin­tu­lot ni­tong mag­rek­la­ma­syo­n, mag­ta­yo ng mga pa­si­li­dad mi­li­tar at mag­pa­kat ng mga pwer­sang na­bal at pang­him­pa­pa­wid sa loob ng te­ri­tor­yong pan­da­gat at eksklu­si­bong so­nang pang-e­ko­nom­ya ng Pi­li­pi­nas. Tu­mang­gi itong itu­lak at ipag­tang­gol ang mga ka­ra­pa­tan ng ban­sa sa ila­lim ng Uni­ted Na­ti­ons Conven­ti­on on the Laws of the Seas (UNCLOS) at sa ila­lim ng de­si­syon ng Inter­na­tio­nal Arbit­ral Tri­bu­nal noong 2016 na pa­bor sa Pi­li­pi­nas kontra sa Chi­na. Tray­dor si Du­ter­te sa pa­ki­ki­pag­sab­wa­tan sa Chi­na sa pang­hi­hi­ma­sok-mi­li­tar at pag­ta­ta­boy ni­to sa mga Pi­li­pi­no sa sa­ri­li ni­lang pa­ngis­da­an na nag­re­sul­ta sa pag­ka­ba­was ng ka­ni­lang hu­li.
Ha­bang na­ni­nik­lu­hod sa Chi­na, na­na­na­ti­ling pi­nu­no si Du­ter­te ng neo­ko­lon­yal na es­ta­dong na­ka­pai­la­lim sa la­ha­tang-pa­nig na pag­ha­ha­ri ng US sa pu­li­ti­ka, eko­nom­ya, kul­tu­ra at mi­li­tar. Pi­na­na­na­ti­li ng im­per­ya­lis­tang US ang ka­pang­ya­ri­han ni­to pa­ngu­na­hin sa pag­kontrol, pa­tu­loy na in­doktri­na­syo­n, pag­sa­nay, pag­pon­do at pag-ar­mas sa reak­syu­nar­yong ar­ma­dong pwer­sa. Ha­bang na­na­na­ti­li ang Pi­li­pi­nas sa ila­lim ng im­per­ya­lis­mong US, ang do­mi­nan­teng im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa ban­sa, ma­hig­pit na na­ki­ki­pag-ug­na­yan ang Chi­na sa ilang ba­ha­gi ng mga nag­ha­ha­ring uri ga­mit ang pa­nu­nu­hol, so­syo­han, at pag­bu­hos ng ma­la­la­king pon­do sa tang­kang pa­hi­na­in ang do­mi­nan­teng implu­wen­sya ng US.
Pi­na­lub­ha ni Du­ter­te ang kri­sis pang-e­ko­nom­ya ng ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­ma at bi­nang­ka­ro­te ang gub­yer­no sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­tu­pad ng mga dik­ta-ng-IMF na pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral. La­lo pa ni­yang ibi­nu­kas ang ka­la­ka­lan at pa­mu­mu­hu­nan sa ka­pin­sa­la­an ng lo­kal na mga ne­go­syo, mga mang­ga­ga­wa at prod­yu­ser sa ag­ri­kul­tu­ra. Iniu­tos ni­ya ang li­be­ra­li­sa­syon ng pag-im­port ng bi­gas at kar­neng ba­boy, ki­nal­ta­san ang bu­wis ng ma­la­la­king kor­po­ra­syo­n, ibi­na­on ang ban­sa sa ga­bun­dok na utang, pu­ma­sok sa pa­bi­gat at maaa­no­mal­yang mga kontra­ta sa imprastruk­tu­ra, nag­pa­taw sa ma­ma­ma­yan ng ka­rag­da­gang mga bu­wis, bi­nan­sot ang sa­hod at bi­nig­yang-da­an ang ma­la­wa­kang pag­pa­pa­lit-ga­mit sa lu­pa.
Nag­pa­pa­tu­loy ang ka­pal­pa­kan ng re­hi­meng Du­ter­te sa pag­tu­gon ng ban­sa sa pan­dem­yang Covid-19. Iti­na­la­ga ni­ya ang mga he­ne­ral sa ha­lip ng mga eksper­tong pang­me­di­kal upang pa­mu­nu­an ang pag­tu­gon ng gub­yer­no sa ka­gi­pi­tan sa pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan. Ma­hi­git isa’t ka­la­ha­ting taong ipi­nai­la­lim sa ma­pang-a­ping lockdown ang ban­sa, na nag­pa­sa­ra sa pro­duk­syo­n, mga ne­go­syo, eskwe­la­han at mga pang­kul­tu­rang ak­ti­bi­dad. Sa git­na ng pan­dem­ya, ka­pos na ka­pos ang mga hak­bang na pa­la­ka­sin ang sis­te­ma ng pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan. Hang­gang nga­yon, wa­lang lib­re at ma­ra­mi­hang tes­ting, at wa­lang maaa­sa­hang sis­te­ma ng con­tact tracing na da­hi­lan ba­kit ma­hi­git isang taong ma­bi­lis na ku­ma­ka­lat ang sa­kit. Ilang bu­wang naan­ta­la ang pag­bi­bi­gay ng mga be­ne­pi­syo at pon­dong pang­ka­gi­pi­tan pa­ra sa mga nars at mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan, na nag­re­sul­ta sa ma­tin­ding ka­hi­ra­pan sa me­di­kal na mga frontli­ner. Sa tak­bo ng buong-ta­on na lockdown, wa­la pa sa ka­tum­bas ng bu­wa­nang sa­hod ang sub­sid­yong ipi­na­mi­gay ng re­hi­men, na nag­re­sul­ta sa ka­hi­ra­pan at ka­gu­tu­man ng mil­yun-mil­yong pa­mil­ya.
Ku­lang ang sup­lay ng ba­ku­na ng ban­sa. Ma­hi­git 40% pa la­mang (o 46.95 mil­yon noong hu­ling ling­go ng Di­sye­mbre) ng mga Pi­li­pi­no ang na­ba­ku­na­han, ha­bang na­pag-i­wa­nan ang ma­ma­ma­yan sa ka­na­yu­nan. Aa­bot pa la­mang sa 1.34 mil­yon ang na­ka­tu­ru­kan ng “bo­os­ter,” ka­ya ma­gi­ging prob­le­ma ang pag­ka­wa­la ng bi­sa ng ba­ku­na sa da­ra­ting na mga bu­wan sa ha­rap la­lu­na ng lu­mi­li­taw na mga ba­gong mas na­ka­ha­ha­wang bar­yant. Wa­la pa ring ma­ka­bu­lu­hang hak­bang upang paun­la­rin ang imprastruk­tu­ra ng sis­te­ma pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan, ki­nal­ta­san pa ang bad­yet ng ilang pa­si­li­dad me­di­kal na na­sa frontli­ne na tung­ku­lin sa pag­tu­gon sa pan­dem­ya. Ipi­na­ki­ki­ta ng mga ulat ng gub­yer­no ang ma­ka­bu­lu­hang pag­li­it sa bi­lang ng ara­wang ka­so ng Covid-19 mu­la Nob­yembre na maiuug­nay sa mga pag­ba­ba­ku­na at iba pang sa­lik. Sa pag­li­taw ng ba­gong mga bar­yant ng Covid-19, na­ri­yan ang pa­ngam­bang mag­ka­ro­on mu­li ng di-ma­kontrol na bug­so ng ba­gong ha­wa­an sa Pi­li­pi­nas da­hil sa ka­ku­la­ngan ng mga hak­bang ng gub­yer­no na pa­la­ka­sin ang sis­te­ma ng pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan. Wa­lang mga hak­bang pa­ra itu­lak ang lo­kal na pro­duk­syon ng ba­ku­na o su­por­ta­han ang mga syen­tis­tang Pi­li­pi­no na mag­pa­un­lad ng mga ba­ku­na la­ban sa Covid-19, na si­yang da­hi­lan pa­ra uma­sa ang ban­sa sa im­por­ted na mga ba­ku­na. Ta­li­was sa ba­ta­yang mga ka­ra­pa­tang de­mok­ra­ti­ko, gi­na­wa ng mga upi­syal ni Du­ter­te at ng ma­la­la­king ne­go­syo na sa­pi­li­tan ang pag­pa­pa­ba­ku­na ga­yong lub­hang ku­lang ang sup­lay. Isi­ni­sik­re­to ng ma­la­la­king kum­pan­yang par­ma­syu­ti­ka ang por­mu­la at tek­no­lo­hi­ya sa pro­duk­syon ng inieekspe­ri­men­tong mga ba­ku­na. Hin­di ito na­ka­tu­tu­long sa mga hak­bang na kum­bin­si­hin ang ma­ma­ma­yan sa ka­lig­ta­san at bi­sa ng mga ba­ku­na at ang pag­ma­man­da­to ni­to ay na­gi­ging hak­ba­nging dik­ta­dor. Iki­nu­kub­li rin ni­to ang ka­to­to­ha­nang wa­lang sa­pat na ba­ku­na, at ka­pos ang hak­bang na hi­ka­ya­tin at imu­lat ang ma­ma­ma­yan tung­kol sa mga ba­ku­na.
Ila­lan­tad ng elek­syong 2022 ang pi­na­ka­ma­sa­sa­mang as­pe­to ng nag­ha­ha­ring sis­te­mang pam­pu­li­ti­ka na ki­na­ta­tam­pu­kan ng sis­te­mang pad­ri­no, pu­li­ti­ka ng may pe­ra, pan­da­ra­ya at pan­li­lin­lang. Hin­di ba­ba­ba sa pi­tong ma­yor na pam­pu­li­ti­kang par­ti­do ang tu­ma­tak­bo pa­ra sa mga su­sing pwes­to na pa­tu­nay ng ma­la­lim na pag­ka­ka­bi­tak-bi­tak ng nag­ha­ha­ring mga uri. Wa­la ni isa sa mga par­ti­dong ito ang nag­ta­gum­pay na ma­ka­buo ng kumple­tong lin­ya­da pa­ra sa se­na­do.
La­yu­nin ni Du­ter­te na pa­na­ti­li­hin sa pwes­to ang sa­ri­li at ang ka­ni­lang di­nas­ti­yang pam­pu­li­ti­ka upang pa­tu­loy na mag­ka­mal ng ya­man sa pa­ma­ma­gi­tan ng ko­rap­syon at upang umi­was sa im­bes­ti­ga­syon at pag-u­sig ng ICC. Ba­ha­gi ng kan­yang pa­ka­na ang da­ya­in ang elek­syong 2022 upang ti­ya­king pa­bor ang re­sul­ta ni­to sa kan­yang bi­nas­ba­sang mga kan­di­da­to, tu­lad ng pan­da­ra­ya sa elek­syong 2019 upang ip­wes­to ang kan­yang mga ala­gad sa se­na­do at sa ma­ba­bang ka­pu­lu­ngan ng kong­re­so. Na­kap­wes­to na ang ma­ki­nar­yang pan­da­ya ni Du­ter­te sa pag­ka­ka­ta­la­ga sa ma­yor­ya ng mga upi­syal ng Com­mis­si­on on Electi­ons at sa “de­kompyu­ter na sis­te­ma ng pag­bi­bi­lang.” Maaa­ri pa rin ni­yang pi­li­ing ipa­taw ang pa­sis­tang dik­ta­du­ra kung hin­di ni­ya ma­ku­ha ang mga pa­bor sa kan­yang pam­pu­li­ti­kang al­yan­sa o kung hin­di ni­ya ma­pi­gil ang umi­ig­ting na mga pro­tes­ta sa da­ra­ting na mga bu­wan ba­go ang elek­syo­n.

Na­kon­so­li­da ng nag­ha­ha­ring pang­ka­ting Du­ter­te ang al­yan­sa ni­to sa mga Arro­yo, Marcos at Estra­da, ki­la­lang mga ti­ra­no ng reak­syu­nar­yong sis­te­ma ng Pi­li­pi­nas, na ku­ma­ka­ta­wan sa pi­na­kab­ru­tal at pi­na­ka­ko­rap na mga pang­ka­tin ng mga nag­ha­ha­ring uri. Sa nga­yon ay nap­lantsa ni­la ang ka­ni­lang mga tung­ga­li­an sa ha­ti­an sa ka­pang­ya­ri­han at par­ti­han ng mga kontra­ta ng gub­yer­no, ka­hit pa lan­ta­rang ipi­na­ha­yag ni Du­ter­te ang kan­yang pag­ka­ya­mot na hin­di na­pi­ling kan­di­da­to bi­lang pre­si­den­te ang kan­yang anak na ba­bae. Ang pi­na­ka­ma­pe­ra sa mga pang­ka­ting ito, ang mga Marcos, ang si­ya nga­yong do­mi­nan­te sa an­yo ng tam­ba­lang pre­si­den­te at bi­se-pre­si­den­te ni­na Fer­di­nand Marcos Jr. at Sa­ra Du­ter­te-Car­pio. Ibi­nu­bu­hos sa ka­ni­lang kam­pan­yang pang-e­lek­syon ang dam­bu­ha­lang ha­la­ga ng re­kur­song di­nam­bong sa pi­nag­sa­mang 20 taon ng ti­ra­ni­kong pag­ha­ha­ri ng ka­ni­lang mga ama. Pag­ka­tig sa pi­na­kab­ru­tal at ko­rap na reak­syu­nar­yong pang­kat ang ipi­na­ki­ki­ta ng ilang oli­gar­ko, ka­bi­lang ang ilang kro­ni noong ba­tas mi­li­tar, sa pag­su­por­ta ni­la kay Marcos. Ang ibang ma­la­la­king bur­ge­syang kumpra­dor, sa ta­kot na ba­li­kan si­la sa­ka­ling umi­ral ang ika­la­wang dik­ta­du­rang Marcos, ay nag­bu­bu­hos din ng su­por­ta sa kam­pan­ya ni Marcos Jr.

Ang pi­na­ka­ma­la­king opo­si­syong ka­tung­ga­li ng tam­ba­lang Marcos-Du­ter­te ay si Bi­se Pre­si­den­te Le­ni Rob­re­do, kan­di­da­to ng Li­be­ral Party sa pag­ka­pa­ngu­lo. Ga­yun­man, pi­ni­li ni­yang du­mis­tan­sya sa pam­ban­sa-de­mok­ra­ti­kong mga pwer­sa na may na­pa­tu­na­yang ba­se sa elek­syon na hin­di ba­ba­ba sa ilang mil­yong bo­to. La­lu­pa si­yang lu­mik­ha ng dis­gus­to sa pat­ri­yo­ti­ko at de­mok­ra­ti­kong mga pwer­sa nang ien­dor­so ni­ya ang NTF-Elcac ni Du­ter­te sa tang­kang ti­ya­kin ang su­por­ta ng mi­li­tar. Ma­ku­ku­ha pa rin ni­ya ang su­por­ta ng pat­ri­yo­ti­ko at de­mok­ra­ti­kong mga pwer­sa sa pa­ma­ma­gi­tan ng iba­yong pag­pa­pa­la­kas ng kan­yang opo­si­syon sa re­hi­meng Du­ter­te at pag­la­ban sa pag­ba­ba­lik ng mga Marcos, at pag­ka­ka­ro­on ng ma­li­naw na tin­dig pa­ra sa lib­reng pa­ma­ma­ha­gi ng lu­pa at pam­­ban­sang in­dustri­ya­li­sa­syo­n, pag­­­pa­­pa­la­ya sa la­hat ng bi­lang­gong pu­li­ti­kal, pag­wa­wa­kas sa mga bru­tal na tak­ti­ka ng AFP, dag­dag sa­hod at pag­wa­wa­kas sa kontraktwa­li­sa­syon at ser­yo­song pa­ki­ki­pag-u­sa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an sa NDFP.

Da­pat si­ka­pin ng pam­pu­li­ti­kang opo­si­syon na lik­ha­in ang mil­yong-la­kas na ki­lu­sang ma­sa la­ban sa tam­ba­lang Marcos-Du­ter­te upang pi­gi­lan ang ba­lak ng nag­ha­ha­ring pang­ka­tin na da­ya­in ang elek­syong 2022. Sa ga­ni­to, ma­li­naw ni­lang ma­la­lan­tad ang ma­ni­pu­la­syon ng mga re­sul­ta ka­pag di­na­ya ito pa­bor sa mga Marcos at Du­ter­te. Da­pat buong-bu­ong na­ka­han­da ang ki­lu­sang ma­sa ng pat­ri­yo­ti­ko at de­mok­ra­ti­kong pwer­sa na mag­lun­sad ng mga ak­syong pro­tes­tang ma­sa upang bi­gu­in at ga­pi­in ang pa­ka­na ng mga Du­ter­te na da­ya­in ang elek­syo­n, at sa­ka­ling ma­ga­wang na­ka­win ito ni­la Marcos-Du­ter­te, pi­gi­lan si­lang ma­ka­pag­kon­so­li­da ng ka­pang­ya­ri­han, at ha­mu­nin ang ka­ni­lang pag­ha­ha­ri mu­la sa unang araw hang­gang si­la’y ma­pa­tal­sik.

Ipi­na­tu­pad ng re­hi­meng Du­ter­te ang wa­lang ha­bas na kontra-re­bo­lu­syo­nar­yong ge­ra la­ban sa pat­ri­yo­ti­ko, prog­re­si­bo at re­bo­lu­syo­nar­yong mga pwer­sa sa des­pe­ra­syon ip­re­ser­ba ang bu­lok na nag­ha­ha­ring sis­te­ma at pa­na­ti­li­hin ang sa­ri­li sa ka­pang­ya­ri­han. Sa ila­lim ng doktri­na ng kontra-in­sur­hen­sya at “an­ti-te­ro­ris­mo,” ipi­na­tu­tu­pad ng mga pa­sis­ta ang ma­sak­law na pa­nu­nu­pil na bu­mi­bi­ra sa la­hat ng di­rek­syon at tu­ma­tar­get sa ma­la­wak na ba­ha­gi ng li­pu­nan. Tu­min­di ang mga ata­keng ito mu­la nang pan­dem­yang Covid-19 nang ipi­nai­la­lim ang buong ban­sa sa kontrol ng pu­lis at mi­li­tar sa ta­bing na pa­nga­nga­si­wa sa pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan.

Ang Na­tio­nal Task Force (NTF)-Elcac, ang hun­tang si­bil­yan-mi­li­tar ni Du­ter­te, ang nag­si­sil­bi nga­yong utak ng re­hi­men sa kam­pan­ya ng te­ro­ris­mo ng es­ta­do. La­bag sa prin­sip­yo ng pag­ta­ta­ngi sa ila­lim ng in­ter­na­syu­nal na ma­ka­ta­ong ba­tas, ma­li­syo­so ni­tong bi­na­ban­sa­gang “ko­mu­nis­ta” (red-tag) ang buu-bu­ong mga ko­mu­ni­dad, li­gal na mga or­ga­ni­sa­syo­n, mga prog­re­si­bo, gru­pong si­bi­ko, ma­ma­ma­ha­yag, myem­bro ng aka­dem­ya, mga pu­li­ti­ko, taong sim­ba­han, ga­yun­din ang in­ter­na­syu­nal na mga or­ga­ni­sa­syo­n.

Ga­mit ang ATL, pi­na­la­bo ang NTF-Elcac ang pag­ka­kai­ba ng mga ar­ma­dong kom­ba­tant sa mga si­bil­yan. Bi­nik­ti­ma ni­to ang mga li­der at ak­ti­bis­ta ng mga or­ga­ni­sa­syong pang­ma­sa at mga ko­mu­ni­dad sa mga ma­sa­ker at ekstra­hu­di­syal na pag­pas­lang, pa­ni­nik­tik, pag­du­kot, tortyur, ili­gal na pag-a­res­to at de­ten­syo­n, pag­ba­ban­ta at in­ti­mi­da­syon at iba pang ma­lu­lub­hang pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao. Pi­nup­wer­sa ni­to ang mga mang­ga­ga­wa na iti­wa­lag ang ka­ni­lang mga un­yon sa mga pam­ban­sa-de­mok­ra­ti­kong sen­tro ng mi­li­tan­teng un­yo­nis­mo. Pi­nup­wer­sa ni­to ang mga or­ga­ni­sa­syon ng mag­sa­sa­ka na mag­bu­wag at bu­muo ng pa­sis­tang mga or­ga­ni­sa­syon sa pa­ngu­ngu­na ng AFP na su­ma­sang-a­yon sa mga in­te­res ng mga kum­pan­ya sa mi­na at ma­la­la­king plan­ta­syo­n.

Sa ka­na­yu­nan, mga si­bil­yan ang ti­na­tar­get ng ini­lu­lun­sad na ge­ra ng AFP sa ta­bing ng “com­mu­nity sup­port prog­ram” o “ba­ra­ngay deve­lop­ment prog­ram” kung saan ipi­naii­la­lim ang mga re­si­den­te sa pi­na­ka­ma­lu­lub­hang an­yo ng pa­nu­nu­pil. Sa ud­yok ng NTF-Elcac at pa­nga­kong ₱20 mil­yon ba­wat “na­li­nis” na ba­ra­ngay, nag­hu­hu­ra­men­ta­do ang mga yu­nit pang­kom­bat ng AFP sa mga “kam­pan­yang pa­su­ren­der” ni­to sa mga bar­yo sa ka­na­yu­nan. Nag­pa­pa­taw ang AFP ng ba­tas mi­li­tar sa mga ko­mu­ni­dad at gu­ma­ga­mit ng mga tak­ti­kang pang­sin­dak na nag­ha­ha­sik ng ta­kot sa mga si­bil­yan. Tu­luy-tu­loy na ni­la­la­bag ang ba­ta­yang mga ka­ra­pa­tang si­bil at pam­pu­li­ti­ka ng ma­ma­ma­yan. Ipi­naii­la­lim si­la sa wa­lang hum­pay na in­ti­mi­da­syo­n. Pi­na­pa­sok ng mga sun­da­lo ang mga ba­hay nang wa­lang man­dam­yen­to. Pau­li-u­lit na ipi­na­ta­ta­wag sa mga kam­pong mi­li­tar ang mga re­si­den­te upang “li­ni­sin” ang ka­ni­lang mga pa­nga­lan at ipi­naii­la­lim sa mga in­te­ro­ga­syong tu­ma­ta­gal ng ilang oras. Inu­ud­yu­kan ang ma­ma­ma­yan na “tu­ku­yin” ang ka­ni­lang mga ka­pit­ba­hay bi­lang “ta­ga­su­por­ta ng NPA.” Nag­pa­pa­taw ng blo­ke­yo sa pag­ka­in at ka­bu­ha­yan ang nag-oo­pe­ra­syong mga yu­nit ng AFP. Pi­ni­pi­gi­lan ang mga mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wang bu­kid na mag­sa­ka sa ka­ni­lang mga lu­pa­in.

Du­ma­da­las ang pag­ga­mit ng AFP sa pam­bo­bom­ba mu­la sa ere upang sin­da­kin ang mga si­bil­yan, at pa­lu­hu­rin ang ma­ma­ma­yan sa ka­ni­lang pang­mi­li­tar na su­per­yo­ri­dad, na lan­sa­kang la­bag sa in­ter­na­syu­nal na ma­ka­ta­ong ba­tas. Ang mga bu­lu­bun­du­king lu­gar, sa­ka­han at er­yang ma­la­pit sa mga ko­mu­ni­dad ay ti­nar­get ng 500-lib­rang mga bom­ba na ini­hu­hu­log ng mga erop­la­nong pan­dig­ma, mga rocket mu­la sa mga pang-a­ta­keng he­li­kop­ter, at pa­nga­ngan­yon. Li­kas na wa­lang pa­kun­da­ngan ang pam­bo­bom­ba mu­la sa ere at pa­nga­ngan­yon, at ini­la­la­gay sa pa­nga­nib ang bu­hay ng mga si­bil­yan at su­mi­si­ra sa ka­ni­lang ari-a­ri­an. Puu-pu­ong li­bong ma­ma­ma­yan ang na­pup­wer­sang mag­bak­wit mu­la sa ka­ni­lang mga ko­mu­ni­dad da­hil sa ta­kot bun­sod ng kam­pan­yang pam­bo­bom­ba ng AFP. La­bis na na­to-tro­ma ang ma­ma­ma­yan, la­lu­na ang mga ba­ta at na­ka­ta­tan­da, da­hil sa kam­pan­yang pam­bo­bom­ba ng AFP. Ilang si­bil­yan na ang na­ma­tay da­hil sa pag­ka­ta­ran­ta at ta­kot. Wi­na­sak ng mga bom­bang ini­hu­log ng AFP ang mga sa­ka­han at si­nu­nog ang mga ka­gu­ba­tan na si­ya ring pi­nag­ku­ku­nan ng pag­ka­in, tu­big, ga­mot at ka­bu­ha­yan ng mga mag­sa­sa­ka at mi­nor­yang ma­ma­ma­yan.

Ipi­na­ki­ki­ta ng pi­na­tin­ding pam­pu­li­ti­ka at pang­mi­li­tar na pa­nu­nu­pil ang lu­ma­la­king des­pe­ra­syon ng nag­ha­ha­ring reak­syu­nar­yong re­hi­men na pi­gi­lan ang pag­la­kas ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka. Bil­yun-bil­yong pi­song pe­ra ng ba­yan ang ni­lu­lus­tay sa pag­bi­li ng mga jet fighter, mga pang-a­ta­keng he­li­kop­ter, dro­ne, bom­ba, rocket, kan­yon, ar­ti­le­ri, rip­le at ba­la, ga­yun­din ng mga GPS tracker, ka­me­ra na pa­nik­tik at iba pang ka­ga­mi­tan. Na­nga­ko ang AFP na paiig­ti­ngin ang open­si­bang mi­li­tar ni­to sa da­ra­ting na mga bu­wan da­hil sa pau­lit-u­lit ni­tong dek­la­ra­syong “du­du­ru­gin” ang BHB ba­go ma­ta­pos ang ter­mi­no ni Du­ter­te.

Pa­wang wa­lang-say­say ang mga dek­la­ra­syong ito. Sa ka­bi­la ng na­ta­mong pin­sa­la ng ng ilang yu­nit ng BHB, ang hi­git na na­ka­ra­ra­mi sa mga yu­nit ge­ril­ya ng BHB ay na­pa­pa­wa­lam­bi­sa ang su­per­yo­ri­dad ng kaa­way at ma­ta­gum­pay na na­ka­pag­pa­la­kas at na­ka­pag­pa­la­wak ng ka­ni­lang su­por­tang ba­se.

Da­hil sa di­na­ra­nas ni­lang hi­git na lu­ma­la­lang ka­la­ga­yang pan­li­pu­nan, na­pu­pu­kaw ang ma­la­wak na ma­sa ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no na lu­ma­ban sa la­hat ng pa­ra­an. Sa pag­han­tong sa lan­sa­kang te­ro­ris­tang mga ata­ke ng es­ta­do, pa­ra­mi nang pa­ra­mi ang inu­ud­yok ng ti­ra­ni­kong re­hi­meng Du­ter­te na su­ma­pi sa BHB, mag­lun­sad ng ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka at mag-am­bag sa pag-a­ban­te ng dig­mang ba­yan.

Nagpupunyaging paglaban 
sa harap ng pinasidhing panunupil

Nag­lu­lu­wal ang kri­sis ng nag­ha­ha­ring sis­te­mang ma­la­ko­lon­yal at ma­lapyu­dal ng la­long hin­di ma­ba­tang mga an­yo ng pag­sa­sa­man­ta­la at pang-aa­pi at la­long nag­tu­tu­lak sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no sa lan­das ng re­bo­lu­syo­nar­yong pag­la­ban. Sa ha­rap ng pa­pa­lub­hang te­ro­ris­mo ng es­ta­do, ko­rap­syon at pam­ban­sang pag­tat­ray­dor sa ila­lim ng ti­ra­ni­ya ni Du­ter­te, hi­git na de­ter­mi­na­do ang ma­la­wak na ma­sa na ipag­tang­gol ang ka­ni­lang pam­ban­sa at de­mok­ra­ti­kong mga ka­ra­pa­tan at in­te­res at isu­long ang pam­ban­sang de­mok­ra­sya.

Sa ka­bi­la ng bru­tal na mga tak­ti­ka ng kontra-re­bo­lu­syo­n, pa­tu­loy na su­mu­su­long at nag-ii­pon ng la­kas ang dig­mang ba­yan. Ka­sa­bay ni­to, sus­te­ni­do ang mga pro­tes­tang ma­sa sa ha­rap ng pal­pak na tu­gon sa pan­dem­ya, ka­ku­la­ngan ng ayu­dang pang-e­ko­nom­ya, ma­la­la­king ka­so ng ko­rap­syo­n, ma­la­ki­hang pa­ngu­ngu­tang, puma­pa­im­bu­log na pre­syo ng pag­ka­in at la­ngis, li­be­ra­li­sa­syon sa im­por­ta­syon ng bi­gas at kar­ne, pag­kal­tas sa bu­wis ng ma­la­la­king kor­po­ra­syo­n, pa­bi­gat na bu­wis sa ma­ma­ma­yan, pag­si­rit ng gas­tos sa mi­li­tar, lu­ma­la­king bi­lang ng pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao, du­ma­ra­ming ka­so ng pam­bo­bom­ba mu­la sa ere, at iba pa.

Ang mga kad­re at ak­ti­bis­ta ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas ay na­sa ubod ng pa­pa­la­kas na pag­la­ban ng ma­sa sa ti­ra­ni­ya ni Du­ter­te at ng su­mu­su­long na de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan. Ang mga li­him na sa­ngay at ko­mi­te ng Par­ti­do ay pa­tu­loy na iti­na­ta­yo at pi­na­la­la­kas kap­wa sa ka­lun­su­ran at ka­na­yu­nan. Na­sa ta­li­ba ng mga de­mok­ra­ti­kong pa­ki­ki­ba­kang ma­sa at ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka ang mga kad­re ng Par­ti­do. Ka­sa­ma ang mga Pu­lang man­di­rig­ma ng BHB at mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sang al­ya­do sa Na­tio­nal De­mocra­tic Front of the Phi­lip­pi­nes, pa­tu­loy na ma­ta­pang at ma­pa­nga­has na isi­na­sa­ba­li­kat ng mga kad­re ng Par­ti­do ang ma­hi­hi­rap na tung­ku­lin pa­ra isu­long ang de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan, ka­hit sa ha­rap ng pa­sis­tang pag­pa­pa­hi­rap at bru­ta­li­dad.

Sa ka­na­yu­nan, pa­tu­loy na nag­su­su­long ang Ba­gong Huk­bong Ba­yan ng dig­mang ba­yan sa buong ban­sa. Nag­bi­bi­gay ng estra­te­hi­kong pa­mu­mu­no ang Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do, sa pa­ma­ma­gi­tan ng Ko­mi­teng Ta­ga­pag­pa­ga­nap at Ko­mi­syong Mi­li­tar, ka­tu­wang ang mga upi­syal ng Pam­ban­sang Ku­mand Pang-o­pe­ra­syon ng BHB. Nag­bi­bi­gay na­man ng tak­ti­kal na pa­mu­mu­no ang mga pan­re­hi­yong ko­mi­te ng Par­ti­do at mga pan­re­hi­yong ku­mand pang-o­pe­ra­syon ng BHB sa 14 na re­hi­yon at ang ka­ni­lang mga ku­mand sa sub­re­hi­yon at mga la­ra­ngan.

Ang pam­ban­sa at pang­re­hi­yong ku­mand pang-o­pe­ra­syon ng BHB ay na­na­na­ti­ling buo sa ka­bi­la ng wa­lang-ti­gil na mga la­king-di­bi­syon at la­king-ba­tal­yon na mga ope­ra­syon ng AFP. Sa Min­da­nao, kung saan ini­lu­lun­sad ng AFP ang pi­na­kab­ru­tal na mga an­yo ng pa­nu­nu­pil mu­la 2017, ma­bi­lis na na­ka­ang­kop ang mga yu­nit ng BHB sa ma­la­la­king estra­te­hi­kong open­si­ba ng AFP, at nga­yo’y nag­pa­pa­ig­ting ng ga­wa­ing ma­sa at ga­wa­ing mi­li­tar. Pa­tu­loy ni­lang ti­na­ta­ma­sa ang ma­la­lim na su­por­ta ng ma­sang mag­sa­sa­ka at mi­nor­yang Lu­mad, la­lu­na’t na­la­lan­tad nang na­la­lan­tad ang mga ka­si­nu­nga­li­ngan, ko­rap­syon at pa­ki­ki­pag­sab­wa­tan ng AFP sa mga kum­pan­ya sa pag­mi­mi­na at plan­ta­syo­n. Sa nag­da­ang taon, na­bi­go rin ng BHB ang ma­yor na mga estra­te­hi­kong open­si­ba ng kaa­way sa mga pru­bin­sya ng Ca­ga­yan, Ilocos Sur, Quezon, Ca­ma­ri­nes Nor­te, Mas­ba­te at iba pang pru­bin­sya sa Bicol, ga­yun­din sa mga is­la ng Min­do­ro, Pa­la­wan, Sa­mar at Neg­ros.

Sa buong ban­sa, ipi­na­ki­ki­ta ng BHB ang pag­ka­da­lub­ha­sa ni­to sa pag­ga­mit ng mga tak­ti­kang ge­ril­ya ng pag­ka­ka­lat, pag­li­li­pat-li­pat at kon­sentra­syon pa­ra iwa­san ang pag­kub­kob ng kaa­way at pag­bi­ra sa kaa­way mu­la sa li­kod o mga ta­gi­li­ran. Pa­tu­loy si­lang nag­pa­pa­ta­tag, nag­re­rek­rut at nag­sa­sa­nay ng ba­gong mga Pu­lang man­di­rig­ma, nag­pa­pa­la­wak ng te­ri­tor­yo at nag­pa­pa­la­kas ang Ba­gong Huk­bong Ba­yan. Alin­su­nod sa iti­nak­dang di­rek­syon ng Par­ti­do, pi­na­la­kas ng mga yu­nit ng BHB ang pag­pa­pa­la­lim at pag­pa­pa­la­wak ng ga­wa­ing ma­sa upang pa­la­pa­rin ang mga er­ya ng ope­ra­syon ni­to at bi­gu­in ang mga estra­te­hi­kong open­si­ba ng kaa­way.

Sa nag­da­ang taon, ma­ta­gum­pay na nai­sa­ga­wa ng mga yu­nit sa ga­wa­ing ma­sa ng BHB ang mga kam­pan­ya upang ia­hon ang ma­sa mu­la sa la­bis na pag­du­ru­sa, la­lu­na sa mga lu­gar na ti­na­ma­an ng pes­te, ma­la­la­kas na pag-u­lan, bag­yo at ma­tin­ding pag­ba­ha. Pi­na­ki­ki­los ang mga Pu­lang man­di­rig­ma bi­lang mga pang­kat pampro­duk­syon pa­ra sa pag­ku­kum­pu­ni ng mga bu­kid, pag­ta­ta­nim at pag-a­ni. Isi­na­ga­wa ang mga kam­pan­ya ng pag­ta­ta­nim ng gu­lay at ka­mo­te pa­ra ti­ya­kin ang sup­lay ng pag­ka­in at pa­gaa­nin ang epek­to ng lockdown sa mga ko­mu­ni­dad. Ti­nu­tu­lu­ngan ng mga ko­mi­te ng Par­ti­do at yu­nit ng BHB ang ma­sang mag­sa­sa­ka na mag-or­ga­ni­sa at ita­as ang ka­pa­si­dad sa sa­ma-sa­mang pro­duk­syon sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­ti­pon ng ka­ni­lang re­kur­so at la­kas pag­ga­wa.

Sa ha­rap ng ban­ta ng ha­wa­an sa Covid-19, nag­sa­sa­ga­wa ang mga yu­nit ng BHB, ka­tu­wang ang mga lo­kal na or­ga­ni­sa­syong ma­sa at mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan, ng kam­pan­yang pang-e­du­ka­syon sa mga bar­yo upang ita­as ang kaa­la­man at pag-u­na­wa ng ma­ma­ma­yan sa ka­li­ka­san ng pan­dem­ya, sa mga hak­ba­nging pang­ka­lu­su­gang pam­pub­li­ko pa­ra pi­gi­lan itong ku­ma­lat, at sa mga ha­la­mang ga­mot pa­ra la­ba­nan ang mga sin­to­mas, at upang hi­ka­ya­tin ang pag­ba­ba­ku­na kung me­ron ni­to. Ka­sa­bay ni­to, nag­lu­lun­sad ng mga kli­ni­kang ba­yan ang mga me­dik ng BHB upang mag­sa­ga­wa ng mga pagtse­kap pa­ra ala­min ang sa­kit, pag-a­ru­ga at pag­ga­mot sa mga ka­ra­ni­wang sa­kit at mag­bi­gay ng ser­bi­syong den­tal, simpleng mga pag-o­pe­ra at iba pang ser­bi­syong me­di­kal.

Ma­ra­ming ma­hi­rap na mag-aa­ral sa ka­lun­su­ran at ka­na­yu­nan ang na­pag-i­wa­nan mu­la isi­na­ra ang mga paa­ra­lan noong na­ka­ra­ang taon at ipi­na­tu­pad ang “dis­tance lear­ning system” da­hil wa­la si­lang pon­do o ak­ses sa mga ser­bi­syong pang­te­le­ko­mu­ni­ka­syon (in­ter­net). Upang lu­ta­sin ang pa­nga­ngai­la­ngan ng mga ba­ta, ma­ra­ming mga Pu­lang man­di­rig­ma ang nag­si­sil­bing tit­ser sa ko­mu­ni­dad pa­ra mag­tu­ro ng mga lek­syon sa mga ba­ta upang mai­pag­pa­tu­loy ni­la ang pag­ka­tu­to at tu­lu­ngan si­la sa ka­ni­lang mga asaynment.

Sa da­ti at ba­gong mga er­ya, nag­bu­buo ang mga yu­nit ng BHB ng mga ba­ta­yang or­ga­ni­sa­syong ma­sa ng mga mang­ga­ga­wa, mag­sa­sa­ka, ka­ba­bai­han, ka­ba­ta­an at mga ba­ta. Bi­nu­buo ng mga ito ang mga ko­mi­te pa­ra isa­ga­wa ang pam­ban­sa de­mok­ra­ti­kong edu­ka­syo­n, pag­re­rek­rut, pag­pa­pa­li­taw ng pon­do at iba pang tung­ku­lin. Nag­re­rek­rut at nag­sa­sa­nay ng mga Pu­lang man­di­rig­ma pa­ra sa mga yu­nit ni­to ng mi­li­syang ba­yan. Bi­nu­buo ng mga or­ga­ni­sa­syong ma­sa ang ka­ni­lang mga kwer­pong pa­nang­gol-sa-sa­ri­li pa­ra pa­na­ti­li­hin ang ka­ti­wa­sa­yan sa mga ko­mu­ni­dad at ma­ki­pag­tu­lu­ngan sa mga mi­li­sya.

Ini­lu­lun­sad ang mga kam­pan­ya ma­sa na nag­pa­pa­ki­los at pa­ngu­na­hing na­kaa­sa sa ma­hi­hi­rap na mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wang-bu­kid pa­ra sa pag­pa­pa­pa­ba­ba ng upa sa lu­pa, pag­pa­wi sa usu­ra, pag­pa­pa­ta­as sa sa­hod, pag­pa­pa­ba­ba sa pre­syo ng abo­no at iba pang ka­ga­mi­tang pang-ag­ri­kul­tu­ra, ma­kat­wi­rang pre­syo sa ben­ta­han ng mga pro­duk­to at iba pang re­por­mang ag­rar­yo na bu­mu­buo ng mi­ni­mum na prog­ra­ma sa re­por­ma sa lu­pa. Sa mga lu­gar na sa­pat ang la­kas ng BHB at mga lo­kal na or­ga­ni­sa­syon ng Par­ti­do, ipi­na­tu­tu­pad ang mak­si­mum na prog­ra­ma ng pa­ma­ma­ha­gi ng lu­pa.

Iti­na­ta­tag ang mga or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka sa ipi­na­ta­ta­wag na pag­ti­pon ng mga asembli­ya sa bar­yo o ng mga ki­na­ta­wan ng mga lo­kal na or­ga­ni­sa­syong ma­sa upang iha­lal o hi­ra­ngin ang mga upi­syal ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong ko­mi­te sa bar­yo, at ita­yo ang mga ko­mi­te sa de­pen­sa, hus­ti­sya, edu­ka­syo­n, ka­lu­su­gan, kul­tu­ra at iba pa. Iti­na­ta­yo ang mga or­ga­ni­sa­syong pang­kul­tu­ra upang pa­ya­bu­ngin ang kul­tu­rang pat­ri­yo­ti­ko, si­yen­ti­pi­ko at ma­ka­ma­sa at ita­as ang mi­li­tan­sya at de­ter­mi­na­syon ng ba­yan na lu­ma­ban.

Paa­lun-a­lon na nag­pa­pa­la­wak at nag­pa­pa­la­kas ang BHB sa pa­ma­ma­gi­tan ng was­tong ba­lan­se ng pag­pa­pa­la­wak at kon­so­li­da­syo­n. Ang mga pan­la­ra­ngang yu­nit ng BHB ay nag­ma­man­ti­ne ng kum­pan­yang istruk­tu­ra ng pwer­sa upang ma­ga­wa ni­tong mag­pa­kat ng mga pla­tun na pang­ga­wa­ing ma­sa sa er­ya sa pa­li­bot ng sentro ng kum­pan­ya, ha­bang pa­na-pa­na­hong ini­li­li­pat ang sentro upang umi­was sa pag­kub­kob ng kaa­way, iba­yong pa­la­wa­kin ang er­ya ng ope­ra­syon ni­to at mag­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba la­ban sa ma­hi­hi­na at na­hi­hi­wa­lay na yu­nit ng kaa­way.

Ha­bang nag­pa­pa­la­wak ng er­ya ng ope­ra­syon ang BHB, na­na­na­ti­li ang ma­hig­pit ni­tong ug­nay sa ma­sa sa mga kon­so­li­da­dong er­ya, la­lu­na yaong mga du­ma­ra­nas ng ma­tin­ding ope­ra­syong mi­li­tar ng kaa­way. Ma­hig­pit ang koor­di­na­syon at pag­tu­long ng BHB sa ma­sa sa ka­ni­lang pag­la­ban sa mga hak­ba­nging pa­nu­nu­pil ng kaa­way. Nag­lu­lun­sad ang mga yu­nit ng BHB ng na­pa­pa­na­hong mga tak­ti­kal na open­si­ba upang pa­ru­sa­han ang pi­na­kab­ru­tal na mga yu­nit ng kaa­way upang idis­ka­ril ang ope­ra­syon at pa­la­ya­sin ang mga ito.

Ma­gi­ting na ni­la­la­ba­nan ng re­bo­lu­syo­nar­yong ma­sa ang ar­ma­dong pa­nu­nu­pil ng kaa­way. Na­pu­pu­kaw si­lang lu­ma­ban da­hil sa pa­sis­tang mga pang-aa­bu­so at pag­gam­ba­la sa ka­ti­wa­sa­yan. Akti­bo at ma­pan­lik­ha ni­lang ni­la­la­ba­nan ang pre­sen­sya ng kaa­way sa ka­ni­lang mga ko­mu­ni­dad sa pa­ma­ma­gi­tan ng ha­ra­pan at di ha­ra­pang pro­tes­ta. Pa­tu­loy ni­lang pi­na­la­la­kas ang ka­ni­lang mga or­ga­ni­sa­syon at nag­pu­pu­long at nag-aa­ral na di na­ki­ki­ta ng pa­ni­nik­tik ng kaa­way. Pa­tu­loy si­lang na­ka­dug­tong at na­ki­ki­pag­tu­lu­ngan sa mga lo­kal na yu­nit ng BHB. Nag­bi­bi­gay si­la sa BHB ng na­pa­pa­na­hong im­por­ma­syon tung­kol sa ak­ti­bi­dad at ki­los ng kaa­way. Sa ilang ko­mu­ni­dad, nag­pa­pang­gap si­lang mga “su­mu­ren­der” pa­ra ga­wing kam­pan­te ang kaa­way. Nag­ku­kun­wa­ri si­lang mga “im­por­man­te” pe­ro ang to­too’y ka­tu­wang ni­la ang BHB. Ni­lo­lo­ko lamang ng kaa­way ang ka­ni­lang mga sa­ri­li sa pag­sa­sa­bing du­ma­rag­sa ang ma­sang “su­mu­su­ren­der” sa ka­ni­la.

Sa ha­rap ng pi­na­ig­ting na pag­ga­mit ng kaa­way ng mga dro­ne at elektro­ni­kong pa­ni­nik­tik, ang mga yu­nit ng BHB ay ina­ta­sang mag­pa­ka­hu­say sa ge­ril­yang mga ma­ni­ob­ra at pa­ra­an ng pag­ga­wa. Ma­la­lim ang pag-u­na­wa ng mga Pu­lang man­di­rig­ma sa prin­sip­yong “ma­ma­ma­yan, hin­di mga ba­gay, ang ma­pag­pa­sya” na ini­la­had ni Ta­ga­pa­ngu­long Mao. Na­sa kaa­way man ang ma­la­king ben­ta­he sa san­da­ta at la­kas pa­mu­tok, ta­lo na­man si­la sa su­per­yo­ri­dad sa pu­li­ti­ka ng BHB. Tag­lay ang ma­la­lim na su­por­ta ng ma­sa, na­pa­na­na­ti­li ng mga yu­nit ng BHB na bi­ngi at bu­lag ang kaa­way sa ki­los at mga ope­ra­syon ni­to. Tag­lay ang pag­ka­da­lub­ha­sa sa lo­kal na te­reyn at ma­ta­as na an­tas ng di­sip­li­na upang ma­na­ti­ling di na­ki­ki­ta o na­tu­tun­ton sa pa­ra­ang elektro­ni­ko, sa ka­lak­han ay na­ga­ga­wa ng BHB na ipa­wa­lang­say­say ang mga dro­ne at ka­ga­mi­tan sa pa­ni­nik­tik ng kaa­way.

Ma­ta­gum­pay ang hi­git na na­ka­ra­ra­ming yu­nit ng BHB na umi­was sa ti­na­gu­ri­ang na­ka­po­kus na ope­ra­syong mi­li­tar o mga open­si­ba ng kaa­way at na­bi­go ang la­yu­nin ng kaa­way na isa­ga­wa ang mga ma­pag­pa­syang la­ba­nan. Hu­ma­law ang Par­ti­do at BHB na ma­ha­ha­la­gang aral sa mga tak­ti­kal na ka­bi­gu­an ng ilang yu­nit ge­ril­ya, ka­bi­lang yaong du­lot ng pam­bo­bom­ba ng kaa­way, na nag­re­sul­ta sa pag­ka­mar­tir ng ilang mga Pu­lang man­di­rig­ma.

Pa­tu­loy na ki­nu­ku­ha ng BHB ang ini­sya­ti­ba sa pag­lu­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba sa iba’t ibang da­ko ng ban­sa, inaa­sin­ta la­lu­na ang mga yu­nit ng AFP na may ma­la­la­lang pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao at ka­so ng te­ro­ris­mo. Ka­sa­ma ang mga mag­sa­sa­ka at ma­sang mi­nor­ya, pa­tu­loy ring nag­si­sil­bi ang BHB na mga ta­ga­pa­nga­la­ga ng ka­li­ka­san, la­ban sa mga kum­pan­ya sa pag­mi­mi­na, plan­ta­syon at iba pang man­da­ram­bong at ma­na­nak­lot ng ka­ni­lang ka­bu­ha­yan.
Nag­pa­pa­tu­loy ang pag­la­ban sa neo­li­be­ral na mga pa­ta­ka­rang pang-ag­ri­kul­tu­ra, la­lu­na ang li­be­ra­li­sa­syon sa pag-aang­kat ng bi­gas, pa­ti na sa is­mag­ling ng iba pang pro­duk­tong pang-ag­ri­kul­tu­ra na hu­mi­hi­la sa pre­syo ng ben­ta­han ng mga pro­duk­to at bu­ma­bang­ka­ro­te sa li­bu-li­bong mag­sa­sa­ka. Ni­la­la­ba­nan din ng ma­sang mag­sa­sa­ka at ma­sang mi­nor­ya ang wa­lang ha­bas na pag­pa­pa­lit-ga­mit ng mga lu­pang ag­ri­kul­tu­ral, pang-aa­gaw ng lu­pa at pag­wa­sak sa ka­pa­li­gi­ran.

Ka­tu­wang ng ma­sang mang­ga­ga­wa at ma­lap­ro­le­tar­ya­do, at iba pang anak­pa­wis, ni­la­la­ba­nan din ng ma­sang mag­sa­sa­ka ang pag­ta­as ng pre­syo ng la­ngis, bu­wis sa mga pro­duk­tong pet­ro­lo­yo at iba pang pa­bi­gat na bu­wis, pag­pa­im­bu­log sa pre­syo ng pag­ka­in at ba­ta­yang mga ka­la­kal at ser­bi­syo, li­be­ra­li­sa­syon ng im­por­ta­syon ng is­da at kar­ne, at iba pang pa­ta­ka­rang la­long umaa­pi sa ka­ni­la.
Sa git­na ng pan­dem­ya, wa­lang pa­tid ang mga pa­ki­ki­ba­ka pa­ra isu­long ang ka­pa­ka­nan at in­te­res ng iba’t ibang sek­tor sa buong ban­sa. Nag­sa­sa­ma-sa­ma si­la pa­ra igi­it ang ayu­dang pam­pi­nan­sya at mga sub­sid­yo, at ang pag­pa­pa­la­wak at pag­pa­pa­la­kas ng sis­te­ma ng pam­pub­li­kong ka­lu­su­gan. Ma­ta­gum­pay ang ini­lun­sad na mga ak­syong pro­tes­ta ng mga nars at mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan pa­ra igi­it ang mas ma­ta­as na swel­do at iba pang be­ne­pi­syo.

Su­mik­lab ang mga wel­gang mang­ga­ga­wa at ak­syong pro­tes­ta pa­ra sa umen­to sa sa­hod at ka­se­gu­ru­han sa tra­ba­ho. Pau­lit-u­lit ang mga pro­tes­ta ng mga pam­pub­li­kong gu­ro pa­ra ita­as ang swel­do, at ba­ya­ran ang ober­taym at ka­rag­dang ala­wans pa­ra pu­nan ang lu­ma­king gas­tos ni­la sa pag-ang­kop sa na­ka­sa­rang mga paa­ra­lan. Ipi­na­na­wa­gan ng mga es­tud­yan­te ang lig­tas na pag­bu­bu­kas ng mga eskwe­la at ipi­na­ha­yag ang ko­lek­ti­bong hi­na­ing la­ban sa sis­te­mang “blen­ded lear­ning.” Nagpro­tes­ta rin ang mga dray­ber pa­ra iba­lik ang ru­ta ng ka­ni­lang mga dyip, iba­ba ang pre­syo ng la­ngis, ba­ya­ran ang ser­bi­syong ibi­ni­gay ni­la sa gub­yer­no at iba pa. Pu­mu­tok ang mga pro­tes­ta ng mga nag­de­de­li­ber la­ban sa ma­pang-a­ping kun­di­syong iti­na­tak­da ng mga ope­rey­tor ng mga ser­bi­syong ito.

Ti­yak na da­da­mi pa ang mga ak­syong pro­tes­ta la­lu­na sa ha­rap ng pag­si­rit ng mga gas­tos sa pa­mu­mu­hay na nag­re­re­sul­ta sa pag­la­la ng ka­ta­yu­ang so­syo­-e­ko­no­mi­ko ng ba­yan. La­long na­ga­ga­tu­ngan ang ga­lit ng sam­ba­ya­nan sa pag­la­pad ng ag­wat sa pa­gi­tan ng ma­la­king ma­yor­ya ng ma­sang anak­pa­wis, sa isang pa­nig, at ng ma­ta­ta­as na bu­ruk­ra­ta at ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta na pa­tu­loy na na­ka­pag­pa­pa­ya­man sa ko­rap­syon at pa­bor ng gub­yer­no, sa ka­bi­lang pa­nig.

Sa ha­rap ng lu­ma­la­lang pam­pu­li­ti­kang pa­nu­nu­pil, lu­ma­la­kas din ang pag­la­ban sa te­ro­ris­mo ng es­ta­do at pa­sis­mo. Da­hil sa ma­pa­ni­il na ATL ni Du­ter­te, nag­sa­ma-sa­ma ang ma­la­wak na mga pwer­sang de­mok­ra­ti­ko pa­ra hi­ngin ang pag­ba­ba­su­ra ni­to. Ma­la­wak din ang pag­tu­tol sa NTF-Elcac at ma­la­kas ang pa­na­wa­gan pa­ra ali­san ito ng pon­do at bu­wa­gin. Nag-aak­syong ma­sa rin bi­lang pro­tes­ta sa red-tag­ging, ekstra­hu­di­syal na pa­ma­mas­lang, pag-aa­res­to, tortyur at wa­lang ta­ning na de­ten­syon sa bi­sa ng ga­wa-ga­wang mga ka­so. May ilang ak­ti­bis­tang di ma­ka­ta­ru­ngang ina­res­to at si­nam­pa­han ng pal­si­pi­ka­dong ka­so ba­tay sa ebi­den­syang ta­nim ng pu­lis ang nag­ka­mit ng mga li­gal na ta­gum­pay at na­pa­la­ya na mu­la sa pag­ka­ka­bi­lang­go.

Isang ma­la­wak na ha­nay ng mga pwer­sa ang hu­ma­ha­rap nga­yon sa tam­ba­lang Marcos-Du­ter­te sa elek­syo­n, ka­hit di pa si­la nag­kai­sa sa su­su­por­ta­hang mga kan­di­da­to. Akti­bong ni­la­la­ba­nan ng ka­ba­ta­ang Pi­li­pi­no ang pa­nu­num­ba­lik ng mga Marcos at pag­pa­pa­na­ti­li ng pam­pu­li­ti­kang di­nas­ti­ya ng mga Du­ter­te, da­hil ba­tid ni­lang ki­na­bu­ka­san ni­la ang na­ka­ta­ya. Ma­la­mang na ma­la­mang na si­sik­lab ang isang ma­la­king pag-aal­sa ng ma­ma­ma­yan tu­lad noong 1986 ma­ta­pos pus­pu­sang na­lan­tad ang pan­da­ra­ya ni Marcos sa elek­syo­n.

Ang mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong kaal­ya­do ng NDFP ay pa­tu­loy na na­ka­pag­pa­pa­la­pad at na­ka­pag­pa­pa­la­kas. Sa pag-ig­ting ng pa­sis­tang pa­nu­nu­pil, la­long lu­mi­li­naw sa pa­pa­la­king bi­lang ng ma­ma­ma­yan na da­pat pa­la­ka­sin ang li­him na ki­lu­sang re­bo­lu­syo­nar­yo at ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka.

Namumukod na tungkulin ng Partido

Pi­na­mu­mu­nu­an at isi­nu­su­long ng Par­ti­do and de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan sa Pi­li­pi­nas upang kam­tin ang pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya. Ang sa­li­gang la­yu­nin ay pa­la­ya­in ang sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no mu­la sa ku­ko ng im­per­ya­lis­mo, pyu­da­lis­mo at bu­ruk­ra­tang ka­pi­ta­lis­mo, ibag­sak ang ma­la­ko­lon­yal na es­ta­do at ma­ka-u­ring pag­ha­ha­ri ng ma­la­la­king bur­ge­syang kumpra­dor at ma­la­la­king pa­ngi­no­ong may­lu­pa at wa­ka­san ang sis­te­mang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal. Ita­ta­tag ni­to ang de­mok­ra­ti­kong gub­yer­nong ba­yan na mag­sa­sa­ga­wa ng re­por­ma sa lu­pa at pam­ban­sang in­dustri­ya­li­sa­syo­n, mag­ta­ta­gu­yod sa de­mok­ra­syang ba­yan upang ihan­da ang mga sa­lik pa­ra sa so­sya­lis­tang re­bo­lu­syon at kons­ruk­syo­n.

Nag­ta­gum­pay ang Par­ti­do sa pag­ta­ta­gu­yod, at sa ma­sik­hay at ma­pan­lik­hang ap­li­ka­syon ng Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo sa kong­kre­tong ka­la­ga­yan sa Pi­li­pi­nas. Na­ga­wa ni­tong isang di ma­lu­lu­pig na pwer­sang ma­ter­yal ang uni­ber­sal na teor­ya ng pro­le­tar­ya­do. Iti­na­tag ng Par­ti­do ang sa­ri­li ni­to bi­lang aban­teng des­ta­ka­men­to ng pro­le­tar­ya­dong Pi­li­pi­no at gi­na­ba­yad ang pag­la­go at pag­su­long ng re­bo­lu­syo­nar­yong ki­lu­san sa nag­da­ang li­mang de­ka­da.
Nai­ta­yo ng Par­ti­do ang buong ta­tag na or­ga­ni­sa­syong tu­ma­ta­li­ma sa mga prin­sip­yo ng de­mok­ra­ti­kong sentra­lis­mo, o de­mok­ra­syang gi­na­ga­ba­yan at pi­nag-ii­sa ng sentra­li­sa­dong pa­mu­mu­no, sentra­lis­mong na­ka­ba­tay sa de­mok­ra­sya. Isi­na­sa­ka­tu­pa­ran ang ko­lek­ti­bong pa­mu­mu­no sa pa­ma­ma­gi­tan ng sis­te­mang ko­mi­te. Ang Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do, Ka­wa­ni­han sa Pu­li­ti­ka at Ko­mi­teng Ta­ga­pag­pa­ga­nap, mga hi­na­lal sa Ika­la­wang Kong­re­so ng Par­ti­do noong 2016, ang nag­bu­buk­lod at na­mu­mu­no sa buong Par­ti­do at mga re­bo­lu­syo­nar­yong ga­wa­in ni­to.

Ma­hi­git 150,000 ang ka­sa­pi ng Par­ti­do, at may ba­seng ma­sa na ilang mil­yong ma­ma­ma­yan, kap­wa sa ka­lun­su­ran at ka­na­yu­nan. Ma­la­lim na na­kau­gat ang Par­ti­do sa mga mang­ga­ga­wa at mag­sa­sa­ka, ga­yun­din sa ma­la-p­ro­le­tar­ya­do at mga in­te­lektwal na pe­ti­bur­ges sa ka­lun­su­ran. Su­ma­sai­la­lim ang la­hat ng ka­sa­pi ng Par­ti­do sa pro­se­so ng re­bo­lu­syo­nar­yong pag­pa­pa­ni­ba­gong-hu­bog sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag-aa­ral at pag­sa­sap­rak­ti­ka ng Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo at pag­pu­na at pag­pu­na-sa-sa­ri­li. Na­ka­pag­pa­li­taw ang Par­ti­do ng ma­la­king bi­lang ng ma­hu­hu­say na ko­mu­nis­ta at re­bo­lu­syo­nar­yong man­di­rig­ma, na ma­ra­mi’y ibi­ni­gay ang pi­na­ka­ma­la­king sak­ri­pi­syo pa­ra sa ha­nga­rin ng pro­le­tar­ya­do at mga aping uri. Ha­bam­pa­na­hon si­lang aa­la­la­ha­nin. Pa­tu­loy na pa­ya­ya­bu­ngin ng Par­ti­do ang bu­nga ng ka­ni­lang mga pag­pu­pun­ya­gi at mga sak­ri­pi­syo.

Iti­na­ta­tag ng Par­ti­do ang Ba­gong Huk­bong Ba­yan mu­la sa isang pla­tun ng mga Pu­lang man­di­rig­ma noong 1969 na nag­sil­bing bin­hing pwer­sa pa­ra sa pag­su­ong ng ma­ta­ga­lang dig­mang ba­yan alin­su­nod sa estra­te­hi­kong lin­ya ng pag­kub­kob sa ka­lun­su­ran mu­la ka­na­yu­nan. Nai­ta­tag ng BHB ang ba­seng ma­sa ng ilang mil­yong ma­ra­li­tang mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wang bu­kid sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­ta­tag na pag­su­long ng re­bo­lu­syong ag­rar­yo alin­su­nod sa re­bo­lu­syo­nar­yong ga­bay sa re­por­ma sa lu­pa ng Par­ti­do. Na­ka­pag­sa­sa­ri­ling lu­ma­go ang BHB sa isang pam­ban­sang pwer­sang ge­ril­ya, na ku­mi­ki­los sa ma­hi­git 110 la­ra­ngang ge­ril­ya sa 90% ng mga pru­bin­sya sa Pi­li­pi­nas. Ma­bi­lis at ma­la­wa­kang lu­ma­go ang Par­ti­do sa 14 na taon ng ar­ma­dong pag­la­ban sa ba­tas mi­li­tar ni Marcos, at pi­na­ngi­ba­ba­wan ang mga open­si­bang mi­li­tar ng anim na pre­si­den­te mu­la 1986. Bi­bi­gu­in din ng Par­ti­do at ng BHB ang wa­lang-say­say na dek­la­ra­syon ni Du­ter­te na pu­pul­bu­sin ang ar­ma­dong pag­la­ban ba­go mag­ta­pos ang ter­mi­no ni­ya sa taong da­ra­ting.

Iti­nak­da ng Ko­mi­te Sentral ang la­yu­ning kumple­tu­hin ang re­ki­si­to ng pag­su­long tu­ngo sa aban­teng sub­yug­to ng estra­te­hi­kong de­pen­si­ba at su­mu­long sa su­su­nod na yug­to ng dig­mang ba­yan sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­la­wa­kan at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya sa ba­ta­yan ng pa­pa­la­pad at pa­pa­la­lim na ba­seng ma­sa. Da­pat ta­sa­hin ng Par­ti­do ang ka­sa­lu­ku­yan ni­tong Li­mang-Taong Prog­ra­ma. Da­pat la­gu­min ng mga sentral at pan­re­hi­yong ko­mi­te ng Par­ti­do ang mga na­ka­mit at tu­ku­yin ang mga ka­hi­na­an sa pag­pa­pa­tu­pad ni­to. Da­pat ta­yong hu­ma­law ng mga aral mu­la sa mga aban­teng ka­ra­na­san, pa­ti mu­la sa mga ka­bi­gu­an.

Ka­tu­lad na na­ka­pa­na­ig ang Par­ti­do sa to­do-lar­gang mga estra­te­hi­kong open­si­ba ng dik­ta­du­rang Marcos, na­ga­wa rin ni­tong ma­ka­pa­na­ig sa ma­hi­git li­mang taon ng pi­na­kab­ru­tal na pa­ni­ni­ba­sib ng pa­sis­tang ti­ra­ni­yang US-Du­ter­te. Ma­ta­gum­pay ang mga na­mu­mu­nong ko­mi­te ng Par­ti­do sa pagpre­ser­ba, pag­pa­pa­la­kas at pag­pa­pa­la­wak ng pi­na­mu­mu­nu­an ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa. Da­pat big­yang pan­sin ang pag­pa­pa­un­lad ng mga in­ter­nal na sa­lik sa pag­pa­pa­la­kas ng Par­ti­do, BHB at nag­ka­kai­sang pren­te sa mas ma­la­king ba­ha­gi, at ang pa­ngi­ngi­ba­baw sa mga sa­lik na nag­re­sul­ta sa is­tag­na­syon o na­ka­pag­pa­hi­na sa ibang ba­ha­gi.

Da­pat na­ka­han­da ang Par­ti­do na suu­ngin ang ma­hi­hi­rap na la­ba­nan sa pu­li­ti­ka at mi­li­tar sa da­ra­ting na mga bu­wan, sa ha­rap ng to­do-bwe­long mga open­si­bang mi­li­tar at to­tal war la­ban sa ba­yan sa wa­lang say­say na la­yu­ning du­ru­gin ang de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan.

Sa isang pa­nig, hin­di na­si­sin­dak ang Par­ti­do at ang mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa sa pag­pa­pa­sik­lab ng kaa­way, da­hil lu­bos ni­lang ba­tid na sa li­kod ng ba­kal na ta­lu­kab ni­to ay ang nag­na­nak­nak na ubod ng la­bis na ki­na­mu­mu­hi­an at iti­na­tak­wil na nag­ha­ha­ring sis­te­ma ng pang-aa­pi at pag­sa­sa­man­ta­la, ko­rap­syo­n, pag­tat­ray­dor at te­ro­ris­mo ng es­ta­do. Sa ka­bi­lang pa­nig, da­pat ma­ta­man na­ting pag-a­ra­lan ang mga ka­la­ka­san ng kaa­way at ala­min ang mga pa­ra­an pa­ra bi­gu­in ang mga la­yu­nin ni­to. Han­da ang mga kad­re ng Par­ti­do at mga re­bo­lu­syo­nar­yo na pa­ngi­ba­ba­wan ang ten­den­syang mag­ha­nap ng sit­wa­syong maal­wan o ka­si­ya-si­ya, at ha­ra­pin ang ma­la­la­ki’t ma­li­li­it na sak­ri­pi­syo pa­ra isu­long ang re­bo­lu­syo­nar­yong pag­la­ban ng ba­yan.

Da­pat na­ting la­ba­nan ang iba­yong bru­ta­li­dad ng re­hi­meng US-Du­ter­te na gu­ma­ga­mit ng te­ro­ris­mo ng es­ta­do pa­ra pa­yu­ku­in ang ba­yan sa kan­yang ka­pang­ya­ri­han. Da­pat ma­pag­pa­syang lu­ta­sin ang hin­di naiuu­lat na mga ka­so ng pang-aa­bu­song mi­li­tar at pag­la­bag sa ka­ra­pa­tang-tao. Da­pat paig­ti­ngin ang mga kam­pan­ya upang lu­bos na ilan­tad at ba­ti­ku­sin ang ba­wat ka­so ng pa­ni­nin­dak, ili­gal na pag­re­re­ki­sa, pag­yu­rak sa ka­ra­pa­tan sa pa­ma­ma­hay, di ma­kat­wi­rang pag-a­res­to, pag­du­kot, pwer­sa­hang “pag­pa­su­ren­der,” at mga ekstra­hu­di­syal na pag­pas­lang, la­lu­na sa mga bar­yo na hi­na­ham­let sa ta­bing “com­mu­nity sup­port prog­ram” o “ba­ra­ngay deve­lop­ment prog­ram” ng AFP. Da­pat may kam­pan­ya pa­ra pa­la­ka­sin ang pa­na­wa­gan sa pag­pa­pa­hin­to sa wa­lang pag­ta­ta­nging pam­bo­bom­ba mu­la sa ere, pag-iistra­ping at pa­nga­ngan­yon ng AFP na nag­la­la­yong sin­da­kin ng te­ro­ris­mo ang ba­yan na ta­ha­sang pag­la­bag sa in­ter­na­syu­nal na ma­ka­ta­ong ba­tas.

Da­pat sa­man­ta­la­hin ng Par­ti­do at tu­ma­ta­lim na kri­sis pam­pu­li­ti­ka ng nag­ha­ha­ring sis­te­ma upang ihi­wa­lay ang re­hi­meng US-Du­ter­te. Sa­sa­bog ang kri­sis na ito sa da­ra­ting na mga bu­wan kaug­nay ng na­ka­tak­dang elek­syong pampre­si­den­te. Da­pat lu­bos na ilan­tad ang mga tang­kang da­ya­in ang de­kompyu­ter na pag­bi­bi­lang sa bo­to pa­bor sa nag­ha­ha­ring pang­ka­ting Du­ter­te. Da­pat ti­pu­nin sa isang ma­la­pad na nag­ka­kai­sang pren­te ang pi­na­ka­ma­la­wak na pwer­sa la­ban sa re­hi­meng Du­ter­te. Da­pat bi­gu­in sa pa­ma­ma­gi­tan ng dam­bu­ha­lang mga pro­tes­ta sa lan­sa­ngan ang mga tang­ka ni Du­ter­te na pa­la­wi­gin ang kan­yang po­der sa pa­ma­ma­gi­tan ng pan­da­ra­ya o pag­pa­taw ng ha­ya­gang pa­sis­tang dik­ta­du­ra.
Da­pat wa­lang ka­pa­gu­rang ma­ra­mi­hang pu­ka­win, or­ga­ni­sa­hin at pa­ki­lu­sin ang ma­ma­ma­yan sa la­hat ng an­yo ng ar­ma­do at hin­di ar­ma­dong pag­la­ban. Da­pat ma­hig­pit na ha­wa­kan ang ini­sya­ti­ba, ihan­da ang ba­yan at isu­long ang ka­ni­lang mga pa­ki­ki­ba­ka sa ha­rap ng po­sib­leng mga pag­ba­ba­go sa sit­wa­syong bun­sod ng nag­ku­kum­bul­syong nag­ha­ha­ring sis­te­ma.

Sa da­ra­ting na mga taon, da­pat pa­tu­loy na mag­pa­la­kas ang Par­ti­do sa ideo­lo­hi­ya, pu­li­ti­ka at or­ga­ni­sa­syo­n. Da­pat pa­mu­nu­an ng Par­ti­do ang pa­ki­ki­ba­ka ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no pa­ra ibag­sak ang pa­sis­tang re­hi­meng US-Du­ter­te at isu­long ang de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan.

Da­pat pa­tu­loy na mag­pa­ka­ta­tag ang Par­ti­do sa ideo­lo­hi­ya sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag-aa­ral sa Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maoism upang pa­la­ka­sin ang pro­le­tar­yong ma­ka-u­ring pa­ni­nin­di­gan at pa­na­naw ng la­hat ng mga kad­re at ka­sa­pi ni­to, at ang ga­gap ni­la sa pang­ka­say­sa­yang mi­syon ng pro­le­tar­ya­do at mga tung­ku­lin sa pa­mu­mu­no sa ba­gong de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syon sa Pi­li­pi­nas.

Ang tat­long an­tas na kur­so ng Par­ti­do ay da­pat ma­sig­la at ma­si­ga­sig na ipa­tu­pad ha­bang isi­na­sa­ba­li­kat ang kag­yat na mga tung­ku­lin sa pro­pa­gan­da at pag­pa­pa­ki­los. Ba­wat sa­ngay at ko­mi­te ng Par­ti­do ay da­pat may upi­syal o ko­mi­te sa edu­ka­syo­n. Da­pat ti­ya­kin na may­ro­ong ki­na­kai­la­ngang lib­ro at ar­ti­ku­lo, pa­pel man o elektro­ni­ko, pa­ra sa pag­ba­ba­sa at ta­la­ka­yan sa la­hat ng an­tas.

Da­pat pa­tu­loy na pa­la­li­min ng mga kad­re at ko­mi­te ng Par­ti­do ang ka­ni­lang kaa­la­man at pag­ga­gap sa Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­sa­sa­ga­wa ng pan­li­pu­nang im­bes­ti­ga­syon upang ala­min ang par­ti­ku­lar na kun­di­syon at prob­le­ma ng ma­sa, upang ta­sa­hin ang ka­ni­lang la­kas at mga ka­hi­na­an, upang ki­la­la­nin ang kaa­way at bu­muo ng mga pla­no pa­ra ita­as ang an­tas ng ga­wa­in sa sak­law ng ka­ni­lang pa­mu­mu­no. Da­pat mu­lat at sis­te­ma­ti­kong gi­na­ga­mit ng mga ko­mi­te ng Par­ti­do ang di­ya­lek­ti­kong ma­ter­ya­lis­tang pa­ra­an ng pag­su­su­ri upang ma­ka­buo ng mga ob­ser­ba­syon at kong­klu­syon mu­la sa da­tos, at upang mai­ta­as ang an­tas ng re­bo­lu­syo­nar­yong prak­ti­ka mu­la sa isang an­tas tu­ngo sa mas ma­ta­as na an­tas.

Da­pat ti­ya­kin ang re­gu­lar na pu­long ng la­hat ng ko­mi­te ng Par­ti­do upang ti­pu­nin ang ko­lek­ti­bong ka­pa­sya­han ng mga kad­re at ak­ti­bis­ta. Da­pat ni­lang isa­ga­wa ang mga pag­ta­ta­sa at kum­pe­ren­sya ng pag­la­la­gom, at mga pu­long pa­ra sa pu­na­han at pag­pu­na-sa-sa­ri­li. Da­pat pa­na-pa­na­hong ilun­sad ang mga kum­pe­ren­sya pa­ra sa mga ga­wa­in pa­ra ma­ka­pag­ba­ha­gi­nan ng ka­ra­na­san ang mga kad­re sa la­yu­ning ita­as ang an­tas ng ka­ni­lang ga­wa­in. Da­pat tu­mang­gap ang mga na­mu­mu­nong ko­mi­te ng re­gu­lar at es­pe­ysal na ulat mu­la sa pi­na­mu­mu­nu­an ni­tong mga ko­mi­te, at na­pa­pa­na­hong mag­la­bas ng mga ga­bay o atas. La­hat ng ma­ka­bu­lu­hang im­por­ma­syon ay da­pat ipaa­bot sa Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do.

Da­pat pa­tu­loy na pa­la­ka­sin ang mga sa­ngay ng Par­ti­do bi­lang su­si sa pag­ta­ta­as ng ka­ka­ya­han ng Par­ti­do na pa­mu­nu­an ang ma­sa at ang ka­ni­lang mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa. Da­pat sis­te­ma­ti­ko at wa­lang ti­gil ang pag­re­rek­rut ng ba­gong mga kad­re mu­la sa ha­nay ng mga aban­teng ak­ti­bis­tang ma­sa. Da­pat si­ka­pin ng ba­wat sa­ngay ng Par­ti­do at na­mu­mu­nong ko­mi­te sa ter­tor­yo na bu­muo ng ba­gong mga sa­ngay ng Par­ti­do sa ba­wat tak­dang pa­na­hon upang ti­ya­kin ang tu­luy-tu­loy na pag­la­pad ng Par­ti­do.

Da­pat pa­tu­loy na ita­tag at pa­la­ka­sin ng Par­ti­do ang mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa upang ma­buo ang pag­ka­kai­sa ng ba­yan alin­su­nod sa ka­ni­lang ma­ka-u­ri at pang­sek­tor na in­te­res, ga­yun­din, alin­su­nod sa ma­sa­sak­law o par­ti­ku­lar na usa­pin. Maaa­ring ita­yo ang iba’t ibang an­yo ng aso­sa­syon upang umang­kop sa par­ti­ku­lar na sit­wa­syon sa isang lo­ka­li­dad. Da­pat si­ka­ping ma­buo ang mga sa­ngay ng Par­ti­do sa la­hat ng pi­na­ka­ma­la­king enkla­bong mang­ga­ga­wa at sa mga estra­te­hi­kong empre­sang in­dustri­yal at ko­mer­sya­l, mga mi­na at plan­ta­syo­n, ko­le­hi­yo at uni­ber­si­dad, upi­si­na, mga sek­tor, insti­tu­syo­n, ko­mu­ni­dad at iba pa. Da­pat sa­man­ta­la­hin ang kun­di­syon upang itu­lak ang ma­yor na pag­la­kas sa ki­lu­sang mang­ga­ga­wa sa pam­ban­sang at pan­re­hi­yon na mga sentrong ur­ban.

Da­pat pa­tu­loy na pa­sig­la­hin ng Par­ti­do ang ga­wa­ing pro­pa­gan­da upang kontra­hin ang an­ti­ko­mu­nis­tang mga ka­si­nu­nga­li­ngan at di­sim­por­ma­syong pi­na­ka­ka­lat sa mid­ya at social me­dia ng mga pa­na­ti­kong reak­syu­nar­yo. Da­pat pus­pu­sang pa­la­ga­na­pin ang prog­ra­ma pa­ra sa de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan at ang mga pag­su­su­ri ng Par­ti­do sa mga tam­pok na usa­ping pam­ban­sa at lo­kal. Da­pat pa­tu­loy na pa­la­ga­na­pin ang Ang Ba­yan at mga re­bo­lu­syo­nar­yong pub­li­ka­syo­n, at lu­mik­ha ng iba’t ibang an­yo ng pro­pa­gan­da pa­ra mil­yun-mil­yong abu­tin ang ma­la­wak na ma­sa at ita­as ang ka­ni­lang ka­mu­la­tan at mi­li­tan­sya. Ba­wat kad­re at ak­ti­bis­ta ng Par­ti­do ay da­pat wa­lang ka­pa­gu­rang mag­sil­bing mga ka­wal sa huk­bong pampro­pa­gan­da pa­ra sa pam­ban­sang de­mok­ra­sya.

Da­pat buuin ng Par­ti­do ang pi­na­ka­ma­la­wak na po­sib­leng nag­ka­kai­sang pren­teng an­ti-pa­sis­ta bi­lang su­si sa pag­pa­pa­ki­los sa mil­yong ma­ma­ma­yan pa­ra bi­gu­in ang is­ke­ma ng te­ro­ris­mo ng es­ta­do at pan­li­lin­lang ng re­hi­meng US-Du­ter­te pa­ra pa­la­wi­gin ang ti­ra­ni­ya, ko­rap­syon at pag­tat­ray­dor. Da­pat bi­gu­in ng Par­ti­do at ma­la­wak na de­mok­ra­ti­kong mga pwer­sa ang tang­kang da­ya­in ang elek­syong 2022 at ilu­kok ang tam­ba­lang Marcos-Du­ter­te o iba pang reak­syu­nar­yong kan­di­da­tong mag­su­su­nud-su­nu­ran kay Du­ter­te. Da­pat pa­la­gu­in ang ki­lu­san, la­lu­na sa ha­nay ng ka­ba­ta­ang Pi­li­pi­no, pa­ra had­la­ngan ang lu­bos na pa­nu­num­ba­lik ng mga Marcos. Da­pat ikum­bi­na ito sa mga pro­tes­tang ma­sa pa­ra isu­long ang kag­yat na mga ka­hi­li­ngan pa­ra sa ka­rag­da­gang sa­hod, tra­ba­ho, sub­sid­yong pang-e­ko­nom­ya at iba pang mga hak­ba­ngin pa­ra ia­hon ang ba­yan sa git­na ng kri­sis sa eko­nom­ya.

Da­pat pa­tu­loy na paun­la­rin ng Par­ti­do ang mga pa­ki­ki­ba­kang an­ti-im­per­ya­lis­ta at an­ti­pa­sis­ta at iug­nay ang mga ito sa mga pa­ki­ki­ba­kang an­tip­yu­dal at an­ti­pa­sis­ta sa ka­na­yu­nan. Da­pat si­ka­pin ng ki­lu­sang mag­sa­sa­ka na ma­ra­mi­hang pa­ki­lu­sin ang ma­sa sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­la­la­tag ng kag­yat na mga ka­hi­li­ngan pa­ra wa­ka­san ang li­be­ra­li­sa­syon sa pag-aang­kat, pag­pa­pa­lit-ga­mit sa lu­pa at pang-aa­gaw sa lu­pa, pa­ra sa ma­kat­wi­rang pre­syo ng mga pro­duk­tong pang-ag­ri­kul­tu­ra, sub­sid­yo sa pro­duk­syo­n, kan­se­la­syon ng mga utang sa mga lu­gar na si­na­lan­ta, at iba pa.

Da­pat pa­tu­loy na pa­mu­nu­an ng Par­ti­do ang Ba­gong Huk­bong Ba­yan sa pag­lu­lun­sad ng ma­la­wak at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya sa pa­pa­la­pad at pa­pa­la­lim na ba­seng ma­sa. Da­pat pa­la­wa­kin at pa­ta­ta­gin ang ba­seng ma­sa ng BHB sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­la­wa­kang pag­su­su­long ng re­bo­lu­syong ag­rar­yo at pag­ha­rap sa pang­ma­ta­gal at kag­yat ng pa­nga­ngai­la­ngan ng ma­sang mag­sa­sa­ka.

Da­pat si­ka­pin na­ting pa­la­pa­rin ang mga la­ra­ngang ge­ril­ya at bu­muo ng ba­gong mga la­ra­ngang ge­ril­ya at mga sub­re­hi­yon upang pa­la­wa­kin ang er­ya ng ope­ra­syon ng BHB pa­ra bi­gu­in ang kaa­way sa tak­ti­kang blockhou­se at kam­pan­ya pa­ra kub­ku­bin ang mga yu­nit ng BHB at itu­lak si­la sa ma­pag­pa­syang mga la­ba­nan. Da­pat mag­pa­ka­da­lub­ha­sa ang mga na­mu­mu­nong ko­mi­te ng Par­ti­do at ku­mand ng BHB sa ba­lan­sya­dong pag­pa­pa­kat ng pwer­sa pa­ra sa pag­pa­pa­la­wak at kon­so­li­da­syo­n, at pa­ra sa ga­wa­ing ma­sa at ga­wa­ing mi­li­tar. Ang pa­ha­lang na pag­pa­pa­la­pad ng ba­seng ma­sa ay da­pat itum­bas sa kon­so­li­da­syon at pag­pa­pa­la­kas ng mga sa­ngay ng Par­ti­do at yu­nit ng BHB. Da­pat isa­ga­wa ang mga pag­sa­sa­nay sa pu­li­ti­ka at mi­li­tar ng mga kad­re ng Par­ti­do at Pu­lang man­di­rig­ma at ku­man­der ng BHB upang mai­sa­ba­li­kat ang pa­bi­gat nang pa­bi­gat na mga tung­ku­lin pa­ra ma­pa­nga­has na isu­long ang re­bo­lu­syo­n.

Da­pat si­ka­pin na­ting ma­pag­pa­syang lu­ta­sin ang mga pan­lo­ob na su­li­ra­nin at pa­ngi­ba­ba­wan ang la­hat ng ba­la­kid pa­ra sa pag­su­su­long ng de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan. Da­pat na­ting ita­as ang re­bo­lu­syo­nar­yong di­wa at de­ter­mi­na­syon ng la­hat ng kad­re ng Par­ti­do, Pu­lang man­di­rig­ma at ak­ti­bis­tang ma­sa sa pag­ha­rap sa la­long bru­tal at ma­bag­sik na kaa­way.

Da­pat sa­man­ta­la­hin ng Par­ti­do ang pa­bo­rab­leng kun­di­syon pa­ra pa­la­ka­sin at pa­la­wa­kin ang ug­na­yan ni­to sa pan­da­ig­di­gang pro­le­tar­ya­do at la­hat ng aping ma­ma­ma­yan, hi­ka­ya­tin ang pag-aa­ral sa Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo at ang pag­la­pat ni­to sa kong­kre­tong kun­di­syon sa iba’t ibang ban­sa upang ita­gu­yod ang pag­ka­kai­sang an­ti-im­per­ya­lis­ta ng ma­la­wak na pwer­sang de­mok­ra­ti­ko, pat­ri­yo­ti­ko at prog­re­si­bo at mga gub­yer­nong na­ki­ki­ba­ka pa­ra sa pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya. Da­pat ak­ti­bong iba­ha­gi ng Par­ti­do ang kan­yang ka­ra­na­san sa pag­su­long ng re­bo­lu­syong Pi­li­pi­no, ha­bang na­tu­tu­to sa aban­teng ka­ra­na­san ng mga re­bo­lu­syo­nar­yo, at iba pang ki­lu­san pa­ra sa pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya sa iba’t ibang da­ko ng mun­do.

Sa pag­gu­ni­ta ng Par­ti­do sa ika-53 ani­ber­sar­yo ng pag­ka­ka­ta­tag ni­to, da­pat na­ting ipag­di­wang ang ating mga na­ka­mit, ha­bang ti­na­ta­naw na­tin ang pa­ngi­ngi­ba­baw sa la­hat ng had­lang pa­ra isu­long ang de­mo­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan sa hin­di pa naaa­bot na an­tas.

 

PDF

Biguin ang brutal na 
kontra-rebolusyonaryong 
gera ng rehimeng 
US-Duterte! 
Pangibabawan ang lahat 
ng balakid upang isulong 
ang demokratikong 
rebolusyong bayan!