Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Halos kalahati, o 41.6% ng mga estudyante sa kolehiyo ang tumigil sa kanilang pag-aaral noong panahon ng pandemya. Alinsunod ito sa datos na ipinrisinta ng Commission on Higher Education sa pagdinig ng Kongreso ng badyet ng ahensya noong Agosto 23. Ibinase ng ahensya ang taya na ito sa bilang ng mga estudyanteng nagtapos ngayong taon […]
Pinakikilatis ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ginastos ni Sara Duterte na ₱125 milyon bilang confidential funds noong 2022. Aniya, wala ito sa badyet na ibinigay sa bise presidente noong nakaraang taon. “Sa General Appropriations Act (GAA) FY 2022, walang nakalagay na ₱125 milyon confidential funds para sa upisina […]
Dagdag na pahirap ang panukala ni Rep. Dette Escudero ng Sorsogon na magtayo ng multi-species marine hatchery sa bayan ng Gubat dahil pantabing ito sa malawakang pangangamkam ng lupa sa lugar. Papatong ito sa perwisyo sa kabuhayan ng mga mag-aalimango sa bayan na ibinunsod ng pagtatayo ng coastal road at pagbabawal sa kanilang manghuli ng […]
Halos isang buwan na matapos ang dedlayn ng pwersahang pagpaparehistro ng mga SIM Card pero kabi-kabila pa rin ang mga kaso ng text scam sa Pilipinas. Noong nakaraang linggo, natuklasan ng mga pulis ang 24,000 SIM na pre-registered sa isang upisina ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pasay City. Napag-alamang ginamit ang mga ito […]
Kinundena ng grupong Migrante International ang dagdag na mga rekisito sa pagbyahe na ipinataw ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) noong nakaraang linggo. Alinsunod sa bagong patakaran nito, kailangang magpakita ng dagdag na mga dokumento ang mga migrante, tulad ng patunay ng may pampinansya silang kapasidad o “show money” bago sila payagang sumakay sa eroplano. […]
Nakatanggap ng tulong pampinansya ang mga magtutubo sa Batangas sa ikalawang beses ng pamamahagi ng ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng pangunahing asukarera sa prubinsya. Isinagawa ang pamamahagi noong Agosto 24 sa tatlong bayan sa Batangas. Matagal na ito nilang iginiit. Ang mga nakatanggap ay pinroseso ng samahan ng mga magtutubo […]
Nagtungo ang mga mangingisda at tagapagtanggol ng kalikasan ngayong araw sa Japanese Embassy sa Maynila para batikusin ang gubyerno ng Japan sa pagtatapon sa Pacific Ocean ng mahigit isang milyong toneladang kontaminadong tubig na ginamit sa pagpapalamig ng plantang nukleyar sa Fukushima. Lumahok sa protesta ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), Earth […]
Sadyang pinatay ng mga sundalo ng 96th IB at mga pulis ng Masbate ang tatlong sibilyang babae sa Barangay Jagnaan sa San Jacinto, isla ng Ticao, Masbate noong Agosto 19. Pinalalabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay ang tatlo sa isang armadong sagupaan sa pagitan ng 96th IB at ng Bagong Hukbong […]
Kinundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay (Napoleon Tumagtang Command) ang pagdukot at sadyang pagpatay ng mga pwersa ng estado sa dalawang mandirigmang wala sa katayuang lumaban noong Hulyo 29. Sa naunang pahayag ng 61st IB, pinalalabas nito na napatay sina Jenny Fariolan (Ka Hope) at John Eric Talibo (Ka Blue) sa isang sagupaan sa […]
Dinukot ng mga ahente ng Philippine National Police (PNP)-Batangas ang tsuper na si Jose Escobio noong Agosto 24 sa hindi malinaw na mga dahilan, ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan. Si Escobio ay isang tsuper na namamasada ng multicab sa Lipa City, Batangas at inaarkila para sa mga byahe. Ayon sa […]