Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Manindigan Para sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo

III. Ang Proseso ng Kapitalistang Pagpapanumbalik

Ang Ikatlo at Huling Yugto: Ang Rehimeng Gorbachov, 1985-91

Read in English Basahon sa Hiligaynon
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>

Armando Liwanag, Tagapangulo, Partido Komunista ng Pilipinas

Enero 15, 1992


"Glasnost"

Ang pangunahin at esensyal na nilalaman ng "glastnost" (pagiging bukas) ay ang pangangalandakan ng antikomunistang propaganda. Ang larangan ng propaganda ay monopolisado ng antikomunismo. Ito ay ipinakita sa iba't ibang paraan, makabagong rebisyunista, sosyal-demokratiko, burges-liberal, populista, nasyunalista, pasista, relihiyoso, rasista at purong sinikal na mga termino. Ang pluralismo ng mga antikomunistang ideya, kabilang na ang mga pinaka-antidemokratiko ay isinalarawan bilang demokrasya.

Subalit ang susing ideya sa laot ng antikomunistang propaganda ay ang pagtangkilik sa kapitalismo at liberalismong burges. Inatake ni Gorbachov si Stalin upang pasaring na maatake si Lenin, ang Marxista-Leninistang teorya at ang buong kurso ng kasaysayang Sobyet. Ngunit ang kanyang mga alipures ay lantarang inatake ang lahat ng mga ito sa buong kurso ng panahon ni Gorbachov.

Matapos patalsikin ang mga alipures ni Brezhnev sa Politburo, palitan sila habang naglalakbay sa labas ng bansa, sipain sila sa mas mababang antas ng Partido at burukrasyang pang-estado, lumaro si Gorbachov bilang tagapamagitan sa pagitan ng "konserbatibong" si Ligachev na tinanggap ang "perestroika" pero hindi ang "glasnost" at ang "progresibong radikal" na si Yeltsin na lubusang sumalig sa "glasnost" at "perestroika". Kasunod nito, ginamit niya si Ligachev noong 1987 upang patalsikin si Yeltsin mula sa Politburo upang hayaan siyang maging patuloy na kasangga niya sa pag-atake sa CPSU mula sa labas.

Noong 1989, nagkaroon siya ng isang bagong Kongresong Sobyet ng mga Diputado ng Bayan na dominado ng mga antikomunistang intelihensya na sa simula ang karamihan ay mga komunista sa pormalidad ngunit sa kalaunan ay magdedeklarang sila ay mga dating komunista at kahit antikomunista. Mula sa simula kabilang na sa kongreso ang mga prominenteng mga antikomunista sa matagal na panahon.

Noong maagang bahagi ng 1990, ginamit ni Gorbachov ang kongreso para tanggalan ng kapangyarihan ang CPSU at upang mabigyan siya ng awtokratikong kapangyarihang pampanguluhan. Sa huling hati ng 1990 pumustura siyang kumakatig sa "mga konserbatibo" sa CPSU at sa estado laban sa "mga progresibong radikal" na sina Yakovlev at Schevarnadze. Ngunit kaalinsabay nito isinalang niya sa isang reperendum ang soberanya ng Unyong Sobyet noong maagang bahagi ng 1991.

Ang popular na boto sa reperendum ay para sa pagpapanatili ng Unyong Sobyet. Ngunit sa muli sumang-ayon siya sa mga nasyunalistang pwersa sa iba't ibang republika upang gumawa ng bagong "tratadong pang-unyon" na ang mga probisyon (tulad ng pagkakaroon ng mga magkakahiwalay na hukbo at salapi, at iba pa) ay nangahulugan ng paglansag sa Unyong Sobyet. Sa panahong ito bago ang sinasabing kudeta upang iligtas ang Unyong Sobyet, inihayag ni Gorbachov na maling idiin ang papel ng proletaryado at lulusawin niya ang CPSU at itatayo niya ang isang sosyal-demokratikong partido.

Bagamat ang sinasabing kudeta ng mga hinirang ni Gorbachov mula Agosto 19 hanggang 22, 1991 ay inilunsad lamang ng ilang nagpakana na siyang naging katangian nito, nagsabwatan sina Gorbachov at Yeltsin sa paggamit nito bilang dahilan upang lusawin ang buong CPSU at ang Kongresong Sobyet ng mga Diputado ng Bayan. Bagamat nananatiling nakatayo ang Konstitusyong Sobyet at ang Unyong Sobyet at si Gorbachov mismo ay manunungkulan pa bilang pangulo hanggang 1995, iniutos niyang lusawin ang Unyong Sobyet at nagbitiw siya upang bigyang daan ang isang komonwelt ng mga independyenteng estado (KIE) na nasa antas pa lamang ng plano. Sa ganito, habang ipinangangalandakan ang islogan ng demokrasya, ang mga antikomunistang sina Gorbachov at Yeltsin ay awtokratikong naglabas ng mga dekreto at ginawa ang pinaka-antidemokratikong mga hakbangin.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.