Detatsment ng CAFGU at 81st IB sa Camarines Sur, pinasabugan ng CDX
Tagumpay na pinasubagan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-West Camarines Sur (Norben Gruta Command o NGC) ng command detonated explosive (CDX) ang detachment ng CAFGU sa Barangay Mabini, sa bayan ng Del Gallego noong Oktubre 25 nang gabi.
Ayon kay Ka Michael Robredo, tagapagsalita ng NGC, ang isinagawang aksyong militar ay bahagi ng pamamarusa sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa masang magsasaka ng mga elemento ng CAFGU na nasa ilalim ng 81st IB.
Ani Ka Michael, ang mga serye ng aksyong pamamarusa at aksyong militar sa kanlurang bahagi ng Camarines Sur ay patunay ng kahandaan at buong kapasyahan ng mga Pulang kumander at mandirigma na ipagtanggol ang interes ng mga inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan mula sa kamay ng mga bayarang AFP-PNP-CAFGU.
Ligtas na nakamaniobra ang tim ng BHB na nagsagawa ng operasyon.