Digmang bayan, hahawan at mag-sisilang ng tunay na kalayaan

Sa ika-126 na taon ng Huwad na Kalayaan ay walang dapat ipagbunyi at ipagdiwang ang ilihitimong rehimen ni Marcos Jr, bilang pinamasugid na tuta ng Imperyalismong US. Laganap ang karalitaan, kaliwa’t kanang inhustisya, red-tagging at pagpapatahimik lalo na sa mga kritiko at tumutuligsa, at aktibista laban sa bulok at papet na rehimeng Marcos Jr. Ang kontrol sa militar, sa ekonomiya’t politika at kultura ng Imperyalistang US ay nanatili at mas largado na nadodomina sa bansa.

Ang naghaharing paksyong Marcos Jr., matapat at masugid na mga neoliberalis sa kabinite, mga kaibigan, kababata at kamag-aaral na malaking komprador-burges at panginoong maylupa, mga pasistang militar ay patuloy na nagtatamasa at nangungulimbat sa kabang yaman ng bansa at komokopo ng mga malaking kontrata, pagawing bayan mula sa patron nilang si Marcos Jr. Karaniwan ding kasosyo ang mga dayuhang mamumuhunan, para magkamal ng limpak na salapi mula sa pawis at dugo ng mamamayang Pilipino at paninira ng kalikasan.

Sa tugtog ng Cha-cha at dikta ng Imperyalistang US, Chacha itong maglulubos ng mga kontra mamamayan at anti nasyunal at maka-Imperyalistang patakaran sa ekonomiya at agrikultura; Sa panahon ng diktador na rehimeng Marcos Sr ang Stuctural Adjustment Program (SAP), binhi ng neoliberal na patakaran sa bansa. Kaliwa at kanang pribatisasyon, deregualsyon at denasyunalisasyon sa panahon ng mga papet na rehimen ng panginong maylupa na si C. C. Aquino, Heneral Ramos, Erap, Arroyo, PNoy at Duterte. Ang PNB, MWSS, PAL, Petron, Ropongi Property sa Japan, ilan sa mga isinapribadong kumikita na pag-aari ng gobyerno. Pagpasok sa GATT/WTO, RCEP, Rice Liberalisation Law, Publice Service Law, mga batas at kasunduang pang ekonomiya at agrikultural na ibayong magpapahirap sa sambayanang Pilipino, partikular sa masang magsasaka.

Naiisagawa ito karaniwan sa pamamagitan ng pagpasok ng mga papet na rehimen sa utang sa IMF-World Bank at ADB na may kaukulang mga Letter of Intent. Gayundin sa mga ayudang pinansyal para sa mga imprastruktura na magsisilbi sa interes nang nagpautang na ahensya. Tinatayang ang utang ng rehimeng Marcos Jr ay aabot sa katapusang ng taong 2024 sa $15.8 trilyon. At 30% ng taunang budget ng bansa ay napupunta sa bayad-utang na di napakinabangan ng sambayanan, kundi kinukulimbat at pinagtampisawan ng naghaharing uri na nasa kapangyarihan.

Hindi matatakpan ng retorika at mga inasukalang pahayag ni Marcos Jr, at mga kapural niya ang nagdudumilat na may 2 Milyong mga bata na wala pang limang taong gulang ang nakapailalim sa kategoryang ‘severely food poverty’ sa bansa, anim na araw lang bago ang huwad na kalayaan, ayon sa UNICEF.

Nitong nakaraang buwan, may 3.8% na pambansang inplasyon. Mas malala pa sa 30% pinakamahihirap, na may 8.5% na implasyon noong Abril 2024 mula sa 7.4% ng Marso, na may pangkalahatang implasyon na 5.2, ayon misimo sa neretokeng istadsidika ng PSA.

Nag-aalburuto na rin ang nasa insdustriya ng baboy at manok, at isda. Kaya ang pagbaha sa merkado ng mga dayuhang produktong agrikultural ng sibuyas, bawang, asukal, bigas, itlog, karneng manok, baboy ay malupit na dagok at nakakamatay na resulta ng pagpasok sa mga kasunduang nabanggit sa itaas. Tiyak pinapatay at inililibing ang masang magsasaka bunga ng neoliberal na mga patakarang ipinataw ng US at maluwag namang nilulunok ng rehimen ni Marcos Jr.

Sa mga pakitang tao at ‘photo ops’ ni Maros Jr sa rehiyon, pawang mga inimbento, neresaykel at pekeng CLOA ang pinamamahagi. Huling ginawa ng ‘palabas’ na ito sa lalawigan ng Palawan. Insulto at pagbibigay ng maling pag-asa sa dati nang naghihikahos at nilolokong magsasaka ang pakanang ito. Kasapakat ang ahensya ng DAR, mataas na opsisyal sa rehiyon at sa probinsya. Syempre pa, mga lokal na burukrata at mga magnanakaw sa mga probinsya. Ni gamumong interes o pakitang tao, wala mang lang plano ang ilihitimong administrasyon na magpasa ng batas para sa repormang agraryo. Ang kondonasyon ay huling-huli na rin isinabatas.

Sa sadlak na sa kumunoy na kahirapan ay nangahulugan ng di na kayang lutasin ng kasalukuyang rehimen, kinakailangan ito ng pambansang demokratikong rebolusyon. Isang digmang bayan na magpapatupad ng rebolusyong agrarayo na babali at wawasak sa gulugod ng Pyudalismo at mag-sisilang ng tunay na kalayaan. Ang pagwasak sa baseng sosyal ng Imperyalismo sa isang mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunan ay ga-higanteng ambag sa pagpapahina at pagpilay sa Imperyalismo. Mawawala ang ‘first island chain’ sa depensa at pinakamasugid na tutang rehimen.

Tulad ng mga nagsasariling rehimen sa mga base sa kanayunan at mga teatro ng digma, ang mga binhi ng sosyalismo ay malaon nang naipundar, gumagana at matatag na hinaharap ang mga focused military operations (FMO). Sa gabay ng Partido at pamamagitan ng BHB ay nagagawa nang ipagtanggol ang mga bungang inani nito. Bahagi at inspirasyon ito para sa kilusang pagwawasto at sa pagkamit ng mas mataas na yugto ng digmang bayan.

Digmang bayan, hahawan at mag-sisilang ng tunay na kalayaan