Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Inaresto ng mga pulis at sundalo ang mga magsasakang sina Judy Blazer, 61, at Junjie Camanso, 30, sa Sityo Mainit, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Setyembre 10. Sinampahan sila ng gawa-gawang kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay at pinaratangang may kaugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang totoo, si Blazer ay dating kasapi ng […]
Hindi mareresolba ng samutsaring mungkahi ng mga mambabatas ang kapalpakan ng SIM Registration Law sa paggupo ng mga text scam at cybercrime o mga krimen gamit ang internet. Ito ang pahayag ng Junk SIM Registration Network sa nagaganap na pagdinig sa Senado sa nakaraang mga linggo kaugnay sa epektibidad ng naturang batas. Lumabas sa serye […]
Ibinasura ng korte ang panlima at huling kaso ng tax evasion (di pagbabayad ng buwis) laban kay Maria Ressa at kumpanyang Rappler na isinampa noong panahon ng rehimeng Duterte. Samantala, inilantad ng mga estudyanteng mamamahayag sa Ateneo de Naga ang panggigipit sa kanila ng mga sundalo. Binati ng National Union of Journalists of the Philippines […]
Para ipakita ang nag-aalburutong galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol. “31st IB, layas! Mamamatay-tao!” “AFP Terorista!” “Oust Marcos Jr!” ang ilan sa matatapang na salitang ipininta […]
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagbisita kahapon, Setyembre 3, ng matataas na upisyal ng US sa ginagawang tatlong base militar ng US, mga tinawag na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site. Ang pagbisita ay bahagi ng nakatakdang pagpupulong ng mga upisyal militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US ngayong […]
Nagtipon nitong Martes, Setyembre 12, ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP)-Diliman sa Palma Hall sa kampus nito sa Quezon City para magprotesta kasabay ng pagbubukas ng klase para sa bagong akademikong taon sa unibersidad. Iginiit ng mga estudyante ang kanilang demokratikong karapatan at tinutulan ang planong pagkaltas sa badyet sa UP at […]
Kinundena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate ang pagpatay ng mga armadong elemento ng estado sa 67-anyos na magsasakang si Naldo Canama sa Sityo Angkay, Barangay Tubog sa bayan ng Cawayan noong Setyembre 7. Lulan ng motorsiklo ang tatlong armadong elementong bumaril at pumatay kay Canama. Si Canama ang ika-19 na biktima ng pampulitikang […]
Nagprotesta kahapon, Setyembre 12, ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno laban sa nagtataasang presyo ng mga bilihin, laluna ng bigas. Binatikos nila ang kautusan ng estado para kontrolin ang presyo na anila’y pakitang-tao, at hindi tumutugon sa tunay na mga dahilan kung bakit sumisirit ang presyo ng bigas. Panawagan nila, itaas ang […]
Nagsagawa ng operasyong haras ang isang yunit ng milisyang bayan laban sa kontra-insurhensya yunit ng pulis na nasa Sityo Kampoon, Barangay Batuhan, Masbate City noong gabi ng Setyembre 3. Hindi bababa sa tatlong pulis ang nasugatan sa armadong aksyon. Ang naturang barangay at mga karatig pang komunidad nito sa Masbate City ay malaon nang ipinaiilalim […]
Naghain ng kasong sibil sa Quezon City Regional Trial Court ang mamamahayag na si Atom Araullo laban sa mga ahente ng National Task Force-Elcac na si Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celis nitong Lunes, Setyembre 11. Isinampa niya ang kaso kaugnay ng walang tigil na paninira at pagkakalat ng kasinungalingan nina Badoy-Partosa at Celis kay Araullo […]