Pagpupugay sa mga martir ng sambayanan! Kabataan, walang ibang landas kundi patungong kanayunan! Sumapi sa NPA!
Inihahandog ng Kabataang Makabayan, sampu ng lahat ng kabataan at mamamayan sa buong bansa, ang pinakamataas na pagpupugay sa buhay at pakikibakang inialay ng mga kasamang sina Queenie Loricel “Ka Kira” Daraman, Kiko “Ka Armin” Regalado, at Zyra May “Ka Ara” Ligad.
Sa lahat ng natitipon ngayon sa kanilang parangal, sa kanilang mga pamilya at kaibigan, ipinaaabot ng Kabataang Makabayan ang taas-kamaong pakikiramay sa pagkamartir ng mga kasamang nagpamalas ng walang kapantay na giting sa pakikibaka sa pinakamataas na antas.
Sa pagtitipon natin ngayon ay kasabay nating nagbibigay ng pulang saludo ang masang anakpawis sa iba’t ibang panig ng bansa habang inaalala ang hindi mapapantayang ambag ng mga kabataang rebolusyonaryong ng pambansa demokrationg pakikibaka.
Inaalala natin ngayon si Ka Kira at ang kanyang walang pagod na panunuyod sa bulwagan ng pamantasang kanyang pinagmulan sa ngalan ng pagmumulat ng mga kabataan na tulad niya ay namumuhi sa pamamasismo, kurapsyon, at pagpapahirap ng rehimeng Duterte sa masang Pilipino. Inaalala siya ng mga kasama bilang isang magilas na lider masang sa mga talumpati ay gamay ang bawat bato ng salita at bawat daloy at punto—mga salitang sumasalamin sa kalagayan at buhay ng masang inaapi ng naghaharing sistema.
Inaalala natin ang bawat titik ng pluma ni Ka Kiko na, sa kabila ng alinlangang mahigpit na nakakabit sa pagiging isang petiburgesya, mapagpasyang tumungo sa kanayunan para ganap na tanganan ang makasaysayang panawagan sa kabataan na maging edukador at propagandista ng rebolusyon, kasama ang Hukbo ng masa. Inaalala siya ng mga kapwa niya Pulang Mandirigma sa Isabela bilang isang masayahing kasama na magiliw at madaling nakasalamuha ng mga kabataang magsasaka at masa sa kabila ng kanyang limitasyon sa wikang Iloco.
Gayundin ay inaalala natin ang gilas ni Ka Ara sa pagpopropaganda sa masa sa kanayunan at pagpapataas ng rebolusyonaryong kamulatan ng mga kapwa niya Hukbo bilang giyang pampulitika sa yunit ng hukbo sa North Davao-South Agusan Subregional Command. Inaalala ng mga kasama si Ka Ara sa kanyang mahusay na paglapat ang Marxista, Leninista, at Maoistang pananaw sa mga aral at gawi ng Hukbo sa kanayunan at sa pagsusuri ng kasalukuyang sitwasyong pampulitika bilang batang kadre ng Partido.
Ang landas na nagdala sa kanila sa kanayunan ay hinabi ng kanilang karanasan at pagkamulat bilang mga edukador at organisador sa mga paaralan sa kalunsuran. Ang bawat yapak nila patungo sa pakikidigma at paalis sa buhay na kinagisnan ay sumusunod sa yapak ng libo-libong mga kabataan at mamamayan na, sa nakaraang limang dekada, ay mapagpasyang tumangan ng armas sa ngalan ng tunay na paglaya.
Sa ating pag-awit ng mga himig ng rebolusyon, pakikibaka, at pagdadakila, umaalingawngaw ang kanilang mga tinig na nagbitbit ng aral ng rebolusyon at pakikibaka at propaganda para sa kanilang mga kapwa mag-aaral. Sa ating taas-kamaong pagpupugay sa kanila ngayon hanggang sa umaabot ay masasalamin ang ilang-daang taas-kamaong walang takot nilang itinaas kasabay ng dumadagundong na mga protestang kanilang dinaluhan. Sa ating pagbaybay ng mga salita ng pagpaparangal ay mauukit sa kasaysayan ang kanilang mga pangalan at alaala bilang mga kasamang buong pagpapasyang pinanghawakan ang kanilang ahitasyon at pagkadalubhasa sa rebolusyonaryong teorya upang isabuhay ang tungkulin ng Kabataang Makabayan.
Sina Ka Kira, Ka Kiko, at Ka Ara ay mga halimbawa ng walang patumangang pag-aalay ng panahon, lakas, at kakayahan para sa ganap na pagsusulong ng digma ng masang Pilipino. Sila ay ilan lamang sa libo-libong kumakatawan sa pagsasabuhay ng makatarungang galit ng mga kabataang namulat sa nabubulok na kalagayan ng malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Sa gitna ng matinding krisis sa ekonomiya at pulitika, pagpapabaya ng mga nasa estado poder, at panunupil ng rehimen ng inutil na si Rodrigo Duterte, panawagan ng Kabataang Makabayan sa lahat ng mga kabataan at mamamayan na dinggin ang hamon ng kasaysayan at panahon na piliin ang hindi pangkaraniwang landas ng paglalaan ng buong buhay at kagalingan para sa rebolusyon. Ngayon, higit kailanman, tayo ay hinihimok ng pagkakataon na tanganan ang armas na nabitawan ng mga kabataang martir na nakibaka tungo sa hustisyang panlipunan.
Walang anumang pangyuyurak sa estado o kasinungalingan ng reaksyunaryo ang makabubuway sa alaala at markang iniwan ng mga kasama sa bawat kabataan, manggagawa, at magsasaka na nasaksihan ang kanilang rebolusyunaryong pag-unlad, sigasig, at puspusang pakikibaka. Titiyakin nating hindi malaon ay darating ang araw ng paniningil sa rehimeng Duterte, at lahat ng rehimeng nagdaan, sa karahasan at pasismo nito!
Tungkulin ng mga kabataang pagkaisahin sa pulitika ang pinakamalawak na hanay ng mga mamamayan, pandayin ang kamulatan ng malapad na base, patibayin ang ating organisasyon, at dalu-daluyong na sumapi sa armadong pakikibaka ng Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan!
Sa gitna ng panlulumo, takot, kalungkutan, at pangamba, walang ibang landas pasulong kung ‘di ang tuloy-tuloy na pagpuna, pagwawasto, paninindigan, at lalong pagpapatatag sa ating rebolusyunaryong pagpapasya.
Mula sa mga salita ng dakilang gurong si Mao Zedong hinggil sa Paglilingkod sa Sambayanan: “Ang lahat ng tao ay tiyak na mamamatay, ngunit ang kamatayan ay maaaring mag-iba ng kabuluhan. Ang mamatay alang-alang sa sambayanan ay higit na mabigat kaysa Bundok Tay, subalit ang maglingkod sa mga pasista at ang mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa balahibo.”
Ipinamalas nina Ka Ara, Ka Kiko, at Ka Kira ang buhay at pakikibakang higit na mabigat sa bundok Tay—bigat na dadalhin sa alaala ng bawat Kabataang Makabayan sa patuloy at papataas na pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon tungo sa pagbubukang liwayway ng mapulang sosytalistang bukas.
Mabuhay sina Ka Kira, Ka Kiko at Ka Ara—mga martir ng kabataan at sambayanan!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Kabataan, walang ibang landas kundi patungong kanayunan, sumapi sa NPA!