Balita

CAFGU at isang ahenteng paniktik ng AFP sa Camarines Sur, pinarusahan ng BHB

Isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan-West Camarines Sur (Norben Gruta Command o NGC) ang mga aksyong pamamarusa sa dalawang ahenteng paniktik ng AFP noong nakaraang mga buwan. Kinilala ang mga dalawa bilang sila Arnold Rellama at Rudy Buenaobra, na kapwa kilalang masasamang elemento sa baryo.

Pinarusahan ang ahenteng si Rellama noong Agosto 22 nang umaga. Sangkot siya sa pagpapakubkob ng AFP sa pwesto ng mga kasama na ikinamartir ng mga Pulang mandirigma.

Si Buenaobra naman ay aktibong elemento ng CAFGU na residente ng Barangay Binahan na kasalukuyang nakadestino sa kampo ng militar sa Sityo Okwaw, Barangay Baya sa bayan ng Ragay. Maliban sa pagiging CAFGU, aktibong ahenteng paniktik din si Buenaobra kung saan ginamit niyang prente ang pagtitinda ng ice cream sa mga komunidad. Nakuha mula kanya ang kanyang ID bilang CAFGU.

Ayon kay ka Michael Robredo, tagapagsalita ng NGC, ang serye ng mga pamamarusa ay bahagi ng pagpapatupad rebolusyonaryong hustisya ng demokratikong gubyernong bayan. Ang dalawa ay napatunayang nagkasala sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan.

AB: CAFGU at isang ahenteng paniktik ng AFP sa Camarines Sur, pinarusahan ng BHB