2 tropa ng 91st IB, napatay sa isnayping ng BHB-Aurora

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Dalawang tropa ng 91st IB ang napatay sa operasyong isnayp ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Aurora noong Hunyo 3, bandang alas-9 ng umaga sa ilog ng Diamuloc sa Barangay Punglo, Maria Aurora, Aurora. Sa maagap na pag-uulat ng masa na may operasyong kombat ang militar, agad nakapusisyon ang mga Pulang mandirigma at napatamaan ang nag-ooperasyong mga tropa.

Ayon sa yunit ng BHB, “ang masa rin ang susi para maaral ng mga kasama ang kalupaan at posibleng ruta ng operasyon. Patunay ito sa walang maliw na pagmamahal at pagtataguyod ng masa sa hukbong bayan.”

Dahil sa kabiguan, walang pakundangang nagpaputok at nagpasabog ang militar sa lugar matapos ang insidente.

2 tropa ng 91st IB, napatay sa isnayping ng BHB-Aurora