Mga kasunduang militar sa pagitan ng US at Pilipinas
- Military Assistance Agreement (1947) – nagtakda ng patuloy na kontrol ng US sa lokal na reaksyunaryong hukbo sa pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group o JUSMAG. Ang JUSMAG ang tagapayo at tagapagsanay sa AFP at nagpapahiram o nagbebenta ng armas at iba pang kagamitan.
- RP-US Mutual Defense Treaty ng (1951) – nagpalawig sa ligal na karapatan ng imperyalistang US na arbitraryong makapanghimasok sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
- Acquisition and Cross-Servicing Agreement (1992) – nagbigay-laya sa mga pwersang militar ng US na pumasok at gumamit ng anumang pasilidad, saanmang dako at kailanman nanaisin.
- Visiting Forces Agreement (1998) – pinahintulutan ang mga pwersang militar ng US, gaano man kalaki, na gumamit ng anumang bahagi at pasilidad, pagkukunan ng suplay anumang oras at gaanuman katagal, nang hindi sinasaklaw ng hurisdiksyon ng mga korte sa Pilipinas.
- Mutual Logistics Support Agreement (2002) – nagpahintulot sa US na gamitin ang lahat ng daungan at mga pasilidad militar sa buong bansa para sa mga hayag at lihim na aktibidad gaya ng mga pagsasanay at ehersisyong militar, operasyon at deployment ng tropa.
- Enhanced Defense Cooperation Agreement (2014) – nagpahintulot sa militar ng US na magtayo ng restriktadong mga pasilidad militar sa loob ng mga kampo ng AFP at iba pang pinagkasunduang lokasyon; pinayagan ang mas madalas na mga ehersisyong militar, pagdadaong ng navy at iba pang mga operasyon; at pagbibigay sa militar ng US ng tuwirang superbisyon sa ispesyal na pwersang pulis sa pagsasagawa ng operasyon.
Mga kasunduang militar sa pagitan ng US at Pilipinas