Balita

Mga residente ng Smokey Mountain, iginiit ang kanilang karapatan sa paninirahan

,

Nagprotesta sa harap ng Barangay Hall ng Barangay 128, Tondo, Manila ang mga residente ng Smokey Mountain noong Pebrero 17 upang irehistro ang kanilang pagtutol sa naka-ambang demolisyon sa komunidad at pakikipagsabwatan ng punong barangay sa R-II Builders.

Inilunsad ang protesta kasabay ng dayalogo sa pagitan ni Renee Co, kinatawan ng Kabataan Partylist, at mga upisyal ng barangay. Kasama sa pagkilos ang grupong Kadamay, KMU, Gabriela Women’s Party, Bagong Alyansang Makabayan at Anakbayan.

Itinutulak ng R-II Builders at kapatid nitong kumpanya na Phil. Ecology Systems Corp. (PhilEco) at Manila Integrated Environment Corp. (MIEC) ang pagpapalayas sa mga residente ng Smokey Mountain upang bigyang daan ang 100 megawatt na WTE incinerator na nagkakahalaga ng P26.65 bilyon. Inaasahang magsisimula ang konstruksyon ng proyekto sa unang kwatro ng taong 2026 at magsimulang gumana sa 2028.

Bago nito, nagprotesta ang mga residente sa National Housing Authority sa Paco, Manila City noong Pebrero 10. Kasabay ng protesta ang pampublikong konsultasyon hinggil sa nakaambang demolisyon sa Tondo.

AB: Mga residente ng Smokey Mountain, iginiit ang kanilang karapatan sa paninirahan