AKP, matagumpay na inilunsad sa gitna ng atake ng pasistang AFP!
Matagumpay na nagtapos ang mga Pulang mandirigma ng Lucio De Guzman Command-Bagong Hukbong Bayan Mindoro ng Abanteng Kurso ng Partido sa kabila ng matinding atake ng pasistang AFP. Kalakhan sa mga estudyante ay mula sa hanay ng mga magsasaka at pambansang minorya. Inilunsad ang pag-aaral mula Hulyo 29 hanggang Agosto 10.
Isinagawa ang pag-aaral upang madagdagan ang pampulitikang kamalayan at higit na mapatibay ang panininindigan ng Hukbo ng mamamayan. Isinulong ito sa tulong ng lokal na mga pwersa at masa at mga Pulang mandirigma na nagsilbing sekyuriti at taguyod sa pag-aaral.
Ani Ka Jomar, kumander ng yunit, “Naging matagumpay ang pag-aaral dahil sa matalas na pagbasa ng mga kasama, katuwang ang masa.”
Pinatunayan nitong hindi hadlang ang matinding pag-atake ng rehimeng-US Marcos basta’t determinado at kapitbisig na nagtutulungan ang sambayanang Pilipino, Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas.