Demolisyon sa gitna ng pandemya, nagbabadya

,

Nagpiket ang mga residente ng Barangay 654 sa Intramuros, Manila sa harap ng nagbabadyang pagdemolis sa kanilang mga tahanan noong Setyembre 24. Bilang tugon, nagdeploy si MGen. Debold Sinas ng mga pulis sa lugar kinagabihan para supilin ang paglaban ng mga residente.

Sa Tondo, aabot sa 5,000 residente ang nakatakdang palayasin sa kanilang mga bahay sa Katuparan Housing Project sa Vitas, Tondo, Manila. Una nang nakatanggap ng pabatid ang mga residente noong Setyembre 1 na nagpapaalis sa kanila sa lugar sa loob ng 15 araw.

Demolisyon sa gitna ng pandemya, nagbabadya