Mahigit tatlong taon na ang mga kampanyang panunupil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Far South Mindanao Region (FSMR). Naglulunsad ito ng sustenido at papatinding mga operasyong militar sa mga prubinsya sa rehiyon para ipagtanggol ang panghihimasok at pandarambong ng mga multinasyunal at lokal na kumpanya sa agribisnes at mina. Sa tabing ng […]
Sa ika-50 taong anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS), ginunita ng iba’t ibang organisasyon ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan. Simula Enero 26, inilunsad ang serye ng mga aktibidad sa pangunguna ng FQS Movement. Ayon kay Prop. Jose Maria Sison, dakila at napapanahong tungkuling gunitain ang FQS ng 1970 at tularan ang mga […]
Dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pampublikong transportasyon sa buong bansa, maraming komyuter ang natutulak na tumangkilik sa serbisyo ng mga drayber ng mga motorsiklong taxi sa kalunsuran at habal-habal sa kanayunan. Imbis na paunlarin ang nabubulok nang sistema ng transportasyon, inuuna ng rehimeng Duterte ang pag-atake sa kabuhayan ng mga drayber na […]
PUMANGALAWA ANG METRO Manila sa listahan ng mga lunsod sa buong mundo na may pinakamasahol na problema sa trapik. Ito ay ayon sa Traffic Index 2019, isang ulat na inilabas noong nakaraang buwan ng kumpanyang German na TomTom. Ang nasabing ulat ay tumatalakay sa sidhi ng problema sa trapik sa 416 na mayor na mga […]
Isang kumpanyang Japanese ang Nissen Electronics Philippines na gumagawa ng fuse para sa mga sasakyan. Nagsusuplay ito sa mga kumpanya tulad ng Toyota, Nissan, Ford at Isuzu. Ito ay lokal na subsidyaryo ng multinasyunal na Nippon Seisen Cable, Ltd na nakapagtala ng kabuuang benta na 10 bilyong yen (P4.6 bilyon) noong Marso 2018. Nagsimula ang […]
Pinaslang ng mga sundalo ng berdugong 4th IB ang mga sibilyan na sina Mark Ederson Valencia Delos Santos at Jay-ar Mercado sa Barangay Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro noong Enero 31. Si Mercado ay boluntir na organisador ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Southern Tagalog na dinukot ng militar noong Enero 26. Inilibing […]
BINATIKOS NG MGA grupo ng mangggagawa ang PNP matapos nitong i-anunsyo ang pagtatayo ng mga Joint Industrial Peace and Concern Office (JIPCO) sa mga sonang pang-ekonomya sa Central Luzon noong Enero 22. Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights, ililigalisa lamang nito ang malawakang paglabag sa karapatang tao sa mga sonang pang-ekonomya. Pinagtibay […]
HUSTISYA ANG PANAWAGAN ng mga aktibista at kaanak ng konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Randy Felix Malayao, isang taon matapos siyang paslangin. Nagprotesta sila noong Enero 30 sa harap ng Camp Melchor dela Cruz ng 5th ID sa Gamu, Isabela. Marahas na binuwag ng mga pwersa ng militar ang protesta. […]
Sa Northern Samar, 15 magsasaka mula sa Barangay Osmeña, Palapag ang inaresto noong Enero 22 at 23. Dinakip ng mga elemento ng 20th IB sina Constancio Capate Martinico, Renaldo Longcop, Gonzalo Magayes, Jomar Orua, Delphin Meraya Jr. at JR Laoreno. Dinala ang anim na magsasaka sa kampo kung saan sila ininteroga. Sa sumunod na araw, […]
ILANG ARAW MATAPOS i-utos ng Regional Peace and Order Council 11 ang pagpapasara ng UCCP Haran Center sa Davao City, sinalakay ito ng mga paramilitar noong Enero 25. Bitbit ang mga sundang, sinira ng mga kasapi ng Alamara, grupong paramilitar na hawak ng berdugong militar, ang mga pader at bakod ng Haran kung saan tumutuloy […]