Mayo Uno: Isulong ang kilusang paggawa tungo sa mapulang sosyalistang bukas!–KM

Nakikiisa ang mga makabayang kabataan sa buong bansa sa pag-aalala ngayong araw ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ngayon ay binabalikang muli ang mga tagumpay na nakamit ng kilusang paggawa sa nagdaang mga siglo at ang patuloy na kawastuhan ng pagsusulong ng interes ng proletaryado para sa ganap na paglaya ng mga mamamayan ng buong daigdig.

Tumitindi ang krisis ng imperyalismo at ang mga desperadong patakaran ng naghaharing-uri. Sa kabila ng mga napatunayang anti-mamayang katangian ng neoliberalismo sa apat na dekada nito ay patuloy nitong niyuyurak ang kalagayan ng mga batayang karapatan ng mga mamamayan.

Higi’t pang pinapabilis ng estado ang paglikha ng murang lakas paggawa para sa pandaigdigang merkado sa pamamagitan ng pag-eexport ng mga OFWs, pagbubukas para sa mga dayuhang pagawaan, at paghuhubog ng mga kabataan bilang mura at supil na mga manggagawa. Pinagmumukha ng reaksyunaryong estado na patuloy na umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng masaklap na katotohanang mayorya pa rin ng mga mamamayan ay lugmok sa kahirapan, disempleyo, at kawalan ng batayang serbisyo. Ayon sa pinakahuling tala ng estado ay humigi’t kumulang kalahati ng populasyon ang walang trabahong nakukuha sa ating bansa- isang mayor na kakulangan ng rehimen sa mga mamamayan nito.

Dagdag pa ang deka-dekadang kawalan ng repormang agraryo na siyang nagdudulot ng malawakang disempleyo sa hanay ng uring magsasaka at pagdami ng mga mala-manggagawa at seasonal workers sa mga lungsod. Ang lupon ng mga sarplas na mangggagawa sa buong bansa ay lalopng sinasamantala ng mga kapitalista para pababain ang kanilang binibigay na sahod na sa simula pa’y pinababa na nga ng wage rationalization.

Pawanag ilusyon ang kaunlaran na pinipinta ni Duterte sa paningin ng masa. Hindi maitatago ng kanyang mga patakarang pangekonomiya at magarbong imprastraktura ang lugmok at walang katyakang kalagayan ng mga mamamayang Pilipino.

Sa patuloy na pananalasa ng pandemya ay lalong nahuhubaran ang krisis na kinapapalooban ng bansa. Walang komprehensibong solusyong medikal at pawang mga militaristang mga patakarang ang pinatupad ng rehimen. Sa kabila ng mga paalala ng mga siyentista at eskpertong medikal sa kawalan ng siyentipikong batayan ng lockdown ay patuloy itong isinasagot ni Duterte sa virus ng COVID-19. Hindi mapagkakailang pinasahol lamang nito ang kondisyon ng milyong-milyong manggagawang Pilipino.

Simula pa lamang ng pandemya ay kaliwa’t kanan na ang mga ulat tungkol sa mga pinabyaaang manggagawa sa mga construction site, mga manggagawang hindi makauwi sa kanilang mga pamilya, at hindi pa malaman kung saan kukuni nang pantawid sa ipinapatupad na lockdown. Puro napakong pangako ng tulong ang nakuha mga mamamayan mula sa walang silbing rehimen. Ayon mismo sa estado ay 18 milyong pamilya pa ang hindi nakakakuha ng ayuda. Iba pang usapin kung sasapat ba ito sa bigat at impact ng higit pitong lingo ng lockdown.

Maging ang mga manggagawa kasalusugan ay umaalma sa malagim na kalagayan ng sector pangkalusugan sa bansa. PInasasabak ang mga nars, doctor, at iba pang frontliner sa pagsugpo sa COVID-19 kapalit ang kanilang mga buhay dahil sa kawalan ng protective equipment, maayos na mga health institutions, at maging ng kaukulang hazard pay. Mismong ang ahensya na ng estado ang nagsabi na 17 doktor na ang namatay sa serbisyo, habang 1,694 na mga health workers na ang may COVID-19.

Sinasamantala ng reaksyunaryong uri ang malubhang krisis para panatilihing kapit sa kanilang kapangyarihan ang mga manggagawa buong dagidig. Alam ni Duterte at ng lahat ng tagapamandila ng pang-aapi at pananamantala na ang nagkakaisang pagkilos ng mga mamamayan ang arkitekto ng kanilang ganap na pagbagsak. Kaya naman upang maisalba ang kapangyarihan nito ay kapit na kapit sa pasismo at tiraniya ang naghaharing uri. Mga banta, bala, panghuhuli, at pagpatay ang sinuasalubong ng mga panginoong maylupa, ng mga malalaking burgesyang komprador, at ng estado sa lehitimong panawagan ng mga mamamayan.

Sa halip na ituring ang COVID-19 bilang pangunahing problema at kalaban ng sambayanan, ang mga Pilipino ang tinuturing ni Duterte na pangunahing kalaban na dapat mapasailalim ng kanyang kontrol. Hindi malabong palawigin pa nito ang lockdown, hindi para kontrolin ang sakit, kundi para pigilan ang ano mang pagkilos na gagawin ng mga Pilipino para sa pagkain, ayuda, at serbisyong medikal.

Ang pinapalaganap na “New Normal” ng mga ahensya ng gubyerno ay walang ibang ibig sabihin kundi ang pagnonormalisa ng presensya ng mga militar at pulis kahit pa mawala ang COVID-19 lalo na sa mga sentrong lungsod. Kriminal nitong ginagamit ang isang krisis pangkalusugan para mamuno bilang diktador.

Sa pagtindi pagkakahiwalay ni Duterte ay lalong nahihinog ang mga batayan para sa ganap na pagsusulong ng pagbabagong panlipunan. Lumalabas na walang kakayahan ang rehimen ni Duterte para pamunuan ang isang national emergency. Sa pagpapatuloy niya sa pwesto ay lalong nalalagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino at ang kinabukasan ng buong bansa.

Dulot ng sakit ay nalantad ang kabulukan ng neoliberal na kaayusan sa sistemang pangkalusugan, batayang serbisyon, at paggawa. Nakaamba ang isang matinding krisis pang-ekonomiya na kitang-kita na ngayon pa laamng. Itutulak ng kondisyon ang estado para lalong gipitan, patahimikin, at lalong kontrolin sa ilalim ng tiraniya at batas militar ang mga Pilipino. Mismong mamamayan ang mananawagan at magtitiyak ng pagbaba ni Duterte sa kapangyarihan.

Dapat maging handa ang mga makabayang kabataan para gamitin ang kahunghangan ng rehimeng Duterte para palakasin ang rebolusyunaryong kilusang pagpapalaya sa kanayunan hanggang kalunsuran para pamunuan ang sambayanan sa paglaban sa pandemya, pagtataguyod ng mga batayang karapatan ng mamamayan, at iwaksi ang pabaya at pasistang rehimen!

Sa paglakas ng kilusang talsik ay direktang binibigwasan ng mga mamamayan ang estado ng naghaharing-uri na nagkukumahog sa pananatili sa kapangyarihan. Ito ay paborableng panahon para sumampa ang daan-daang mga kabataan sa Bagong Hukbong Bayan at dinggin ang panawagan ng pagpapatupad ng pang-ekonomiko at pang-kalusugang programa at pagpapalakas sa mga rebolusyonaryong base sa kanayunan.

Sa ganitong paraan din natin maisusulong ang paglago ng mga Organo ng Kapangyarihang Pampulitika sa kanayunan na susing rekisito sa pamumuno ng proletaryado sa yugto ng pambansa demokratikong rebolusyon. Mahalagang salik ang paglakas ng mga pulang base sa kanayunan para ganap na abutin ang pagkakapatas ng sa reaksyunaryong estado.

Sa kalunsuran ay tungkulin ng mga makabayang kabataan na dinggin ang panawagan sa mga rebolusyunaryong organisasyon na himukin ang mga mamamayan na sama-samang labanan ang COVID-19 at yanigin ang kaaway sa mismong sentro ng kapangyarihan nito.

Sisikapin ng naghaharing-uri na manatili sa kapangyarihan ano man ang pamamaraan, kaya’t dapat ay malinaw sa hanay ng rebolusyonaryong base at sa masa na tanging sa ganap na pagbagsak lamang na estado ng burgesya at pamumuno ng proletaryado malilikha ang kondisyon para sa pagtatatag ng tunay na demoratikong gobyerno ng mamamayan. Ang tuloy-tuloy na pagmumulat sa sambayanan at hindi nahahangganang paglawak ng base na nasa pamumuno ng uring proletaryado ay paghahanda sa huling araw ng pakikipagtuos sa mga naghaharing uri, kapag koordinado na ang pangkalahatang pag-aalsa ng mamamayan sa kalunsuran at ang pangkalahatang opensiba ng hukbong bayan.”

Ito ang dapat tanawin at panindigan ng mga rebolusyunrayong kabataang makabayan!

Mayo Uno: Isulong ang kilusang paggawa tungo sa mapulang sosyalistang bukas!--KM