Walang puknat ang pagdaluyong ng kilusang protesta laban sa korapsyon at burukratang kapitalismo ng rehimeng US-Marcos. Sa iba’t ibang panig ng bansa, tuluy-tuloy ang mga walkout, rali at martsa sa mga eskwelahan, komunidad, pagawaan at upisina. Mariing ipinapahayag ng mamamayang sadlak sa hirap at pagdurusa ang kanilang abot-langit na poot sa dambuhalang pagnanakaw ng mga […]
Download MP3 Download
Download
Tuluy-tuloy ang pagsiklab ng mga rali at demonstrasyon ng mga demokratikong uri at sektor sa iba’t ibang panig ng bansa sa nagdaang dalawang linggo para patuloy na kundenahin ang malawakang korapsyon ng rehimeng Marcos. Tuntungan nila ang rali ng daan-daanlibong Pilipino sa Luneta Park sa Maynila at kasunod na martsa sa Mendiola. Sa malaking protesta […]
Download
Naghuhugas kamay si Ferdinand Marcos Jr sa nabubunyag na mga anomalya at korapsyon kaugnay sa mga proyektong flood control. Pinalalabas niyang wala siyang kinalaman sa mga ito at nagkukunwari pang interesado sa pagpapanagot ng mga magnanakaw ng pondo. Tulad ng paggamit ng rehimeng Duterte sa “matrix” noon ng kunwa’y mga drug lord na pulitiko, ginagamit […]
Pinatawan ng rebolusyonaryong kilusan ng parusa si Garde Francisco, aset paniktik ng 15th IB at mayroong patung-patong na kasong kriminal laban sa rebolusyonaryong kilusan at mga sibilyan. Napatay siya sa pagsalakay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr) sa kanyang bahay sa Sityo Lumbia, Barangay Kamansi, Kabankalan City, Negros Occidental noong Oktubre 3 […]
Nagtipon noong Setyembre 30 sa San Pablo Apostol Parish Church sa Maynila ang daan-daang residente ng Smokey Mountain at iba pang barangay ng Tondo, at mga lider-relihiyoso at maka-kalikasang grupo para itatag ang Manila Anti-Incinerator Alliance (MAIA). Ang pagtitipon, na itinaon sa paggunita sa Day of Action Against Incineration, ay may layuning labanan ang planong […]
DAlawang myembro ng Komite Sentral ng Communist Party of India (Maoist) ang higit 10 araw na sikretong idinetine bago sadyang pinaslang ng armadong pwersa ng rehimeng Modi noong Setyembre 22. Pinalalabas ng rehimeng Modi na napaslang sa engkwentro ang dalawa sa Abujhmad para pagtakpan ang krimen at takasan ang pananagutan nito. Ayon sa mga ulat, […]
Walang tigil ang paghahasik ng karahasan ng rehimeng Marcos at armadong pwersa nito laban sa mamamayan sa nagdaang mga linggo. Naitala ang dalawang kaso ng pagpatay, pamamaril at panggigipit sa mga lider-masa sa Visayas. Noong Oktubre 5 ng gabi, pinatay ng pinagsanib na pwersang militar at pulis si Roberto Cabales at magsasakang si Matteo Suarez […]