Archive of AB Dailies

3 kabataang tanggol-katutubo, dinukot ng 203rd IBde sa Mindoro
October 04, 2023

Tatlong kabataang lingkod-katutubo ang dinukot ng mga pwersa ng 4th IB at 203rd IBde sa Sityo Malaglag, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 19. Ang mga biktima ay kinilala bilang sina Job Abednego David, Jimby del Monte, at Alia Encela. Nakumpirma ngayong araw ng Karapatan-Southern Tagalog na nakakulong sa kampo militar ng 203rd IBde […]

Hustisya sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid, patuloy na iginigiit
October 04, 2023

Nagprotesta ang mga mamamahayag sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Department of Justice sa Ermita, Manila kahapon, Oktubre 3, para ipanawagan ang hustisya at mabilis na resolusyon sa pagpatay sa brodkaster sa radyo na si Perceival Mabasa, kilala din bilang Percy Lapid. Si Mabasa ay inambus ng mga lalaking […]

2 sundalo ng 10th ID, napatay sa armadong aksyon ng BHB sa Bukidnon
October 04, 2023

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon ngayong araw ang mga armadong aksyon na inilunsad ng mga yunit nito sa prubinsya noong Setyembre. Pinatamaan ng armadong aksyon ang mga yunit ng 10th ID. Inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng 48th IB na nagbabantay sa isang tsekpoynt sa Barangay Cawayan sa Quezon, Bukidnon noong Setyembre […]

Mga mangingisda, tutol sa nababalitang itatalagang kalihim sa agrikultura
October 03, 2023

Tutol ang mga mangingisda kabilang sa grupong Pamalakaya kay Francisco Tiu Laurel Jr bilang posibleng kalihim ng Department of Agriculture. Napabalitang siya ang papalit kay Ferdinand Marcos Jr na nagsisilbing kalihim ng DA mula nang maupo siya sa poder. Si Laurel ay may-ari ng Frabelle Fishing Corporation, isang kumpanya sa pangisda na may mga upisina […]

2 sanggol at higit 8 pang sibilyan, dinukot at sikretong ikinulong ng 8th ID
October 02, 2023

Nananatiling nakapiit, hindi mabisita ng mga kaanak, at walang ligal na representasyon ang dalawang bagong silang na sanggol at kanilang mga ina, kasama ang iba pa sa kampo ng 8th ID sa Barangay Maulong, Catbalogan, Samar. Hindi bababa sa 10 ang biktima ng sikretong detensyon sa naturang kampo at nakapailalim sa emosyonal, pisikal at mental […]

80-anyos na ginang, namatay sa sindak dulot ng pamamaril ng 2nd IB
October 02, 2023

Namatay sa labis na takot at pangamba ang 80-anyos na ginang na si Amparo Maglasang Juanillo matapos ang walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 2nd IB sa komunidad nila sa Sityo Mabuhay, Barangay Liong, Cataingan, Masbate noong Oktubre 2, alas-7 ng umaga. Ang matanda ay naiwan sa kanyang bahay nang magsitakbuhan sa takot ang mga […]

Ayuda sa maralitang biktima ng sakuna, iginigiit
October 01, 2023

Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente […]

Bayan sa Laguna, isinasailalim sa militarisasyon sa tabing ng eleksyong pambarangay
October 01, 2023

Naiulat kamakailan ang pagtatambak ng mga sundalo mula sa 1st IB at mga tangke de gera sa bayan ng Santa Maria sa Laguna, isang bayan na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre. Ipinakat ang naturang mga tropa sa lugar sa tabing ng pagpapanatili ng seguridad sa bayan kaugnay ng nalalapit na halalang pambarangay sa […]

Nag-ooperasyong tropa ng 80th IB, pinatamaan ng BHB-Quezon
September 30, 2023

Isang sundalo ng 80th IB ang napatay at dalawa pa ang nasugatan sa armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon noong Setyembre 27 sa Sityo Mararaot, Barangay Lumutan, General Nakar, Quezon. Ang naturang yunit ng 80th IB ay halos dalawang linggo nang nag-ooperasyon sa lugar. Ang General Nakar ay bogus na idineklarang “insurgency-free” noon pang […]

Grupo ng kababaihang magsasaka, di bilib sa mga pahayag ni Marcos sa liberalisasyon at presyo ng bilihan ng bigas
September 30, 2023

Tinawag ng grupo ng kababaihang magsasaka na Amihan na “hindi kapuri-puri” ang desisyon ni Ferdinand Marcos Jr na tanggihan ang rekomendasyon ng mga upisyal ng estado na ibaba kundiman tanggalin ang taripa sa imported na bigas. “Hindi kapuri-puri si Marcos Jr dahil ang nagtulak ng zero tariff ay mga appointees n’ya, alter-ego niya sa mga […]