Pulang Pagbati sa Araw ng mga Puso!
Sa Araw ng mga Puso, ipinagdiriwang natin ang pag-ibig na hindi makitid, hindi makasarili, at hindi duwag—
pag-ibig na handang lumaban, mag-alay, at magsakripisyo para sa bayan at sambayanan.
Ito ang pag-ibig na nakaugat sa katarungan, pinanday sa pakikibaka, at pinatatag ng kolektibong pagkilos ng mamamayan.
Sa harap ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, malinaw ang paninindigan:
ang tunay na pag-ibig ay ang walang pag-aatubiling paglilingkod sa inaaping masa, na unang minahal natin.
Pag-ibig ang nagtutulak sa atin na tumindig kasama ng magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, at maralita—pag-ibig ang nagpapaalab sa ating loob upang hindi manahimik, hindi umurong, at hindi sumuko para sa buhay na ganap at kasiya-siya para sa lahat.
Kaya sa araw na ito, itaas natin ang panawagan:
Paglingkuran ang Bayan at Sambayanan!
Isulong ang pakikibaka ng mamayan,
Magpalawak ng kasapian ng Christians for National Liberation!
Palakasin ang hanay, patatagin ang organisasyon, at gawing kongkreto ang pag-ibig sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Ang ating pag-ibig ay hindi salita lamang, ito ay gawa, ito ay disiplina, ito ay rebolusyonaryong paninindigan.
Lumahok at sumuporta sa Pambansang Demokratikong Rebolusyon na may Sosyalistang Perspektiba!
Dahil ang pag-ibig na tunay ay nagtatagumpay lamang kapag ang bayan ay malaya.
Pag-ibig na may palaban.
Pag-ibig na may lakas at pag-asa
Pag-ibig na handang magpalaya at magsilbi sa masa