Ispesyal na pagtrato kay Palparan sa bilangguan
NAGHAIN NG MOSYON ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa Regional Trial Court of Malolos City, Branch 15 noong Pebrero 18 para ipatigil ang ispesyal na pagtrato kay Palparan at pawiin ang anumang mga ispesyal na pribilehiyong ibinibigay sa kanya. Ayon sa NUPL, matagal nang nakapiit si Paparan sa Directorate for Reception and Diagnostics (DRD) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, isang pasilidad na hindi maaaring pagpiitan ng mga bilanggo ng higit sa 60 araw. Ayon sa NUPL, si Palparan ang nagsisilbing mayor sa mahigit 1,500 bilanggo sa DRD. Isiniwalat din nito na pinapayagan si Palparan na gumamit ng kompyuter, internet at binibigyan ng iba pang pribilehiyo na bawal sa ibang bilanggo.
Iginiit ng NUPL na dapat pagbayaran ni Palparan ang kanyang mga krimen. Hinatulan ng reaksyunaryong korte si Palparan ng habambuhay na pagkakabilanggo kaugnay ng pagdukot, pagdetine at pagtortyur sa estudyanteng aktibista na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.