Siyentista, wakasan ang imperyalistang gera sa Iran! Tupukin ang tuta, pahirap, at pasistang rehimeng US-Marcos sa apoy ng rebolusyong bayan!
Nitong nakaraan ay binalot ng ligalig ang mamamayang Pilipino sa sunod-sunod na anunsyo ng pagtaas ng produktong petrolyo tulad ng diesel na sasampa ng PHP 80, at gasolina na tataas ng PHP 90 kada litro. Ang pagtaas ng mga ito ay magiging ugat din ng pagtaas ng iba pang nesesidad sa lipunan tulad ng pagkain, tubig, kuryente, at iba pa, tulad ng pamasahe. Said na ay lalo pang binabaon sa hirap ang masang Pilipino.
Ang napipintong krisis sa ekonomiyang ito ay bunsod ng panggegera ng Estados Unidos (EU) sa Iran. Nitong Pebrero 28, 2026, unang nagsagawa ng dalawa ng serye ng missile at air strikes ang EU sa Minab, Southern Iran, na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 180 na Iranian na batang babaeng edad 7–12 at sa dating Supreme Leader ng Iran na si Ali Khamenei.
Sa kabila ng pagpapalabas ng EU na para sa paglansag sa nuclear program at pagpapahina sa militar at ‘di umanong mga teroristang grupo sa Iran ang pag-atake nito, pinasinungalingan ng sarili mismo nitong record ang huwad nitong pagrepresenta sa sarili bilang tagapagtaguyod ng “kapayapaan” sa mundo. Ang EU at Israel, taliwas sa paglilinis-linisan ng mga ito, ay duo sa pagpaslang ng mga inosenteng sibilyan at pandarambong sa likas yaman ng iba’t ibang bansa, at paggamit ng teknolohiya para manggera.
Mula Pilipinas hanggang Iran na malapit sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo, pinatutunayan ng matanda na at madugong rekord ng EU ang lantaran nitong paglalaway sa kapangyarihan at likas na yaman ng mga bansa sa mundo.
Sa Pilipinas, lalong pinagnanaknak ng EU ang sugat na iniwan nito sa ating soberanya. Tila hindi nakukuntento ang numero unong imperyalista sa pagpapahirap sa ating bayan. Mula panghihimasok sa ating bansa nang matalo natin ang kolonyalistang Espanya, hanggang sa pagtatayo ng baseng EDCA sa kasalukuyan—ang galamay ng imperyalistang EU ay patuloy na ginagatasan ang ating likas yaman, lakas paggawa, at minamanipula ang politika at kapangyarihan sa ating bansa. Pinanatili tayong dependyente sa kanilang gawang produkto, habang naghihirap at walang sariling industriya ang ating bansa.
Habang lugmok at lalo pang malulugmok sa hirap at krisis pang-ekonomiya ang masang Pilipino, nanatili namang inutil ang gobyernong Marcos Jr. Sa kabila ng paghihirap ng kaniyang mamamayan, walang ibang inuna kundi pagpapakitang tao si Marcos Jr., sa pag-aastang tatanggalin ang excise tax, pero hindi ang VAT na kasalukuyang nasa 12% at dagdag pabigat sa bulsa ng masa, dahil sa bilyon-bilyong kinikita ng rehimen dito.
Sa pagiging gahaman ng rehimeng US-Marcos, at walang pakundangan nitong desperasyon upang manatili sa kapangyarihan, patuloy itong nagbibingi-bingihan sa kabayaran ng kanilang pasismo, pagpapahirap, at panggegera sa taumbayan.
Kaya naman sa unti-unting pagkatupok ng Estados Unidos, kasama ng tutang rehimeng Marcos Jr., sa sarili nitong sinilabang apoy, lalong sumisibol ang hinog na kondisyon upang mas paigtingin pa ang pagsulong sa digmang bayan.
Ang Liga ng Agham Para sa Bayan (LAB), sa lumalalang pag-atake at gerang agresyon ng hari-hariang Estados Unidos sa Iran, ay lubos na nakikiisa sa paglaban ng Iran sa imperyalistang EU at tumitindig kasama ng mamamayang Pilipinong galit at sawa na sa pahirap na sistema. Hamon sa mga siyentista, inhenyero, at makakalikasan na suportahan ang mga kagyat na pangangailangan ng mamamayan sa ilalim ng krisis ekonomiya. Lalong paingayin ang panawagan at kampanyang nagbubulgar sa deka-dekada nang pagpapahirap sa atin ng imperyalismong EU. Buhayin natin ang kanilang galit, na inilibing sa kultura ng pananahimik na kinintal din ng EU sa kanilang isip. Gamitin natin ang ating talino, husay, at kakayahan upang maglunsad ng mga diskusyon at iba pang porma ng epektibong kampanya at suporta sa masa.
Tanganin din natin ang hamon sa patuloy na pag-oorganisa at pagpalawak ng ating hanay. Bahagi nito ang paglabas sa mga komportable nating opisina, laboratoryo, at iba pang espasyo, pagtungo sa lansangan, walang pagod na mag-protesta, at magtungo sa kanayunan, makipamuhay sa masa.
Kadugtong din nito ang pagtugon sa pangmatagalang solusyon sa krisis na kinakaharap ng ating bayan. Isulong ang pambansang industriyalisasyon, tunay na reporma sa lupa, na magreresolba sa ating kawalan ng kakayahang suportahan ang sariling ekonomiya at nagbibigay daan din sa pag-alpas natin sa imperyalistang EU na walang pakundangang nandarambong ng ating likas yaman. Para sa pangmatagalang pagbabago ng sistema ay isulong ang digmang bayan. Magtungo sa kanayunan, tumangan ng armas, at walang pag-iimbot na tahakin ang landas ng pinakamataas na porma ng pakikibaka. Pasiklabin pa natin ang umiiral nang rebolusyong bayan, at unti-unting lunurin ang Estados Unidos sa sarili nitong pinadanak na dugo.
Sama-sama nating gapiin ang numero unong kaaway ng bayang lumalaban sa daigdig. Wakasan ang imperyalismong Estados Unidos!
Wakasan ang tuta, pahirap, at pasistang rehimeng US-Marcos!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan na may sosyalistang perspektiba!
___
Kontribusyon mula sa isang selula ng LAB