Balita

Mga historyador, naglunsad ng 50-araw na countdown

,

Inilunsad kahapon ng mga historyador ang 50-araw na countdown bago ang ika-50 anibersaryo ng pagpataw ng batas militar ni Ferdinand Marcos Sr. Tinagurian nilang Singkwentada ang countdown na ito.

Tinagurian ng grupong Tanggol Kasaysayan ang isinasagawang pag-alala sa batas militar bilang “TIPON” para patampukin ang pagtitipon ng mga materyal sa kasaysayan para labanan ang pambabaluktot sa nakaraan at pagtitipon rin ng mamamayan para sa layuning ito.

Maglalabas ang grupo ng mga sipi sa isang isang libro kada araw sa loob ng 50 araw sa social media. Maglalathala rin sila ng timeline o pagkakahanay ng mga pangyayari sa ilalim ng batas militar mula sa perspektiba ng mamamayan. Magsisilbi itong alternatibong timeline para sa mga mananaliksik na interesado sa kasaysayan ng batas militar.

Inianunsyo rin ng Tanggol Kasaysayan na maglulunsad ito ng libro ng mga sanaysay sa Setyembre bilang paggunita sa mismong araw ng pagpapataw ng batas militar.

Inilunsad rin sa pagtitipon ang Tanggol Kasaysayan-Kabataan na nagtataguyod naman ng katotohanan sa kasaysayan sa hanay ng kabataan.

AB: Mga historyador, naglunsad ng 50-araw na countdown