Mga opereytor at drayber ng dyip, nagprotesta

,

SA PANGUNGUNA NG Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), naglunsad ang mga drayber at opereytor ng dyip ng pambansang koordinadong pagkilos noong Pebrero 17. Ipinahayag nila ang kanilang pagtutol sa nalalapit nang pagpapatupad ng korporatisasyon ng mga dyip sa buong bansa.

Nagsagawa ng programa ang mga lokal na samahan ng mga drayber sa Pampanga, Iloilo, Baguio at Legazpi City. Sa Davao City, itinatag naman ng mga drayber at opereytor ang Dabawenyo Kontra Jeepney Phaseout Coalition noong Pebrero 18.

Mga opereytor at drayber ng dyip, nagprotesta