Dr. Edberto Villegas, 80
Pinarangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas at iba’t ibang progresibong grupo at indibidwal si Dr. Edberto Villegas, isa sa pinakamasigasig na patriyotiko, kampyon ng anti-imperyalismo at rebolusyonaryong intelektwal sa bansa. Pumanaw siya sa edad na 80 matapos na dumanas ng stroke noong Setyembre 7. Kabilang siya sa mga nagtatag sa Kabataang Makabayan noong 1964.
Siya ay dating propesor ng University of the Philippines-Manila at De La Salle University. Bilang isang rebolusyonaryong intelektwal, masugid niyang binatikos ang mga patakarang neoliberal at mga programa ng mga teknokrata ng World Bank sa Pilipinas na nagpapanatili sa atrasadong kalagayan ng bansa. Marami siyang isinulat na libro na naglantad sa iba’t ibang mukha ng imperyalistang pang-aapi at pagsasamantala.