News
Mag-asawang lider-pesante sa Cebu, pinagbantaan
Dalawang lider-pesante mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Cebu (KMP-Cebu) ang biktima ng pambabanta noong Abril 15 sa Alonguinsan, Cebu. Nakatanggap sina Susan Alcos at Dominador Malicay ng karton na may lamang maliit na kabaong na naglalaman ng kanilang mga litrato. Malinaw itong pambabanta sa kanilang buhay, ayon sa KMP Cebu.
Kasalukuyang kalihim ng KMP-Cebu at nagsisilbing district coordinator ng Bayan Muna si Alcos habang upisyal sa edukasyon ng KMP-Cebu at dating ika-apat na nominado ng Anakpawis Partylist noong nakaraang eleksyon si Malicay. Aktibo rin sila sa mga kampanya laban sa kumbersyon ng mga lupain sa Hacienda Gantuangco at Hacienda Paras sa Alongsuin, Cebu at sa tumitinding militarisasyon sa kanilang distrito.
AB: Mag-asawang lider-pesante sa Cebu, pinagbantaan