Archive of AB Dailies

Walang engkwentro: Magsasaka, sadyang pinatay ng 94th IB sa Himamaylan City
January 11, 2023

Wala pang dalawang linggo nang magsimula ang taon, muli na namang ipinamalas ng 94th IB ang bangis nito laban sa masang magsasaka. Pinaslang ng mga sundalo ng 94th IB ang 49-anyos na magsasakang si Jose Gonzalez sa Purok Maliko-liko, Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong Enero 9. Ang karumal-dumal na krimen ay […]

Selebrasyon ng ika-54 anibersaryo ng Partido sa Masbate
January 10, 2023

Hindi nakahadlang Ang nagpapatuloy na mga operasyong militar sa pagdiriwang ng masang Masbatenyo sa ika-54 anibersaryo ng Partido. Nakapagdaos ang mga larangang gerilya sa prubinsya ng kabuuhang pitong bats ng maliitan at lihim na mga pagtitipon na dinaluhan ng humigit-kumulang 400 katao. Naging bahagi ng bawat programa ang pagpaparangal sa dakilang lider ng rebolusyong Pilipino […]

Pagdukot sa dalawang buntis na Pulang mandirigma, kinundena ng grupong kababaihan
January 09, 2023

Nagpahayag ng lubhang pagkabahala ang grupo ng kababaihan na Gabriela sa pagdukot ng mga sundalo ng 402nd IBde sa dalawang buntis na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon sa ulat, dinukot sila sa haywey ng Barangay Libertad, Butuan City noong Nobyembre 3, 2022. Hindi pa sila inililitaw hanggang sa kasalukuyan. Kinilala ang dalawa bilang […]

Ika-90 kaarawan ni Ka Bel, ginunita
January 08, 2023

Nagsama-sama kahapon ang iba’t ibang organisasyon, asosasyon at unyon sa paggawa at mga institusyon para gunitain ang ika-90 kaarawan ng yumaong lider-manggagawang si Crispin Beltran na mas kilalang si Ka Bel. Nagtipon sila sa Commission on Human Rights sa Quezon City para sa isang programa. Naging sentro ng pagtitipon ang legasiya ni Ka Bel at […]

Mga taong simbahan, nanawagan na tigilan ang panggigipit sa mga tagapagtanggol ng karapatang-tao
January 08, 2023

Inilunsad kaninang umaga ng mga taong-simbahan at relihiyoso ang isang piket sa Aurora Boulevard sa Quezon City bilang suporta sa 10 tagapagtanggol ng karapatang-tao na nahaharap sa kasong perjury na isinampa ni dating National Security adviser Gen. Hermogenes Esperon noong 2019. Nagtirik sila ng kandila at nagkalembang ng mga kampanilya sa pagkilos. Bago ang piket, […]

Matitinding pagbaha sa Palawan, isinisi sa pagmimina
January 08, 2023

Lubog sa baha ang bayan ng Brooke’s Point sa Palawan nitong linggo sa walang awat na pag-ulan mula simula ng taon dulot ng “shear line” o pagdudutong ng magkaibang direksyon ng hangin, kakumbina ang mga pag-ulan at low-pressure area. Noong Huwebes, 3,841 pamilya o 18,082 mga residente na ang napilitang magbakwit patungo sa mas mataas […]

Kaswalti sa 7-taong gerang agresyon ng Saudi Arabia sa Yemen, umaabot na sa 48,000
January 06, 2023

Pumapasok na sa ikawalong taon ang brutal na digmang agresyon ng Saudi Arabia sa mamamayan sa Yemen ngayong 2023. Ayon sa Eye for Humanity, isang organisasyong nakabase sa Yemen, umaabot na sa 17,734 indibidwal ang napatay at 30,000 ang nasugatan ng mga pwersa ng Saudi Arabia at mga kaalyado nito. Di bababa sa 4,017 sa […]

Dagdag buwis sa tubig dulot ng pribatisasyon sa Bacolod, pinatatanggal
January 06, 2023

Sumugod at nagprotesta ang mga grupong AMLIG-Tubig at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros sa Bacolod Government Center noong Enero 4 ng umaga para igiit kay Bacolod City Mayor Albee Benitez na tanggalin ang 12% Value-added tax sa yutilidad na tubig na siningil matapos ang pribatisasyon ng Bacolod City Water District (Baciwa). Ang Baciwa ay pumasok sa […]

Pagbabanta sa buhay ng biktima ng batas militar ni Marcos Sr, kinundena
January 06, 2023

Kinundena ng Movement Against Tyranny at Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) ang pagbabanta sa buhay ni Bonifacio Ilagan, isang kilalang mandudula at biktima ng batas militar ng rehimeng US-Marcos I. Nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay si Ilagan noong Enero 2 mula sa hinihinalang mga ahente ng estado. Ayon […]

Pag-atake sa mga mamamahayag sa buong mundo, tumindi sa nagdaang taon
January 04, 2023

Walang-kapantay ang naitalang mga paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag sa nagdaang 2022. Ayon sa pag-aaral ng Reporters Without Borders (RSF) mula Enero 1, 2022 hanggang Disyembre 1, 2022, hindi bababa sa 704 ang mga mamamahayag na pinaslang, ikinulong, hinostage at nawawala. Nasa 57 ang bilang ng mga pinaslang na mamamahayag at manggagawa sa midya. […]