Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Pansamantalang napaatras ng mga Masbatenyo ang planong pambobomba ng 2nd IB sa Mt. Uac at Mt. Bagulayag sa Masbate island na isasagawa sana noong Setyembre 16-18. Napaatras ang pambobomba sa harap ng mahigpit na pagtutol ng mga residente sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo. Batid nila na layuning ng pambobomba na takutin at […]
Iniulat kahapon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-West Cagayan na napatay sa isang armadong aksyon nito ang walong sundalo ng 17th IB noong Hulyo 27 sa Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan. Sa panahong iyon, nag-ooperasyon ang dalawang batalyon ng 5th IB sa mga bayan ng Lasam, Sto. Nino at Rizal sa nabanggit na prubinsya. Mismong mga residente […]
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema noong Lunes, Setyembre 18, ang Bayan Muna Partylist, kasama si Sen. Koko Pimentel III, para ipadeklarang labag sa konstitusyon ang Maharlika Investment Fund Act (RA 11954). Nagtungo sa korte ang dating mga kinatawan ng Bayan Muna na sina Atty. Neri Colmenares, Ferdinand Gaite at Carlos Zarate para hamunin ang […]
Nagsagawa ng motorcade noong Setyembre 18 ang anim na grupo sa agrikultura para igiit ang pagpapatalsik sa pwesto ni Sec. Benjamin Diokno ng Department of Finance, at ang pinuno ng National Economic Development Authority na si Sec. Arsenio Balicasan. Ito ay matapos mapabalita na itinutulak ng dalawa ang pagpapababa hanggang lubusang pagtatanggal ng taripa sa […]
Dinukot ng hinihinalang mga pwersa ng estado ang organisador ng magsasaka na si Bea Lopez, at ang magsasaka at drayber ng traysikel na si Peter Agrabante noong Setyembre 15 sa Sipalay City, Negros Occidental. Sa ulat ng lokal na radyo, natagpuan ang bangkay ni Agrabante sa Satori Cliff sa Barangay Nagbo-alao, Basay, Negros Oriental noong […]
Habang binati ng grupong Migrante ang mabilis na paglilitis sa gumahasa, pumatay at nagsunog sa bangkay ng kasambahay na si Jullebee Ranara sa Kuwait, dismayado ito sa hatol na 15-taong pagkakakulong ng salarin. “Naniniwala kami na insulto sa pamilya ni Jullebee, mga migrante at lahat ng mga Pilipino na naghahangad ng hustisya ang hatol na […]
Magkasunod na protesta ang inilunsad ng mga estudyante ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) at Ateneo de Davao University (AdDU) kahapon at ngayong araw bilang paninindigan laban sa pagpapatupad ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa. Inilunsad ito kaugnay ng nalalapit na pinal na pagdinig ng panukalang Mandatory ROTC sa Senado sa Setyembre […]
Dismayado ang mga manggagawa sa Central Visayas sa huling-huli at napakaliit na ₱33 dagdag-sahod sa rehiyon na ibibigay simula Oktubre. Ayon sa Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno (AMA Sugbo-KMU), malayo ang dagdag-sahod sa ₱100-₱292 na ipinetisyon ng mga samahang manggagawa, at sa ₱1,236 nakabubuhay na sahod na kinakailangan sa rehiyon. Mula sa […]
Ikinasa ng mga manggagawa sa tatlong malaking kumpanya ng sasakya sa US ang kanilang welga noong Hwebes, Setyembre 14, bilang tugon sa tumatagal at posibilidad ng hindi pagkakasundo sa negosasyon para sa bagong collective bargaining agreement (CBA). Nagwalk-out sa kanilang mga trabaho ang 13,000 manggagagawa ng General Motors, Ford at Stellantis (tinawag na Big 3) […]
Nagsagawa ng pagkilos noong Setyembre 14, ang mga kasapi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), kasama ang iba pang demokratikong grupo, sa Boy Scout Rotonda, Quezon City para kundenahin ang brutal na pagpaslang sa abugadong si Atty. Maria Saniata Alzate. Binaril sa harap ng kanyang bahay sa Bangued, Abra noong Setyembre 14 si Alzate, […]