Ga­lit at da­ma­yan sa pa­na­hon ng lockdown

,

Hin­di na­pi­gi­lan ng lockdown ang pag­sam­bu­lat ng ga­lit ng ma­ma­ma­yan sa mga ka­pal­pa­kan ng re­hi­men sa pag­ha­rap ng kri­sis ng pan­dem­yang Covid-19.

Noong Abril 1, nagpro­tes­ta ang mga re­si­den­te ng Sit­yo San Roque sa Ba­ra­ngay Ba­gong Pag-a­sa, Quezon City pa­ra ipa­na­wa­gan ang kag­yat na sub­sid­yong pag­ka­in. May ha­los 6,000 re­si­den­te ang San Roque na ka­ra­mi­ha’y mga ma­la-mang­ga­ga­wa na umaa­sa sa ara­wang ki­ta. Ma­ta­gal nang tinatangka ng lokal na pamahalaan dito na palayasin sila sa lu­gar pa­ra big­yan-da­an ang pag­ta­ta­yo ng mga mall at iba pang gu­sa­ling komersyal.

Imbes na tu­gu­nan, ma­ra­has na di­nis­pers ng mga pu­lis ang ma­pa­ya­pang pag­ki­los at ina­res­to ang 21 ra­li­yis­ta. Idi­ne­ti­ne si­la at pi­nag­ban­ta­ang hin­di pa­ka­ka­wa­lan hang­gang hin­di ma­ta­pos ang lock­down. Sa isang na­ka­bid­yong pa­­ha­yag ni Du­ter­te ki­na­ga­bi­han, inu­tu­san niya ang PNP na ba­ri­lin ang si­nu­mang “la­la­ban.” La­long pi­nag-a­lab ng kau­tu­sang ito ang ku­mu­ku­long ga­lit ng ma­ma­ma­yan.

Tu­mam­pok sa social me­dia ang pa­na­wa­gang #OustDu­ter­teNow (Patalsikin na si Duterte) pag­ka­ta­pos ng kanyang talumpati. Ma­ra­ming ar­tis­ta at ki­la­lang per­so­na­li­dad ang na­kii­sa sa pa­na­wa­gan at nag­pa­da­la ng ayu­da sa mga maralita. Marami ang nag-ambag para makalikom ng pampyansa ng mga ina­res­to (P15,000 ka­da isa o P315,000). Na­pi­li­ta­n ang pulis na palayain ang 21 no­ong Abril 6. Gayunpaman, mu­ling sina­lakay ng PNP ang komu­nidad sa pa­re­­hong araw. Ma­rahas nilang bi­­nu­wag ang iti­nayo ng mga res­idente na ko­mu­nal na kusina.

Sa parehong araw, binuwag ng mga pu­lis ang barikada ng resi­dente ng Ba­rangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya. Hinarang ng taumbayan ang fuel tanker na ipinupuslit ng Ocea­na­Gold. Liban sa pagbabawal ng lockdown, iligal ang ope­rasyon ng OceanaGold dahil may kautusan laban dito ang lokal na pamahalaan.

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mamamayan para mana­wa­gan ng kagyat na ayuda. Sa Iloilo, nagprotesta ang mga residente sa ha­rap ng himpilan ng DSWD Re­gi­on VI noong Abril 3. Sa Ca­ma­ri­nes Nor­te, ki­na­lam­pag naman ng mga dray­­ber ng tray­si­kel ang upi­si­na ni Gov. Edgar­do Tal­la­do.

Da­la­wang be­ses na­mang su­mu­god (Marso 24 at April 2) ang mga re­si­den­te ng Ba­ra­ngay Muzon, Tay­tay, Rizal sa ba­ra­ngay hall pa­ra igi­it na big­yan si­la ng ayu­da.

Pro­tes­tang online

Idi­na­an sa in­ter­net ng ma­ra­ming sek­tor, la­lu­na ng ka­ba­ta­an at mga pro­pe­syu­nal, ang ka­ni­lang ku­mu­ku­long ga­lit la­ban kay Du­ter­te dahil ba­wal ang pag­la­bas sa ba­hay at mga pag­ti­ti­pon. Tu­luy-tu­loy ang ka­ni­lang pag­ba­ti­kos sa re­hi­men sa kai­nu­ti­lan ni­tong big­yan ng sa­pat na ka­ga­mi­tan tu­lad ng mga face mask, ther­mal scan­ner at per­so­nal pro­tective equip­ment (PPE) ang mga mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan.

Binatikos nila sa social me­dia ang pagbibigay prayoridad sa pag­pa­pa­ek­sa­men ng mga se­na­dor at kong­re­sis­ta sa git­na ng ka­sa­la­tan sa mga tes­ting kit. Lu­ma­ga­nap ang mga pana­wagang #No­toVIPTes­ting at #MassTes­tingNowPH, at igi­ni­it ng mama­mayan na da­pat bi­g­yan ng pra­yo­ri­dad ang mga duk­tor at nars, ga­yun­din ang mga hi­ni­hi­na­lang positibo sa Covid-19. Ba­ha­gi ng ba­ta­yang mga hak­bang na ini­re­ko­men­da ng World Health Orga­niza­ti­on ang pag­sa­sagawa ng mass tes­ting o mala­wakang pag-eeksamen sa mga tao. Nag-a­nun­syo ang re­hi­men na mag­sa­sa­ga­wa ng mass tes­ting mu­la Abril 14 pe­ro pa­ra la­mang sa mga taong may sintomas ng sakit at mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan.

Tu­mam­pok din ang #Na­sa­an­Ang­A­yu­­da pa­ra si­ngi­lin ang rehimen sa ma­ba­gal na distribusyon at li­mi­ta­dong tu­long pi­nan­sya­l.

Hin­di rin ni­la pi­na­lam­pas ang pang­gi­gi­pit ng mga tau­han ni Du­ter­te kay Vice Pre­si­dent Le­ni Rob­re­do at Ma­yor Vico Sot­to ng Pa­sig na, ta­li­was sa pam­ban­sang gub­yer­no, ay kap­wa hi­na­nga­an da­hil sa pagkaka­wang­ga­wa sa mga mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan at mga pi­na­hi­ra­pan ng lockdown. Ma­la­wak na su­por­ta rin ang na­tang­gap ni Atty. Chel Diok­no, na nag­bo­lun­tar­yong magbigay ng serbisong ligal sa mga inii­pit ng NBI, nang ba­ti­ku­sin at kutyain siya ni Du­ter­te.

Tumampok noong Abril 5 ang #Defend­Press­Freedom bi­lang pag­tatang­gol kay Jos­hua Mo­lo, editor-in-chief ng Dawn, pa­ha­ya­gang es­tudyante ng Uni­versity of the East. Binan­taan si Molo na iku­kulong kung hindi siya humingi ng ta­wad kaugnay sa kanyang mga kon­tra-Duterte na pahayag sa Facebook.

Da­ma­yan sa pag­sug­po sa Covid 19

Da­hil hin­di ram­dam ang ayu­da ng gub­yer­no, bu­hos ang pag­si­si­kap ng iba’t ibang gru­po at in­di­bid­wal pa­ra mag­bigay ng tu­long sa mga mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan at mga ma­ra­li­ta. Ito ay ha­bang pi­nag­si­si­ka­pan ng lo­kal na mga upi­syal ng gub­yer­no na pag­ka­sya­hin ang li­mi­ta­dong re­kur­so sa pag­ha­rap sa pa­nga­ngai­la­ngan ng mga re­si­den­te.

Sa pamamagitan ng kam­pan­yang #Ba­ra­ngayDa­ma­yan na ini­sya­ti­ba ng Ka­da­may, nam­ama­ha­gi ang gru­po ng re­lief goods sa iba’t ibang ma­ra­li­tang ko­mu­ni­dad. Pi­na­ngu­na­han ng Ki­lu­sang Mag­bu­bu­kid ng Pi­li­pi­nas ang Sa­gip Ka­na­yu­nan upang ma­ka­tu­long sa mga mag­bu­bu­kid ng Ba­ta­ngas at Bu­lacan. Inilunsad din nito ang kampanyang Bag­sak-Ahon Gu­lay Sa­le kung saan ang mga ina­ning gu­lay ng mga mag­sa­sa­ka sa Bu­lacan ay ibi­ne­ben­ta on­li­ne. Na­­ma­ha­gi rin ng ayu­da ang Ki­lu­sang Ma­yo Uno sa mga mang­ga­ga­wa sa Ca­lo­ocan at Que­zon City sa pama­ma­gi­tan ng kampanyang #Tu­long­Ob­re­ro.

Mu­la sa na­kulek­tang mga do­na­syo­n, na­ma­ha­gi ng mga iso­la­ti­on tent si Angel Locsin sa iba’t ibang os­pi­tal sa Luzon pa­ra ma­ka­tang­gap pa ang mga ito ng dag­dag na mga pa­sye­nteng may sin­to­mas ng Covid-19. May ka­ni-kan­ya ring pag­si­si­kap ang iba pang mga ar­tis­ta at manggagawa pa­ra ma­kalikom ng tu­long.

Ma­ra­ming Pi­li­pi­no ang hu­mu­got sa ka­ni­lang mga bul­sa pa­ra tu­mu­long mag­pa­ra­mi ng mga face mask at iba pang pa­nga­ngai­la­ngan ng mga os­pi­tal. Nami­gay ng lib­reng lu­tong pag­ka­in ang mga res­to­ran, ka­rin­der­ya at or­di­nar­yong ma­ma­ma­yan. Ang mga may sa­sak­yan ay nag-a­lok ng mga lib­reng sa­kay, lib­reng de­li­beri at iba pang ser­bi­syo.

Ga­lit at da­ma­yan sa pa­na­hon ng lockdown