Ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty si Angelo Karlo Guillen, ang Pilipinong abugado na nakabase sa Panay, dahil sa kanyang pagtataguyod sa karapatang-tao sa Pilipinas. Ang naturang karangalan ay nakapangalan kay Baldwin, ang pangunahing tagapagtatag ng American Civil Liberties Union (ACLU) at International League for Human Rights. Iginawad sa kanya ang karangalan […]
Noong Agosto 9, pandaigdigang araw ng mga katutubo, nagmartsa ang mga grupo ng pambansang minorya at kanilang mga tagasuporta patungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples sa Quezon City. Sa pangunguna ng grupong Katribu, tinuligsa nila ang walang habas na pagkakalat ng disimpormasyon at pasismo ng ahensya. Anila, ang paglaganap ng pekeng impormasyon […]
Nakalaya na ngayong araw, Agosto 10, si Daisy Macapanpan, 68-anyos na tagapagtanggol ng kalikasan, matapos ikulong ng dalawang buwan sa gawa-gawang kasong rebelyon. Matatandaang marahas na inaresto ng malaking pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Special Action Force (SAF) si Macapanpan sa kanyang bahay sa Pakil, Laguna noong Hunyo 11. Ang pansamantalang paglaya ni […]
Inaresto ng pinagsanib na pwersang militar ng 62nd IB at pulis ang drayber ng habal-habal na si Roldan Baydal, 32 anyos, sa kanyang bahay sa Sityo Punong, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental kahapon, Agosto 8. Pinalalabas ng mga pulis na nakuha sa kanya ang isang kalibre .38 rebolber, rifle grenade at mga bala. Si […]
Naglunsad kahapon, Agosto 8, ng koordinadong mga aktibidad at pagkilos ang iba’t ibang samahang magsasaka at mga organisasyong tutol sa paggamit ng genetically modified organism (GMO) na palay o golden rice. Itinaon nila ito sa araw kung kailan binunot ng mga magsasaka sa Camarines Sur ang mga punla ng golden rice, siyam na taon na […]
Ginunita ngayong araw, Agosto 9, ng rebolusyonaryong kilusan sa Northeast Mindanao ang Araw ng mga Martir. Taun-taon itong idinadaos ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon at mga organisasyong masa bilang pagdakila sa ultimong sakripisyo ng pag-aalay ng buhay para sa pambansa at demokratikong adhikain ng mamamayang Pilipino. Itinaon ang pagkilala […]
Ginunita kahapon, Agosto 8, ng mga progresibong grupo, tagapagtaguyod ng kapayapaan, kakilala at kaibigan ni Ka Fidel Agcaoili ang kanyang ika-73 kaarawan sa isang pagtitipon sa UP Diliman sa Quezon City. Pinasinayaan ang parangal-pagtitipon ng grupong Pilgrims for Peace, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ACT for Peace, Migrante International at iba pang mga organisasyon. May tema […]
Nanawagan kahapon, Agosto 7, ang mga overseas Filipino workers (OCW) o migranteng manggagawang Pilipino sa Hong Kong na kagyat nang ibigay ang ayudang nakalaan para sa kanilang mga pamilya na naapektuhan ng lindol noong nakaraang Hulyo 27. Nagpiket sila sa upisina ng Philippine Overseas Labor Office at Philippine Consulate sa MTR exit D, Admiralty, Hong […]
Nagawang pigilan ng reklamo at apela ng mga residente ang nakatakda sanang pamomomba ng 303rd IBde sa Mt. Mandalagan na sakop ng Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental. Iniulat ito kanina ng lokal na radyo sa bayan ng San Carlos matapos kumpirmahin sa kanila ni Lt. Col. Jjay Javinez ang pag-atras ng naturang plano. Ayon sa […]
Di nagpakupot ang mga rebolusyonaryo sa mga limitasyong ipinataw ng batas militar sa malayang pamamahayag. Noong Enero 1, 1979, sumahimpapawid sa unang pagkakataon ang Radyo Madyaas, radyo ng nakikibakang mamamayan sa Panay. Mula sa Ang Bayan, Tomo X1 Bilang 3, Pebrero 15, 1979 Nagbrodkas sa Panay ang Radyo Madya-as Isang mapanlabang palatuntunan sa radyo ang […]