Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kilusan kontra mandatory ROTC, muling pinalalakas
August 05, 2022

Muling umuugong ang pagtutol ng mga mag-aaral sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa harap ng bantang ibalik ito sa mga unibersidad, pamantasan at eskwelahan. Reaksyon ito ng mga kabataan sa kamakailang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang unang State of the Nation Address na dapat ibalik ang mandatory ROTC o sapilitang […]

Napakataas na singil sa kuryente sa Ilocos, binatikos
August 05, 2022

Binatikos ng mga residente ng Ilocos ang napakataas na singil sa kuryente sa rehiyon, sa kabila ng ipinagmamayabang na Bangui Windmills bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya. Ayon sa grupong Power for the People Coalition (P4P) sa isang pahayag noong Agosto 3, umaabot sa ₱16.767 kada kilowatt hour ang binabayaran ng mga konsyumer ng Ilocos Norte […]

DepEd, kinastigo ng mga guro sa maanomalyang paggastos sa pondo
August 05, 2022

Inulan ng batikos ang Deparment of Education (DepEd) matapos maglabas ang Commission on Audit (COA) ng bagong mga ulat na nagtutukoy sa mga “deficiency” o pagkukulang ng kagawaran kaugnay sa paggastos sa ₱4.527 bilyong pondo para sa Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) o programang distance learning noong 2020-2021 at 2021-2022. Kabilang sa pinuna ng […]

Mga historyador, naglunsad ng 50-araw na countdown
August 05, 2022

Inilunsad kahapon ng mga historyador ang 50-araw na countdown bago ang ika-50 anibersaryo ng pagpataw ng batas militar ni Ferdinand Marcos Sr. Tinagurian nilang Singkwentada ang countdown na ito. Tinagurian ng grupong Tanggol Kasaysayan ang isinasagawang pag-alala sa batas militar bilang “TIPON” para patampukin ang pagtitipon ng mga materyal sa kasaysayan para labanan ang pambabaluktot […]

1969: “Small but terrible”
August 04, 2022

Maliit man ang Bagong Hukbong Bayan nang magsimula ito noong 1969, mapangahas at mapanlikha ang mga mandirigma nito. Noong Hulyo 31 at muli noong Agosto 4, 1969, pinasabugan nito ang isang bahagi ng base militar ng US sa Clark Airbase sa Pampanga. Umabot sa 14 ang kaswalti sa hanay ng mga sundalong Amerikano. Mula sa […]

Tinang 83 ngayon, Bago 129 noon
August 03, 2022

Noong Hulyo 30, 1978, 129 magsasaka ang inaresto ng pasistang diktadurang Marcos nang bungkalin nila ang tiwangwang na lupa ng panginoong maylupa na si Angel Araneta sa Bago, Negros Occidental.   Mua sa Ang Bayan, Tomo X Bilang 17, Setyembre 15, 1978 Manggagawang bukid, ikinulong dahil sa pagtatanim sa lupa ng asendero Mahigit 100 magsasaka […]

Marcos, naghirang ng sariling mga tauhan sa AFP, PNP, Comelec
August 02, 2022

May mga bagong hepe na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec). Inanunsyo nitong Agosto 1 ng Malacañang ang paghirang kina Lt. Gen. Bartolome Bacarro bilang chief of staff ng AFP at Lt. Gen. Rodolfo Azurin bilang hepe ng PNP, at George Garcia bilang Comelec Chairman. […]

Mga kawaning gwardya sa UP, nagkamit ng panimulang tagumpay
August 02, 2022

Inianunsyo ng administrasyon ng University of the Philippines-Diliman noong Hulyo 29 ang pagbabasura nito ng pinirmahang kontrata sa FEMJEG Security Agency, ang labor agency na agsuplay ng mga gwardya sa unibersidad. Nasangkot sa anomalya ang naturang ahensya matapos nitong sisantehin ang mahigit 100 gwardya na nagtatrabaho sa unibersidad bago igawad ng UP ang kontrata. Dagdag […]

PKP, nakiisa sa Linggo ng Pag-alala sa mga Martir ng CPI (Maoist)
August 01, 2022

Nagpaabot ng pakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Communist Party of India (Maoist) sa inilulunsad nitong Linggo ng Pag-alala sa mga martir ng rebolusyong Indian mula Hulyo 28 hanggang Agosto 3. Sa linggong ito, itinatanghal ng CPI (Maoist) ang mga dakilang lider ng rebolusyong Indian, mga martir sa nagdaang taon at maging ang […]

Pamana ng diktadurang Marcos I: Pagkasira ng mga bakawan
August 01, 2022

Ginunita noong Hulyo 26 ang International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem bilang pagkilala sa natatanging papel ng mga bakawan bilang depensa sa mga sakunang dala ng storm surge, tsunami, pagtaas ng tubig sa karagatan at pagguho ng lupa. Kinilala din sa araw na ito ang malaking papel ng mga bakhawanan sa ekosistemang […]