Sa gitna ng korapsyon at kahungkagan ng rehimeng Marcos Jr, umusbong ang Kabataang Makabayan-Liliosa Hilao
Sa panahong tumitindi ang kawalang pananagutan sa isyu ng korapsyon at sa umiigiting na kasukdulan ng burukrata kapitalismo sa bansa, hindi mapagkakailang may mga uusbong na mga panibagong kabataang rebolusyonaryo. Isa na rito ang mapangahas na pagtatayo ng bagong balangay ng Kabataang Makabayan-Liliosa Hilao. Buong tatag na naninindigan laban sa bulok na sistemang nagpapahirap sa sambayanang Pilipino, partikular sa pagsulong ng alternatibong pagbabago ng lipunan na karapatan ng bawat kabataan-estudyante. Pinangalanan ang balangay upang bigyang giting ang kahilingan ng kauna-unahang martir sa hanay nito na si Ka Nika ng Mindoro, kung saan pinangarap niyang makapagtayo ng isang balangay halaw kay ‘Liliosa Hilao,’ na nagsilbing insipirasyon niya sa pagkilos noong siya’y namumulat.
Dinaranas ng kabataan ang matinding kabulukan ng pamahalaan sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr, mula sa bilyun-bilyong pisong nakaw na pondo sa mga kontrobersyal na proyekto, hanggang sa patuloy na pagpapahirap sa masa sa pamamagitan ng mababang sahod, mataas na buwis, pahirap na sistemang edukasyon, at kawalan ng disenteng serbisyo publiko. At sa gitna ng kadilimang ito, may mga pwersa pang nagkukunwaring “progresibo” ngunit sa totoo’y nagtataguyod lamang ng kanilang pansariling interes na nagsisilbing panakip-butas sa bulok na sistema. Ang mga mapagpanggap na progresibong samahan at mga repormistang grupo ay nag-aalok ng ilusyon ng pagbabago sa pamamagitan ng eleksyon at parlyamentaryong pakikibaka, ngunit sa esensya ay nakikipagsabwatan sa naghaharing uri upang mapanatili ang kanilang pribilehiyo at posisyon sa loob ng sistema. Sila ang nagpapalabo sa tunay na kalagayan ng lipunan at naglalayo sa masa mula sa rebolusyonaryong solusyon.
Kaya’t sa gitna ng ilusyong ito ng ‘pag-asa’ mula sa mga pseudo-progresibong grupo o politiko, pinapanata ng KM-Liliosa Hilao ang tuloy-tuloy na paglalantad at aktibong lalabanan ang kanilang bulok na pamamaraang mas lalong pinapalayo ang kabataan sa katotohan at pagsandig sa masa’t sa rebolusyon!
Ngayong SONA ni Marcos Jr, hindi na bago sa pandinig ng mga kabataan kung muli niyang ipagmamalaki ang kanyang mga kasinungalingan sa kung ano ang kalagayan ng mga kabataan at ng iba pang sektor ng ating lipunan. Sa likod ng taun-taong mabulaklak na salita ay di maitatangging patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino sa ilalim ng kanyang hungkag na rehimen. Siya ang dapat mahiya sa mamamayan dahil sa kawalang aksyon niya sa paglala ng krisis na bumabalot sa ating lipunan! Lantad na ang katotohanang ang korapsyon ay hindi aberya ng sistema, kun’di ang mismong repleksiyon kung paano gumagana ang burukrata kapitalismo, kung saan ang estado ay ginagawang negosyo ng mga nasa kapangyarihan upang pagyamanin ang kanilang sarii at ang kanilang mga kroni sa kapinsalaan ng nakararaming Pilipino.
Bunga ng kabulukang ng estado ang hindi mapipigilang pag-usbong ng mga bagong salinlahi na magmamana ng rebolusyon!
Hindi sapat ang eleksyon. Hindi sapat ang impeachment. Hindi sapat ang pagpapalit ng mga pangalan sa pwesto. Ang mga ito ay estratehiya lamang ng mga naghaharing uri na sama-samang sumisipsip sa dugo ng mamamayan at inaapula ang rebolusyonaryong apoy ng sambayanang Pilipino. Ang tunay na pagbabago ay hindi nagmumula sa mga reporma o mga iskema ng estado kundi sa organisado at mulat na pagkilos ng masa—mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, at iba pang inaaping sektor na nagkakaisa upang wakasan ang sistemang ito.
Pinapanata naming ipagpatuloy ang matapang na pamana ng giting ng mga kabataang nagbuwis ng buhay para sa tunay na kalayaan at demokrasya, partikular ng mga ehemplo naming mga kabataang aktibista at mananaliksik tulad nila Jerlyn Doydora at Alyssa Alano, mga aktibista sa lungsod na tumungo sa kanayunan upang alamin ang kalagayan ng kanilang minamahal na masa, maging sa aming pangunahing inspirasyon na si Liliosa Hilao, isang kabataang kababaihan na nangahas na lumaban sa diktadura ni Marcos Sr at pinaslang sa ilalim ng pasistang rehimeng Marcos Sr, na ang dugo ay nagsilbing binhi ng paglaban ng kabataan laban sa paniniil.
Naninindigan ang Kabataang Makabayan–Liliosa Hilao na ang Demokratikong Rebolusyong Bayan ang tanging solusyon sa mga pundamental na problema ng sambayanang Pilipino! Ito ang magtatatag ng isang lipunang malaya, para sa isang kinabukasang malaya’t mapagpalaya na nararapat lamang matamasa ng bawat kabataan!
Primaryang layunin ng KM-Liliosa Hilao na hikayatin ang kabataang Pilipino na tumungo sa kanayunan, makipamuhay at alamin ang kalagayang ng masang anakpawis, at unawain kung bakit may buong tapang na pumipiling tahakin ang landas ng armadong pakikibaka na tanging paraan upang wakasan ang Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata Kapitalismo. Tumangan ng armas at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, maging bahagi ng pakikibaka’t pakikipamuhay, hanggang sa ganap na tagumpay!
Kabataan, pag-aralan ang lipunan! Tumangan ng armas! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Digmang Bayan, tanging sagot sa korapsyon at kahirapan!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!
Mabuhay ang Kabataang Makabayan–Liliosa Hilao!