Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagpatay sa abugada sa Abra, kinundena ng mga kapwa abugado, iba pang grupo
September 16, 2023

Nagsagawa ng pagkilos noong Setyembre 14, ang mga kasapi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), kasama ang iba pang demokratikong grupo, sa Boy Scout Rotonda, Quezon City para kundenahin ang brutal na pagpaslang sa abugadong si Atty. Maria Saniata Alzate. Binaril sa harap ng kanyang bahay sa Bangued, Abra noong Setyembre 14 si Alzate, […]

Matandang magsasaka, isa pa, di makatarungang inaresto ng PNP sa Negros Occidental
September 16, 2023

Inaresto ng mga pulis at sundalo ang mga magsasakang sina Judy Blazer, 61, at Junjie Camanso, 30, sa Sityo Mainit, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Setyembre 10. Sinampahan sila ng gawa-gawang kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay at pinaratangang may kaugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang totoo, si Blazer ay dating kasapi ng […]

Hindi mareremedyuhan ang kainutilan ng SIM Card Registration Law—mga grupo
September 15, 2023

Hindi mareresolba ng samutsaring mungkahi ng mga mambabatas ang kapalpakan ng SIM Registration Law sa paggupo ng mga text scam at cybercrime o mga krimen gamit ang internet. Ito ang pahayag ng Junk SIM Registration Network sa nagaganap na pagdinig sa Senado sa nakaraang mga linggo kaugnay sa epektibidad ng naturang batas. Lumabas sa serye […]

Kaso kontra Ressa, ibinasura; estudyanteng mamamahayag sa Bicol, ginigipit
September 15, 2023

Ibinasura ng korte ang panlima at huling kaso ng tax evasion (di pagbabayad ng buwis) laban kay Maria Ressa at kumpanyang Rappler na isinampa noong panahon ng rehimeng Duterte. Samantala, inilantad ng mga estudyanteng mamamahayag sa Ateneo de Naga ang panggigipit sa kanila ng mga sundalo. Binati ng National Union of Journalists of the Philippines […]

Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon
September 14, 2023

Para ipakita ang nag-aalburutong galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol. “31st IB, layas! Mamamatay-tao!” “AFP Terorista!” “Oust Marcos Jr!” ang ilan sa matatapang na salitang ipininta […]

Pagbisita ng mga upisyal ng US sa 3 EDCA site, binatikos
September 14, 2023

Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagbisita kahapon, Setyembre 3, ng matataas na upisyal ng US sa ginagawang tatlong base militar ng US, mga tinawag na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site. Ang pagbisita ay bahagi ng nakatakdang pagpupulong ng mga upisyal militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US ngayong […]

Mga estudyante ng UP Diliman, nagprotesta sa unang araw ng klase
September 13, 2023

Nagtipon nitong Martes, Setyembre 12, ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP)-Diliman sa Palma Hall sa kampus nito sa Quezon City para magprotesta kasabay ng pagbubukas ng klase para sa bagong akademikong taon sa unibersidad. Iginiit ng mga estudyante ang kanilang demokratikong karapatan at tinutulan ang planong pagkaltas sa badyet sa UP at […]

Matandang magsasaka, pinatay ng militar sa Masbate
September 13, 2023

Kinundena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate ang pagpatay ng mga armadong elemento ng estado sa 67-anyos na magsasakang si Naldo Canama sa Sityo Angkay, Barangay Tubog sa bayan ng Cawayan noong Setyembre 7. Lulan ng motorsiklo ang tatlong armadong elementong bumaril at pumatay kay Canama. Si Canama ang ika-19 na biktima ng pampulitikang […]

Masang anakpawis, umalma sa walang awat na pagtaas ng presyo ng bigas at langis
September 13, 2023

Nagprotesta kahapon, Setyembre 12, ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno laban sa nagtataasang presyo ng mga bilihin, laluna ng bigas. Binatikos nila ang kautusan ng estado para kontrolin ang presyo na anila’y pakitang-tao, at hindi tumutugon sa tunay na mga dahilan kung bakit sumisirit ang presyo ng bigas. Panawagan nila, itaas ang […]

Armadong aksyon, inilunsad ng milisyang bayan sa Masbate City
September 12, 2023

Nagsagawa ng operasyong haras ang isang yunit ng milisyang bayan laban sa kontra-insurhensya yunit ng pulis na nasa Sityo Kampoon, Barangay Batuhan, Masbate City noong gabi ng Setyembre 3. Hindi bababa sa tatlong pulis ang nasugatan sa armadong aksyon. Ang naturang barangay at mga karatig pang komunidad nito sa Masbate City ay malaon nang ipinaiilalim […]