Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

 

Kabataan kontra taas-matrikula. Nagmartsa ang mga kabataan at estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ng Metro Manila tungong CHED sa Quezon City noong Abril 28. Ito ay bilang protesta sa napipintong pagtataas ng matrikula, sa pahintulot ng CHED, sa maraming pribadong unibersidad sa bansa.

Meralco, ganid sa tubo. Nagprotesta noong Mayo 5 ang mga kababaihan sa Meralco Business Center sa Kamuning upang iprotesta ang taas-singil sa kuryente na ipapataw ng kumpanya.

Tagumpay sa Globesco. Nagkamit ng dagdag ₱45/araw kada taon ang mga mangggagawa ng Globesco sa Quezon City matapos ang kanilang negosasyon noong Abril 18. Liban dito, nakakuha rin sila ng dagdag na mga benepisyo at alawans.

Mga protesta