Panukalang batas sa US, haharang sa ayudang militar

,

Ikinalugod ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang panukalang Philippine Human Rights Act na inihain sa US Congress ni Rep. Susan Wild noong Setyembre 17. Layunin ng panukalang batas na harangin ang pagpopondo ng US sa militar at pulisya ng Pilipinas dahil sa malawakang paglabag ng mga ito sa karapatang-tao.

Tinawag ni Wild na “brutal” ang rehimeng Duterte, na ayon sa kanya ay “pinatitindi ang pagtarget sa mga unyonista, mga manggagawa at karibal sa pulitika” nito. Suportado ng 24 iba pang mambabatas sa US ang panukalang batas.

Ang Pilipinas ang pinakamalaking tumatanggap ng ayudang militar ng US sa East at Southeast Asia sa nakaraang apat na taon. Tumanggap na ng $554 milyong ayudang militar ang rehimeng Duterte mula 2016.

Panukalang batas sa US, haharang sa ayudang militar