ni Gaddar, Malayang Salin ni V. Sanggangbayan Ang Mga Anak ng Naxalbari [1]
Tinanong ng pulis ang apat na batang lalake ng ganito:
Alin ang inyong baryo, ‘toy?
Alin ang inyong lugar?
Alin ang inyong hukbo [2]?
Sino ang kumander ng inyong hukbo?
Kapag hindi kayo sumagot nang malinaw
Sisilaban namin kayo.
Kaya ang mga bata ng Naxalbari ay tumugon:
Kami ang mga anak ng Naxalbari
Kami ang mga sagisag ng katarungan
Kami ang panimbang ng pagsasamantala
Kami ang mga kapatid ni Satyamanna [3]
Tangan namin ang pulang bandera
Kami ang mga pulang araw.
______________
1 Gaddar, Ang Aking Buhay ay Isang Awit: Ang Mga Himig ni Gaddar para sa Rebolusyon, isinalin ni Vasanth Kanna-biran (New Delhi: Speaking Tiger Books, 2021), 37.
2 Dalam (sa orihinal na pyesa) – isang itinalagang yunit ng mga rebolusyonaryo
3 Si Vempatapu Satyanarayana, o Satyam, ay isa sa mga martir ng kilusang Naxalbari.