Articles tagged with Privatization

Taas-singil sa tubig, bunga ng kainutilan ng gubyerno
December 15, 2023

Dismayado ang mga maralita sa anunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na inaprubahan nito ang pagtataas sa singil ng mga pribadong kumpanya sa tubig na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc sa darating na Enero 2024. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang pagtaas ng presyo ng mga batayang […]

Pribatisadong serbisyong patubig sa Bulacan, binatikos
December 12, 2023

Nagprotesta sa harap ng upisina ng Water District sa Barangay Minuyan III, San Jose del Monte, Bulacan ang mga kasapi at tagasuporta ng Alliance for Consumers Protection (ACP)-CSJDM noong Disyembre 11 para batikusin ang pangit na serbisyo at patung-patong pang mga singilin nito sa mga konsyumer. Isinapribado ang serbisyong patubig simula noong Mayo 2018 nang […]

Pamasahe sa LRT, nakatakdang itaas
January 12, 2023

Sa gitna ng nagmamahalang presyo ng pagkain, mataas na singil sa kuryente at tubig at pagbabalik ng pamasahe at pribatisasyon ng sistemang bus sa EDSA, itataas naman ngayon ng rehimeng Marcos ang pamasahe sa LRT. Ibinalita noong Enero 11 na inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dagdag pamasahe sa LRT 1 […]

Dagdag buwis sa tubig dulot ng pribatisasyon sa Bacolod, pinatatanggal
January 06, 2023

Sumugod at nagprotesta ang mga grupong AMLIG-Tubig at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros sa Bacolod Government Center noong Enero 4 ng umaga para igiit kay Bacolod City Mayor Albee Benitez na tanggalin ang 12% Value-added tax sa yutilidad na tubig na siningil matapos ang pribatisasyon ng Bacolod City Water District (Baciwa). Ang Baciwa ay pumasok sa […]

“Aberya” sa NAIA, idadahilan sa pribatisasyon
January 02, 2023

Nasa 65,000 byahero ang naperwisyo dulot ng isang aberya (“glitch”) sa airport tower control at pagkawala ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1. Umabot sa 300 flight o takdang biyahe ng eroplano, lokal at internasyunal, ang nabalam dahil dito. Ayon sa mga upisyal ng paliparan, sabay na pumalpak pangunahin at sekundaryo […]

Pribatisasyon ng EDSA bus carousel, tinutulan
January 02, 2023

Nagpahayag ng pagtutol si Deputy Minority Leader at kinatawan ng ACT Partylist na si France Castro kaugnay sa planong pribatisasyon ng EDSA bus carousel nitong 2023. Aniya, magiging dagdag-pasanin ito ng mga komyuter dahil tiyak ang pagtaas ng pamasahe kapag inilipat sa pribadong sektor ang pagmamay-ari at operasyon nito. Gayunpaman, inilinaw niya na kasabay ng […]

Maliliit na tindahan sa Carbon Public Market, dinemolis
July 17, 2022

Sinugod sa Unit II ng Carbon Public Market at giniba ng mga tauhan ng lokal na gubyerno ang mga tindahan sa Carbon Public Market sa Cebu City noong Hulyo 15. Kaugnay ito ng isasagawang pribatisasyon sa naturang palengke na pinangangasiwaan ng Megawide Construction Corporation katuwang ang lokal na gubyerno. Hindi bababa sa 80 pwesto ang […]