Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Koordinadong protesta laban Anti-Terror Law, inilunsad
September 07, 2023

Inilunsad ngayong araw, Setyembre 7, ng iba’t ibang demokratikong grupo at tagapagtanggol ng karapatang-tao ang koordinadong protesta laban sa Anti-Terrorism Act (Republic Act No. 11479) at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act (Republic Act No. 10168). Tinawag nilang mga “instrumento ng batas militar” ang dalawang batas at labag sa mga karapatang demokratiko at sibil ng […]

Panggigipit sa mga manggagawang pangkultura, binatikos
September 06, 2023

Nagprotesta ang mga makabayang artista at mga pangkulturang organisasyong masa sa Department of Justice sa Quezon City noong Setyembre 5 para batikusin ang panggigipit ng Quezon City Police Department (QCPD) kay Max Santiago at sa tatlo pang kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan. Kinasuhan sila ng paglabag sa Clean Air Act (Republic Act No. 8749) dahil […]

Suspensyon ng dagdag na rekisito para makabyahe, ikinatuwa ng mga migrante
September 06, 2023

  Tinawag na paunang tagumpay ng Migrante International ang suspensyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpapatupad ng patakaran ng Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) na dagdagan ang mga rekisito sa pagbyahe sa labas ng bansa. Inilabas ang patakaran noong Agosto at sisimulan sanang ipatupad noong Setyembre 3. Alinsunod sa naturang bagong patakaran, planong hingin […]

Kumperensya ng mga Katolikong obispo, pinaalalahanan sa anti-mamamayang rekord ng NTF-Elcac
September 05, 2023

Matapos lumitaw ang balitang magiging bahagi ang isang komisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng Komiteng Tagapagpaganap ng anti-mamamayang National Task Force-Elcac ng rehimeng Marcos, kabi-kabila ang paalala ng mga grupo ng mga taong-simbahan at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao sa mga obispo. Anila, dapat tandaan ng CBCP na marumi at madugo ang […]

Drayber at kasama niyang inaresto sa Batangas, nakalaya na
September 04, 2023

Nakalaya na mula sa higit isang linggong pagkakakulong sina Jose Escobio at Junald Jabonero kahapon, Setyembre 3. Ang dalawa, kasama ang organisador ng Samahan ng mga Magbubukid sa Batangas (SAMBAT) na si Ernesto Baez Jr, ay iligal na inaresto noong Agosto 24 ng umaga sa San Juan, Batangas. Sinampahan sila sa gawa-gawang kaso ng illegal […]

22 sundalo ng 37th IB, napatay sa mga opensiba ng BHB-Sultan Kudarat
September 03, 2023

Hindi bababa sa 22 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay sa mga taktikal na opensiba ng inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kampanya ng pagkontra sa mahigit dalawang buwan nang laking dibisyong operasyon ng 6th ID mula pa noong Hunyo 15. Pinakilos sa naturang focus military operation ang 37th IB, […]

Dalawang organisador ng mangingisda, dinukot sa Bataan
September 03, 2023

Dinukot ng pinaniniwalaang mga pwersa ng estado ang dalawang kababaihang organisador ng mangingisda na sina Jhed Tamano, 22, at Jonila Castro, 21, noong Setyembre 2 ng gabi. Ayon sa mga nakasaksi, marahas na isinakay sa isang gray na SUV ang dalawa sa harap ng Orion Water District sa Barangay Lati, Orion, Bataan. Si Tamano ay […]

Presensya ng US Navy sa Quezon, ikinabahala ng mamamayan
September 02, 2023

Lubhang nabahala ang mga residente ng Atimonan, Quezon sa nabunyag na presensya ng mga sundalong Amerikano sa kanilang bayan noong Agosto 13. Naiulat na nagsasagawa ng sarbey ang isang tim ng US Navy, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa naturang bayan. Ayon sa mga residente sa lugar, nagsarbey ang mga sundalong Amerikano […]

Limang M16, nasamsam ng BHB-Quezon sa isang ambus
September 02, 2023

Nasamsam ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon ang limang ripleng M16, mga bala at iba pang kagamitang militar sa isang ambus laban sa mga pasistang tropa ng 85th IB at CAFGU sa Sityo Pag-asa, Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon kahapon nang umaga. Limang sundalo ang napatay habang apat ang kumpirmadong nasugatan sa berdugong 85th […]

Mga protestang suporta sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, inilunsad sa buong mundo
September 01, 2023

Inilunsad nitong Agosto 26 sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga protesta at aktibidad bilang pagsuporta sa kilusan para sa pambansang pagpapalaya sa Pilipinas. Pinamunuan ang Global Day of Action ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS), internasyunal na grupong sumusuporta sa pambansa-demokratikong kilusan ng Pilipinas. Naglunsad ng pagkilos at aktibidad ang […]