Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Iglap-Protesta para sa ika-50 anibersaryo ng NDFP, inilunsad ng mga rebolusyonaryong grupo sa Kamaynilaan
April 20, 2023

Naglunsad ng iglap-protesta sa EDSA sa Cubao, Quezon City ang tinatayang 300 kasapi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng NDFP noong Abril 17. Kasamang lumahok sa protesta ang mga kasapi mula sa sektor ng kabataan, magsasaka, pambansang minorya, manggagawa, guro, at manggagawang pangkalusugan. Inilunsad ng mga grupo […]

Mahigit 100, patay sa karumaldumal ng pambobomba sa Myanmar
April 19, 2023

Nasa 110 ang naitalang patay sa kahindik-hindik na pambobomba ng hunta militar ng Myanmar sa isang pagtitipon ng mamamayang Karen sa Pazi Gyi sa bayan ng Kantbalu, rehiyon ng Sagaing noong Abril 11. Sinundan ang pambobomba ng pang-iistraping ng helikopter na pangkombat, na nagdulot ng dagdag na mga kaswalti sa mga nagsumikap iligtas ang mga […]

Pagbansag na terorista sa konsultant ng NDF, kinundena
April 19, 2023

Kinundena ng National Democratic Front of the PHilippines ang pagparada at pagbansag na terorista sa isa sa mga konsultant nito sa usapang pangkapayapaan. Ito ay matapos ipinrisenta ng Philippine National Police si Eric Casilao sa midya at publiko habang inililipat sa kustodiya sa Ninoy Aquino International Airport noong Abril 17. Nadakip si Casilao habang tumatawid […]

SIMReg Law, hiniling na ipatigil sa Korte Suprema
April 19, 2023

Naghapag ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng mamamahayag para ipatigil ang pagpapatupad ng SIM Card Registration Law na anila’y lumalabag sa karapatan ng mamamayan at sa gayon ay hindi naaayon sa Konstitusyong 1987. Isinampa noong Abril 17 ng mga myembro ng National Union of Journalists of the Philippines, Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna, […]

₱26.9 milyon, nilustay sa pagpapasabog ng 5 Javelin misayl sa Balikatan 2023
April 18, 2023

Naglustay ang Gubyerno ng Pilipinas at ang imperyalistang US ng hindi bababa sa $537,500 o ₱26.875 milyon (sa palitan na $1=₱50) sa pagpapasabog ng limang misayl na Javelin noong Abril 13 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija bilang bahagi ng ehersisyong militar na Balikatan 2023. Ang Javelin Anti-Tank Weapon System o FGM-148 Javelin ay isang Antitank […]

Estudyanteng tutol sa dagdag-matrikula at ROTC, ginigipit
April 18, 2023

Ginigipit ng administrasyon ng University of the East (UE)-Caloocan ang isang mag-aaral ng senior high school na kabilang sa mga estudyante na tumututol sa nakaambang 9.5% pagtataas ng matrikula at iba pang singilin sa unibersidad. Ayon sa ulat ng Rise for Education Alliance-UE Caloocan, sinampahan ang estudyante ng paglabag sa “handbook” ng unibersidad. Kinundena ng […]

Ripleng armalayt, nakumpiska ng BHB-Masbate sa aset ng 2nd IB
April 17, 2023

Nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang isang ripleng armalayt mula sa mga aset ng militar sa Sityo Pondol sa hangganan ng mga barangay ng San Carlos at Matagbac sa Milagros noong Abril 14. Ang mga aset ay imbwelto sa agresibong pang-aatake sa mga mamamayan ng ikalawang distrito ng prubinsya. Ayon […]

Tatlong armas, nakumpiska sa aset ng 62nd IB
April 17, 2023

Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang tatlong mahihinang klase ng armas kay Jorge Javier, aset paniktik ng 62nd IB, sa isang operasyong partisano noong Abril 16 sa Sityo Guibawan, Barangay Bucalan, Canlaon City, Negros Oriental. Napatay din sa naturang opersyon si Javier. Nakuha sa kanya ang kalibre .45 na colt, […]

Pondo para sa pag-aayos ng mga klasrum, iginigiit ng mga guro
April 17, 2023

Kinilala ngayong araw ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang anunsyo ng Department of Education (DepEd) na hindi na magiging isang kumpetisyon ang taunang “Best Brigada Eskwela Implementers” na ginaganap tuwing magbubukas ang akademikong taon sa mga eskwelahan. Ayon sa mga guro, natulak ang DepEd na tumugon dito matapos ang maraming reklamo na napipilitan ang […]

Mga sakahan sa Tarlac, kinakamkam ng AFP
April 17, 2023

Nagprotesta sa harap ng munisipyo ng Capas, Tarlac noong Abril 13 ang daan-daang residente mula sa mga barangay Santa Lucia at Lawy para igiit ang kanilang karapatan sa lupang binubungkal. Hiningi ng mga residenteng myembro ng Nagkakaisang Mamamayan ng Santa Lucia para sa Lupa, Kabuhayan, at Paninirahan na mamamagitan ang lokal na gubyerno para ipagtanggol […]