Welga ng mga manggagawa ng Regent Foods, binuwag
November 21, 2019

MARAHAS NA BINUWAG ng mga pulis at bayarang maton ng Regent Foods Corporation ang welga ng Regent Food Workers Union sa mga pabrika nito sa Pasig City at Taguig noong Nobyembre 9. Dalawampu’t apat na indibidwal ang iligal na inaresto, kabilang ang dalawang myembro ng Defend Job Philippines at isang drayber ng traysikel na nagkataong […]

Huwes, pinarangalan sa Cordillera
November 21, 2019

PINARANGALAN NG MGA tagapagtanggol sa karapataong-tao at mga progresibong organisasyon sa Cordillera ang huwes na si Mario Anacleto Bañez sa kanyang lamay noong Nobyembre 11. Binaril at pinatay ng di nakilalang mga lalaki si Bañez sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Mameltac, San Fernando, La Union noong Nobyembre 6. Siya ay huwes ng Regional […]

Rali laban sa OceanaGold
November 21, 2019

NAGRALI ANG 200 residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya at kanilang mga tagasuporta sa harap ng Malacañang sa Maynila noong Nobyembre 18. Ipinababasura ng Save Nueva Vizcaya Movement ang ibinigay na pahintulot ng Department of Environment and Natural Resources para muling makapagmina ang OceanaGold Philippines, Inc. ng ginto at tanso sa lugar. Ayon sa mga residente […]

Pagpupundar ng Pulang kapangyarihan sa Delta Serra
November 21, 2019

Kalagitnaan ng tag-araw noong 2014 nang sa unang pagkakataon ay nakarating at nagtagpo ang dalawang platun ng BHB sa pusod ng Delta Serra matapos ang ilang buwang pagsisikhay sa gawaing ekspansyon. Ang Delta Serra ay isang malawak na kabundukan na umuugnay sa apat na prubinsya sa Mindanao. Ang kalakhang bahagi nito ay hindi pa nararating […]

Kudeta sa Bolivia, pakana ng US
November 21, 2019

Kinundena ng progresibong mamamayan at mga lider sa buong mundo ang kudetang inudyukan ng US na nagtanggal kay Evo Morales bilang halal na presidente ng Bolivia noong Nobyembre 10. Kusang nagbitiw sa pwesto si Morales sa gitna ng mararahas na demonstrasyon na pinasimunuan ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Nagpasya siyang magdistyero sa Mexico matapos […]

Maanomalyang gastos sa SEA Games, binatikos
November 21, 2019

UMANI NG KABI-KABILANG batikos ang napalaking gastos sa pagtatayo ng monumento para sa ika-30 Southeast Asia (SEA) Games na magbubukas sa Nobyembre 30. Nagkakahalaga ng ₱50 milyon ang naturang monumento, na pakantyaw na tinaguriang “Kaldero ni Cayetano.” Ipinangalan ito kay Rep. Allan Peter Cayetano, tagapangulo ng Philippine SEA Games Organizing Committee na nangangasiwa sa palaro. […]

Wakasan ang batas militar at pandarambong sa Mindanao at buong bansa
November 21, 2019

Sawang-sawa na ang mamamayan ng Mindanao na mabuhay sa ilalim ng paghahari-hariang militar at terorismo ng estado. Sa loob ng halos tatlong taon, araw-araw nilang pinagdurusahan ang mga pagpatay, pagdakip at pagkukulong, paninindak, pagmamanman at iba pang mga abusong militar. Pinagkaitan sila ng puwang na magpahayag ng kanilang hinaing o magpamalas ng kanilang protesta laban […]

Tapuson ang balaod militar ug ang pagpangawkaw sa Mindanao ug sa tibuok nasud
November 21, 2019

Napul-an na kaayo ang katawhan sa Mindanao nga mabuhi ilalum sa pagharing militar ug terorismo sa estado. Sulod sa halos tulo ka tuig, adlaw-adlaw nilang giantus ang mga pagpamatay, pagpangdakop ug pagbilanggo, pagpanghadlok, pagpaniktik ug uban pang mga abusong militar. Gihikawan sila og katungod nga magpadayag sa ilang yangungo o magpakita og pagbatok sa gisagubang […]

Larab | Nobyembre 16, 2019
November 20, 2019

Download PDF

Kalatas | Oktubre 2019
November 19, 2019 |

Download PDF