Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kampanya para ilitaw si Steve Abua, dinala sa UNHRC
March 26, 2023

Dala-dala ng mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa nagaganap na ika-52 na regular na sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland ang kaso ng sapilitang pagwawala sa organisador na si Steve Abua. Ipinanawagan ni United Nations Special Rapporteur on Human Rights Defenders Mary Lawlor noong Marso 23 na imbestigahan ang pagwawala kay […]

Pangakong trabaho at kaunlaran ng dayuhang pamumuhunan, malaking panloloko
March 26, 2023

Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi nakalikha ng maraming trabaho ang dayuhang pamumuhunan. Hindi nito napaunlad ang lokal na ekonomya, at sa halip ay nagpatindi ito sa pagkaatrasado at di industriyalisadong kalagayan ng bansa. Hindi rin nito natugunan ang kahirapan sa bansa. Ang mga ito ang inilinaw ng Ibon Foundation para kontrahin ang panlolokong magdadala ng […]

Hustisya para sa mga biktima ng human trafficking, ipinanawagan
March 25, 2023

Ginunita noong Marso 17 ng grupong Migrante Philippines, kasama ang mga pamilya ng mga biktima ng human trafficking, ang ika-28 anibersaryo ng pagbitay kay Flor Contemplacion ng gubyerno ng Singapore noong 1995. Nagmartsa sila tungong Mendiola sa Manila dala-dala ang panawagang hustisya at proteksyon para sa lahat ng mga biktima ng human trafficking. “Inaalala natin […]

Mga negosyante, kinontra ang Marcos cha-cha
March 25, 2023

Naglabas ng pinag-isahang pahayag noong Marso 24 ang anim na samahan ng lokal na mga negosyante laban sa charter change na itinutulak ng rehimeng Marcos Jr. Ayon sa kanila, mas mabuting gastusin ni Marcos ang pondong nakatakdang gastusin sa Constitutional convention o Con-con sa mga programang “maka-masa.” Kabilang sa mga pumirma sa pahayag ang Makati […]

Mga sundalong bahag ang buntot, nagpaputok sa eskwelahan sa Masbate
March 24, 2023

Takot na takot na nangagsitakbuhan ang mga sundalo ng 2nd IB at nagpaputok sa loob ng mga lokal na eskwelahan sa dalawang barangay ng Masbate noong Marso 20 at 22 matapos makasagupa ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate. Nagpakalat ng napakalaking kasinungalingan para pagtakpan ang kanilang karuwagan na pinalalabas ng Armed Forces of […]

Koordinadong aksyong gerilya, inilunsad ng BHB-Masbate; 10 sundalo at pulis, napatay
March 24, 2023

Naglunsad ng koordinadong aksyong gerilya ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate sa Barangay Locso-an bayan ng Placer at Barangay Gaid, Dimasalang noong Marso 22. Napatay sa naturang mga armadong aksyon ang 10 tropa ng 2nd IB at Philippine Natioal Police-Masbate habang hindi bababa sa pito ang nasugatan. Inilunsad ng yunit ng BHB ang mga armadong aksyon […]

Nairehistrong mga SIM card, 29% pa lamang
March 24, 2023

Nanganganib maputulan ng linya sa komunikasyon ang umaabot sa 119.8 milyong subscriber sa selpon habang papalapit ang dedlayn sa pagpaparehistro ng SIM card sa susunod na buwan. Sa ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa 49.20 milyon pa lamang sa 169 milyong subscriber o 29.12% ang nakarehistro hanggang noong Marso 21. Sinumang […]

Pagsasanay na Salaknib, Balikatan, naglalagay sa Pilipinas sa peligro
March 22, 2023

Inilalagay ng magkakasunod na pagsasanay militar at presensya ng libu-libong tropang Amerikano at kanilang mga sandata ang Pilipinas sa peligrong makaladkad sa inter-imperyalistang gera sa pagitan ng US at China. “Sa ngayon na may sigalot ang US at China…mahirap malagay sa gitna ng nag-uumpugang bato lalo pa at ang mamamayan natin ang maaapektuhan,” pahayag ni […]

Mga sundalo, pinalalayas sa mga maralitang komunidad sa Tondo at Batangas
March 22, 2023

Di bababa sa tatlong komunidad ng maralita sa Tondo at Batangas ang dumanas ng panggigipit, panlilinlang at paninindak mula pangalawang linggo ng Marso. Ayon sa grupong Kadamay, dumating sa komunidad ng Hapilan at Aroma sa Barangay 105, Vitas, Tondo ang humigit-kumulang 90 sundalo ng 11th IB noong Marso 9. Nag-ikot sila para alamin ang kinaroroonan […]

Mahabang martsa ng magsasaka laban sa neoliberalismo sa India, nagtagumpay
March 22, 2023

Matagumpay na naigiit ng mga magsasaka mula sa Nahir, India ang kanilang mga hiling laban sa neoliberal na mga patakaran sa agrikultura ng reaksyunaryong estadong Indian. Nagmartsa ang puu-puong libong magsasaka mula sa Nashik sa direksyon ng Mumbai, ang kabisera ng bansa, simula Marso 12 para igiit ang kanilang mga karapatan at kagalingan. Tumigil sila […]