Makibaka Huwag Matakot Kumperensya sa Rebolusyong Agraryo sa TK
Tagumpay na inilunsad sa isang larangan sa Timog Katagalugan ang panlarangang kumperensya sa rebolusyong agraryo noong 2015. Dinaluhan ito ng mahigit 100 magsasaka mula sa iba’t ibang baryo at bayan. Bago ang kumperensya, isinagawa ng mga delegado ang pananaliksik at inisyal na pulong para paghandaan ang aktibidad.
Tinalakay sa kumperensya ang pagpapatatag ng mga organisasyong masa ng magsasaka at pangkalahatang pagpapalakas ng digmang bayan sa rehiyon. Pinagkaisahan nila ang pagtatayo ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa antas munisipalidad kasabay ng mabilis at maramihang pagtatayo ng mga balangay sa baryo. Upang isakatuparan ito, binuo ang Pamalagiang Komite sa antas munisipalidad. Pinagkaisahan din ang pagkakasa ng mga laban na: pagpababa ng upa sa lupa sa anyo ng pagtataas ng partehang 75-25 pabor sa magsasaka mula sa kairalang 60-40; pagpapataas ng sahod ng manggagawang bukid; pagpapababa ng usura at interes sa pautang at pagpapataas ng presyo ng mga produktong bukid.
Sanggunian: Ang Bayan Tomo XLVII Blg. 21, Nobyembre 7, 2016