Linggo ng pag-alala sa mga martir ng India
Nagpahayag ng pakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa nakatakdang Linggo ng Pag-alala sa mga Martir na isasagawa ng Communist Party of India (Maoist) sa Hulyo 28 hanggang Agosto 3. Kabilang sa paparangalan sa linggong iyon ang namartir na kalihim ng CPI (Maoist) na si Kasamang Basavaraju (Nambala Keshava Rao).
Ayon sa PKP, ang mga bayani ng mamamayang Indian ay maituturing na bayani rin ng sambayanang Pilipino dahil nag-alay sila ng buhay sa pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya. Kapwa sa India at Pilipinas, naniniwala ang PKP na paparaming bilang ng manggagawa, magsasaka at inaaping uri ang tatahak sa rebolusyonaryong landas bilang pagpapatuloy sa simulain ng kanilang mga martir.
Hinikayat ng PKP ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas na makiisa at lumahok sa Linggo ng Pag-alala.