Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga guro, kasado na para sa protesta sa Mayo Uno
April 26, 2022

Isang linggo bago ang Pandaigdigang Araw sa Paggawa, nagpahayag ang mga guro sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng kanilang planong paglahok sa isasagawang protesta sa Mayo 1. Ayon sa grupo, dadalhin nila ang mga isyu ng mga guro kaugnay ng ‘kalunus-lunos na kundisyon sa paggawa’ sa ilalim ng anim na taong pagpapabaya […]

Earth Day, ginunita sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas
April 25, 2022

Naglunsad ng mga pagkilos ang iba’t ibang grupong maka-kalikasan sa Pilipinas bilang pakikiisa sa ika-52 taunang selebrasyon ng Earth Day (Araw ng Daigdig) noong Abril 22. Sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Bicol (KMB), isang grupo ng mga magsasaka, naglunsad ng protesta sa Brgy. San Francisco, Guinobatan, Albay. Lumahok dito ang mga residente sa Quarry […]

Nicaragua, umalis sa maka-US na organisasyon sa Amerika
April 25, 2022

Tuluyan nang bumaklas mula sa Organization of American States o OAS ang bansang Nicaragua noong Abril 24. Sa isang pahayag, kinundena ng ministro sa ugnayang panlabas ng bansa na si Denis Moncada ang organisasyon bilang “instrumentong pampulitika para sa interbensyon at dominasyon ng State Deparment ng gubyerno ng US.” Noon pang Nobyembre 2021 ipinaabot ng […]

Mapanirang operasyong kwari sa Surigao del Norte, pinaralisa ng BHB
April 25, 2022

Pinaralisa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Surigao del Norte ang dam truck at payloader ng isang mapanirang operasyong kwari sa Magtiaco River, Barangay San Pedro, Alegria, Surigao del Norte noong Abril 19. Tinatayang aabot sa ₱5,700,000 ang halaga ng pinsala. Ipinataw ng BHB ang sangsyon laban sa operasyong kwari na pagmamay-ari ni Alegria councilor Ruel Jalasan […]

Tiwala sa Comelec, naaagnas
April 24, 2022

Nagpahayag ng kawalang-tiwala ang mga grupong National Movement for Free Elections (Namfrel) at AES Watch sa Commission on Elections (Comelec) sa isang online briefing noong Abril 22. Anila, hindi tumatalima ang Comelec sa ligal na mga probisyon para tiyaking transparent o bukas sa pagkilatis ng publiko ang mga prosesong elektoral. Kabilang sa mga prosesong ito […]

50 taon ng pagpupunyagi ng rebolusyonaryong kababaihan
April 24, 2022

Noong nakaraang Marso 18, ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kababaihang Pilipino ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Makibaka (Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan.) Kinapanayam ng Ang Bayan ang pamunuan ng Makibaka kaugnay sa mga tagumpay at hinaharap nitong hamon: 1. Ano ang kabuluhan ng ika-50 taong anibersaryo ng Makibaka ngayong taon? Ang limang dekada ng Makibaka […]

Palalang militarisasyon sa kanayunan, inaasahan sa paglapit ng eleksyon
April 24, 2022

Nagbabala ang grupong Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura kahapon na iigting ang militarisasyon sa kanayunan sa huling dalawang linggo ng eleksyon. Anila, maaaring umulit pa, kung hindi man lumala, ang lansakang mga pag-aresto gaya ng ginawa sa humigit-kumulang 10 aktibista sa Timog Katagalugan matapos iredtag ni (Panfilo) Lacson ang campaign sortie ni (Leni) Robredo noong […]

Pangkahalatang welga, idineklara ng CPI-Maoist sa Abril 25
April 24, 2022

Idineklara ng Communist Party of India-Maoist ang Abril 25 bilang araw ng bandh o pangkalahatang welga sa rehiyon ng Dandakaranya sa estado ng Chhattisgarh bilang pagkundena sa pagpapabaya ng reaksyunaryong estadong Indian na naging sanhi sa pagkamatay ni Kasamang Nirmala (alyas Narmada Didi). Namatay si Nirmala sa loob ng kulungan noong Abril 9 dahil hindi […]

Pekeng balita kaugnay ng "paggabay" ni Ka Joma sa kampanya ni Robredo, pinasinungalingan
April 23, 2022

Pinabulaanan ni Prof. Jose Maria Sison, Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang lumabas na pekeng balita kaugnay ng umano’y “paggabay” niya sa kampanya ni Vice President Leni Robredo, kandidato pagkapangulo. Ani Ka Joma, walang katotohanan ang inilabas na artikulo ng journalnews.com.ph at sinabing hindi siya nilapitan o ininterbyu ng sumulat […]

Sa gitna ng karahasan ng Israel: Araw ng mga Bilanggong Palestino, ginunita
April 21, 2022

Ginunita noong Abril 17 sa iba’t ibang bahagi ng Palestine ang taunang Araw ng mga Bilanggong Palestino upang iprotesta sa iligal at di makatarungan detensyon ng 4,450 Palestino at ipanawagan sa Israel na kagyat silang palayain. Isinagawa ang mga pagkilos sa gitna ng panibagong pag-arangkada ng mga atake ng Israel sa mga Palestino sa Jerusalem […]