Palayain ang Palestine!

,

Libu-libo ang lumabas sa mga lansangan sa United States, Canada, United Kingdom, New Zealand at iba pang bahagi ng mundo para suportahan ang mamamayang Palestinian at kundenahin ang pambobomba ng Israel sa Gaza. Dala ng maraming grupo ang panawagang “Free Palestine!” o “Palayain ang Palestine!”

Sa United Kingdom, inokupa ng mga aktibista noong Mayo 19 ang isang subsidyaryong pagawaan ng armas ng Elbit Systems, na siyang nagsusuplay ng mga drone sa Israel at ginagamit laban sa Palestine. Idineklara naman ng Samidoun Palestinian Prisoner Solidarity Network ang Mayo 15-22 bilang Linggo ng Pakikibaka ng Palestine.

Sa US, nananawagan ang 140 mga organisasyon sa gubyernong Biden na pigilan ang pagpapalayas sa mga Palestinian sa East Jerusalem, kundenahin ang karahasan ng Israel sa Gaza at pigilan, gamit ang lahat ng paraan, ang mga krimen nito sa digma.

Palayain ang Palestine!