Pahayag

Hindi myembro ng NPA si Diesta

,

Mariin naming kinokondena ang malisyosong pagpaparatang ng mga elemento ng PNP at AFP sa indibidwal na kanilang inaresto bilang myembro ng NPA upang siraan ang kilusan at palobohin ang kanilang “accomplishments”.

Nitong Agosto 29 si Edwin Divina Diesta, isang construction worker, ay inaresto ng mga elemento ng Sorsogon Police Station, 92nd Special Action Force Company, 903rd Brigade Philippine Army at 31st Infantry Battalion sa Barangay San Juan, Bacon District, Sorsogon City, sa bisa ng warrant of arrest para sa kaso ng attempted rape.

Taliwas sa pinalalabas ng militar at pulis, si Diesta ay hindi myembro ng NPA. Ito ay isang desperadong tangka na palabasing nagkakanlong ng rapist ang hukbong bayan.

May mahigpit na patakaran ang rebolusyonaryon kilusan hinggil sa pagrespeto sa karapatan ng mga kababaihan, at may mga piniling kasarian laban sa diskriminasyon, pang-aabuso, at karahasan. Hindi rin kinukunsinte sa Partido at ng NPA ang mga indibidwal na napatunayang may kasong panghahalay.

Hindi ito unang beses na ang isang sibilyan ay pinaratangan ng AFP at PNP na myembro ng NPA. Matatandaang pinaslang ng mga elemento ng 31st IBPA at Casiguran Municipal Police Station si Nino Henera, isang magsasaka at residente ng Barangay Trese Martires, Casiguran noong Hunyo 26. Pagkatapos paslangin, tinaniman pa ng mga “ebidensya” ang lugar ng pinangyarihan at pinalabas na may engkwentro na naganap.

Nananawagan kami sa mga kagawad ng midya, na maging mapagmatyag sa mga ulat na pinalalabas ng AFP at PNP. Nawa’y dinggin ninyo ang boses ng mga inaapi at pinagsasamantalahan at pumanig sa kanila, at higit sa lahat, maging boses ng katotohan. Sa panahon ngayon na lumalaganap ang mga misimpormasyon at pekeng balita, inaasahan ng mamamayan na ang hanay ng mga taong-midya ay masasandalan na maghahatid ng katotohan para sa pagkamit nila ng hustisya.

Hindi myembro ng NPA si Diesta