Balitang TO Opensiba ng AMC-BHB Quezon at aktibong depensa ng LdGC-BHB Mindoro

Tagumpay ang operasyong haras ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon noong Setyembre 4 ng gabi sa bagong tayong kampo militar ng 85th IBPA sa Brgy. Cogorin Ibaba, Lopez. Pangalawang beses nang inatake ng BHB ang kampo. Ipinagbunyi ito ng mga residente na malaon nang binubuliglig at ginagambala ng presensya ng militar.

Nakapaglunsad naman ng kontra-atake ang mga yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro sa dalawang labanan sa pagitan ng mga pwersa ng 203rd Infantry Brigade noong Setyembre 9 at 25. Isa ang patay at marami ang sugatan sa hanay ng 1st IBPA na nakaengkwentro ng BHB Mindoro noong Setyembre 9 sa Sityo Tugas, Brgy. San Vicente, Roxas. Samantala, magiting na lumaban hanggang sa nagbuwis ng buhay sa naturang labanan ang Pulang mandirigmang si Ka Kardo, 33.

Noong Setyembre 25, tatlo ang patay at marami ang napinsala sa 203rd IBde sa labanan sa pagitan ng isang yunit ng LdGC at pasistang kaaway sa Sityo Barayong, Brgy. Manuol, Mansalay. Ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma.

Ayon sa mga yunit, nabantayan nila ang presensya ng mga berdugo kaya maagap silang nakapaghanda, nakapusisyon at nakaputok ang mga Pulang mandirigma.

Opensiba ng AMC-BHB Quezon at aktibong depensa ng LdGC-BHB Mindoro