Archive of AB Dailies

Dalawang lider magsasaka, inaresto sa Sorsogon
May 31, 2022

Dinakip sina Percival Dellomas at Darwin Guelas, mga lider magsasaka sa Sorsogon, sa isang tsekpoynt ng Philippine National Police sa hangganan ng prubinsya ng Sorsogon at Albay noong Mayo 28. Si Dellomas ay lider ng Samahang Magbubukid sa Sorsogon (SAMASOR) haban si Guelas ay bahagi ng rehiyunal na konseho ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas – […]

Drone ng AFP, bumagsak sa Bukidnon
May 29, 2022

Bumagsak ang isang Hermes 900 na drone ng Philippine Airforce (PAF) kahapon, Mayo 28, sa bayan ng Baungon sa Bukidnon. Ang Hermes 900 ang pinakaabanteng unmanned aerial vehicle (UAV) o drone sa armada ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagkakahalaga ng tinatayang $25 milyon (₱1.25 bilyon) kada yunit. Sa paunang ulat ng PAF, […]

Iselda si Imelda, giit ng mga detenidong pulitikal noong batas militar
May 29, 2022

Muling iginiit ng grupong SELDA (Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto) sa Korte Suprema na dapat nang ikulong si Imelda Marcos sa mga kaso ng pandarambong na nahatulan siya. Noong 2018, ibinaba ng korte ang desisyong nagkasala si Imelda ng pitong bilang ng pandarambong ng Sandiganbayan ngunit pinahintulutang magpyansa dahil umano sa “katandaan” […]

Daan-daang pamilya lumikas sa pambobomba sa Maguindanao
May 29, 2022

Mahigit anim na daang pamilya sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao ang napilitang lumikas kasunod ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Mayo 23, 2022. Pinuntirya ng nasabing operasyon ang Barangay Ganta sa nasabing bayan. Ayon sa AFP, target diumano ng pambobomba ang isang “grupo ng terorista.” Dahil sa pambobomba sa Datu […]

Midya, nangangamba sa pag-upo ng rehimeng Marcos II
May 28, 2022

Nanawagan ang grupo ng mga mamamahayag sa rehimeng Ferdinand Marcos Jr. na igalang nito ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa at huwag ibayong gipitin. Inilabas ang pahayag matapos ang limitadong akses at mistulang pagsasantabi sa midya sa isinagawang kumperensya ni Marcos Jr. noong Mayo 26. Tatatlong istasyon sa telebisyon ang inimbitahan ni Marcos Jr. sa “press conference” kung […]

Anak ng diktador, hinirang na ika-17 pangulo ng Pilipinas
May 28, 2022

Naiproklama na ng Kongreso ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa noong Mayo 25. Nauna sa kanya ang proklamasyon kay Sara Duterte, anak ng tiranikong si Rodrigo Duterte at alkalde ng Davao City, bilang bise presidente. Binansagan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang upisyal na proklamasyong ito bilang […]

Sa kada bilyunaryo, isang milyon ang nasasadlak sa labis na kahirapan
May 27, 2022

Isang bagong bilyunaryo kada 30 oras (o kabuuang 536 indibidwal) ang lumitaw sa panahon ng pandemya o mula noong 2020. Ang impormasyong ito ay tinukoy ng Oxfam International, isang pandaigdigang katipunan ng 21 grupong mapagkawanggawa, sa ulat nitong “Pagpiga ng tubo sa Pagdurusa.” Habang may ilandaang bagong bilyunaryo, aabot naman sa 250 milyong katao ang […]

3 partido sa blokeng Makabayan, ipinroklama ng Comelec
May 27, 2022

Ipinroklama kahapon, Mayo 26, ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong partido sa ilalim ng progresibong blokeng Makabayan na tumakbo sa sistemang party-list na nakakuha ng pwesto sa ika-19 na Kongreso. Nasungkit ng tatlong partido ang mga pwesto sa kabila ng lantaran at todong-atake ng rehimeng Duterte at armadong pwersa nito laban sa kanila sa […]

Mga protestang manggagawa sa Maynila at Davao sa huling mga araw ni Duterte
May 25, 2022

Sa nalalabing araw ng rehimeng Duterte, magkakasunod na inilunsad ng mga grupong manggagawa ang mga pagkilos para igiit ang makatarungang dagdag-sahod at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Nagprotesta sa harap ng Kongreso ang mga myembro ng Kilusang Mayo Uno noong Mayo 23 para para igiit ang ₱750 na pambansang minimun na sahod at pagkontrol sa […]

Protesta kontra-gera, inilunsad sa harap ng US embassy
May 25, 2022

Nagprotesta noong Mayo 21 malapit sa embahada ng US ang mga manggagawa at kabataan laban sa mga imperyalistang gera. Kinundena rin nila ang napipintong papasok na rehimeng Marcos na inaasahan nilang magiging sunud-sunuran sa imperyalistang US. Marahas na binuwag ng mga pulis ng Maynila ang pagkilos. Inaresto si Lloyd Manango, bise-presidente ng League of Filipino […]