Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Monopolyong mga kumpanya sa parmasyutika, tumabo ng ₱515 bilyon sa balita ng bagong baryant ng Covid-19
December 09, 2021

Tumataginting na $10.31 bilyon (₱515.5 bilyon sa palitang $1=₱50) ang kinita ng Pfizer/BioNTech at Moderna mula sa kanilang mga sapi matapos lumabas ang balita noong huling linggo ng Nobyembre ng paglitaw at pagkalat ng bagong baryant ng Covid-19 na Omicron na ipinagpalagay na mas nakahahawa kumpara sa mga naunang baryant. Iniulat noong unang linggo ng […]

Mga grupong simbahan at magsasaka, pinatitigil ang pambobomba mula sa ere ng AFP
December 08, 2021

Magkasunod na nanawagan ang mga grupo ng magsasaka at grupo ng mga taong-simbahan at tagapagtaguyod ng kapayapaan para sa kagyat na pagpapatigil sa pambobomba mula sa ere ng Armed Forces of the Philippines. Ginawa ang panawagan matapos mabalita ang pambobomba ng mga eroplanong pandigma ng AFP sa Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1 na pumatay ng […]

Mga anti-imperyalistang gubyerno, nagbabalik sa Latin America at Carribean
December 08, 2021

Idineklara noong Disyembre 1 ang pagkapanalo ni Xiomara Castro bilang bagong presidente ng bansang Honduras. Nanalo si Castro sa plataporma ng pagbubuwis sa pinakamayayaman, pagpapalawak ng serbisyong sosyal at pagtakwil sa “bigong balangkas ng neolberalismo.” Tinalo niya ang pangkating papet na kumakatawan sa gubyernong iniluklok ng US noong 2009. Bago ang panalo ni Castro, nadepensahan […]

Hustisya para sa pinaslang na duktor sa CDO, ipinanawagan
December 07, 2021

Nagtirik ng kandila ang mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng Philippine General Hospital sa Maynila noong Disyembre 3 ng gabi para ipakita ang kanilang galit sa pagpaslang kay Dr. Raul Winston Andutan. Pinanungahan ng Council for Health and Development (CHD), ang pambansang organisasyon ng mga community-based health program (CBHPs), ang naturang protesta. Si Dr. Andutan ay […]

Pambobomba mula sa ere sa Miag-ao, mariing kinundena ng PKP at BHB
December 07, 2021

Mariing kinundena ng Partidko Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagmasaker ng militar sa isang yunit ng BHB sa Sityo Burak, Barangay Alimodias, bayan ng Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1. Dapat “kundenahin ang sobra-sobrang, walang patumanggang paggamit ng lakas at paghasik ng teror” sa mamamayan ng Armed Forces of the Philippines […]

Bakuna, ipinagdadamot ng monopolyong kumpanyang parmasyutika sa mamamayan ng mahihirap na bansa
December 07, 2021

Mas mahal ang pagbenta ng bakuna ng malalaking kumpanyang parmasyutika sa mahihirap na bansa kumpara sa pagbenta ng mga ito sa mas nakaaalwang mga bansa. Ang AztraZeneca, halimbawa, ay ibinenta ng $7 (P350 sa palitang $1=P50) sa Uganda at $5.25 (P262.50) sa South Africa. Pero ibinenta lamang ito ng kumpanya sa mga bansa sa European […]

Isinampang libel laban sa mga nag-ulat kaugnay sa Malampaya, atake sa kalayaan sa pamamahayag
December 04, 2021

Sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines ngayong araw, nanindigan ito sa mga kasamahan nito sa midya na kasalukuyang nahaharap sa mga kaso ng libel at cyberlibel na isinampa ng kalihim sa enerhiya na si Alfonso Cusi at negosyanteng si Dennis Uy. Ayon sa grupo, malinaw na ang mga kasong ito ay […]

Summit of Democracies: Demokrasya ayon sa dikta ng imperyalismong US
December 04, 2021

Sa darating na Disyembre 9 at 10, titipunin ng US ang 110 bansang itinuturing nitong mga “demokrasya” sa isang pagpupulong na tinaguriang “Summit of Democracies” (Pagpupulong ng mga Demokrasya). Layunin umano ng pagpupulong na ito ang labanan ang awtoritaryanismo at itaguyod ang mga “karapatan at kalayaan” sa buong mundo. Gayunpaman, imbitado rito ang mga bansang […]

Mga pulis na pumatay sa lider-masa ng Southern Tagalog, kinasuhan na
December 02, 2021

Sinampahan na ng mga kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpaslang sa lider-manggagawa at provincial coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-Cavite) na si Emmanuel “Manny” Asuncion. Resulta ito sa imbestigasyong ng Department of Justice (DoJ) na iginiit ng pamilya at mga grupong tagapagtanggol ng karapatang-tao. Kabilang si Asuncion sa siyam na biktima ng […]

Sa Araw ni Bonifacio, sigaw ng manggagawa: Kabuhayan, Karapatan, Kalayaan!
December 01, 2021

Nagtipon kahapon ang 5,000 myembro ng iba’t ibang demokratikong organisasyon sa Welcome Rotunda sa hangganan ng Quezon City at Maynila para gunitain ang ika-158 taon ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Ipinanawagan nila ang “Kabuhayan, Karapatan at Kalayaan”. Binatikos nila ang rehimeng Duterte sa kahirapan at mga panggigipit na dinaranas ng iba’t ibang sektor […]