Hustisya sa Lianga massacre, nakamit

,

Patay sa labanan sa pagitan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Surigao del Sur at grupong paramilitar na Magahat-Bagani noong Oktubre 4 si Hawudon Jumar Bucales at dalawa pa niyang kasama. Tinambangan ng mga Pulang mandirigma ang grupo ni Bucales sa Sityo Mamsapranon, Barangay Banahao sa Lianga, Surigao del Sur. Si Bucales ang utak ng pagpatay kay Emerito Samarca, tagapangasiwa ng paaralang ALCADEV, at sa dalawang lider Lumad na sina Datu Bello Sinzo at Dionel Campos noong Setyembre 1, 2015.

Matapos ang limang taon, nakamit din ang hustisyang ipinagkait ng reaksyunaryong estado sa mga Lumad ng Lianga. Matapos ang masaker noong 2015, ginantimpalaan ng Armed Forces of the Philippines si Bucales ng pondo, negosyo at pusisyon. Hinirang siyang pekeng kinatawan ng mga Lumad at pinaupo sa konseho ng prubinsya. Ang Magahat-Bagani ay pinopondohan at pinatatakbo ng 3rd IB. Sangkot ang grupo sa mga operasyong kombat at pagpapasurender sa Lianga nitong nagdaang mga buwan.

Patay din sa pananambang ang kadre ng detatsment ng CAFGU, sa Barangay Pakwan, Lanuza noong Oktubre 3. Nasamsam mula sa kanya ang isang kalibre .45 pistola.

Hustisya sa Lianga massacre, nakamit