Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

₱10B "confidential" at "intelligence" funds sa panukalang badyet, binatikos
August 05, 2023

Binatikos ng ilang senador at kongresista ang ₱10.14 bilyon na nakalaang confidential at intelligence fund (CIF) para sa mga upisina ng presidente, bise presidente at iba’t ibang ahensya sa panukalang badyet para sa 2024. Sa isinapubliko nang panukalang ihaharap ng rehimen sa Kongreso, nakalagay ang alokasyon na ₱5.277 bilyon para sa “intelligence” o “gastusing paniktik” […]

Pagtatalaga ni Marcos ng mga upisyal ng CORDS, binatikos ng NDFP
August 04, 2023

Tinuligsa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagtatalaga ni Marcos Jr noong Hulyo 31 ng mga upisyal ng Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS) sa balangkas ng National Task Force-Elcac. Ayon sa NDFP, pagkakasangkapan ito sa sibilyang burukrasya bilang isang “armas.” Ang pagtatalaga ng mga CORDS, tulad ng ginawa ng […]

59th IB, nambubulabog sa komunidad sa Batangas
August 04, 2023

Nagrereklamo ang mga residente sa pangamba at perwisyong hatid ng operasyong kombat ng 59th IB sa Barangay Putol, Tuy, Batangas simula Agosto 3. Ayon sa Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas, inokupa ng mga sundalo ang bahay ng mga residente at mayroong usap-usapang magtatagal nang dalawang linggo ang operasyong kombat. Hindi bababa sa 30 […]

Soberanya ng mga bansa sa Latin America at Caribbean, iginiit sa CELAC-EU summit
August 03, 2023

Inilunsad noong Hulyo 17 at 18 ang pagtitipon ng mga lider at kinatawan ng mga bansa mula sa Community of Latin American and Caribbean States (CELAC) at European Union (EU) sa Brussels, Belgium para palakasin ang “pagtutulungan” sa pagitan ng dalawang blokeng panrehiyon. Sa pulong, mahigpit na iginiit ng mga gubyernong bumubuo ng CELAC ang […]

PKM-Rizal, nakiramay sa mga namatayan sa lumubog na bangka sa Binangonan
August 03, 2023

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa mga kaanak ng nasawing 27 kataong sakay ng lumubog na pampasaherong bangka sa Laguna de bay sa Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal na patawid tungo sa Barangay Gulod sa Talim Island noong Hulyo 27, 2023. Dagdag sila sa 21 namatay, walong nawawala dahil sa pagguho ng […]

Agosto 26, itinakdang Internasyunal na Araw ng Pagkilos para sa kilusang mapagpalaya sa Pilipinas
August 02, 2023

Ilulunsad ng Friends of the Filipino people in Struggle (FFPS) sa Agosto 26 ang isang Global Day of Action para suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa pambansang paglaya. Itinaon nila ang aktibidad sa anibersaryo ng “Sigaw ng Pugad Lawin” kung saan pinangunahan ni Andres Bonifacio ang pagpupunit ng mga sedula bilang simbolo ng […]

70 taon ng pakikibaka para sa soberanya at kapayapaan ng mamamayang Korean, ginunita
August 02, 2023

Nakiisa ang International League of Peoples’ Struggle (ILPS) at iba’t ibang organisasyon sa Asia sa pagdiriwang ng ika-70 taong anibersaryo ng pagtatagumpay ng mamamayang Korean laban sa imperyalistang gera ng US noong Hulyo 27. Sa araw na iyon, isinagawa ng mga organisasyon ang isang “watch party” (sabayang panonood) sa isang pagtitipon na isinagawa sa Bali, […]

"Big time" na pagtaas ng presyo ng langis ngayong Agosto, tinutulan
August 01, 2023

Pagpatak ng alas-6 ng umaga ngayong unang araw ng Agosto, tumaas ang presyo ng langis nang hanggang ₱3.50 kada litro. Kahapon, isang araw bago ang pagsirit na ito sa presyo ng langis, nagtipon ang mga manggagawa at mga tsuper sa harap ng Philcoa sa Quezon City para iprotesta ang isa na namang “bigtime” na pagtaas […]

Magsasakang matagal nang ginigipit ng pulis at militar sa Negros Oriental, pinasurender
August 01, 2023

Labag sa kanyang mga karapatan, si Tonying Sulano, isang magsasaka, ay ipinarada bilang “surenderee” ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-7 ng Philippine National Police noong Hulyo 30 sa Barangay Nagbagang, Santa Catalina, Negros Oriental. Ilang taon nang paulit-ulit na ginigipit ng pulis at militar si Sulano. Pinalalabas ng mga pulis na sumuko si Sulano dala […]

Detatsment militar sa Guihulngan City, pinaputukan ng BHB
August 01, 2023

Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa mga pasistang sundalo ng 62nd IB na nakahimpil sa Casingan Army Detachment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros noong Hulyo 30. Nilapitan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment at saka pinaulanan ng bala pasado […]