Kayod-kalabaw ang kababaihang magsasaka
March 21, 2021

Sinasabing isang “di nakikitang” pwersa sa paggawa ang kababaihang magsasaka. Sa datos ng Center for Women’s Resources noong 2018, 644,000 lamang na kababaihan ang ibinilang ng estado sa sektor ng agrikultura. Ang napakaliit ng bilang na ito ay dahil kalakhan sa kanila ay walang sariling lupa at nakakategorya bilang mga “maybahay.” Ito ay sa kabila […]

Mga protesta
March 21, 2021

Araw ng Kababaihan. Higit isanlibo ang nagmartsa tungong tulay ng Mendiola sa Maynila para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis noong Marso 8. Sa pangunguna ng Gabriela, iginiit ng mga organisasyon ang kagyat na ayuda, kabuhayan, sahod at trabaho. Naglunsad din ng kasabay na mga protesta sa Baguio City, Bulacan, Naga City, at Iloilo […]

Sa madaling salita
March 21, 2021
Mahigit 1 milyong kababaihan, nalaglag sa pwersa sa paggawa
March 21, 2021

Mahigit isang milyong kababaihan ang nalaglag sa pwersa sa paggawa noong nakaraang taon. Halos doble ito sa bilang ng kalalakihan (600,000) na nalaglag sa parehong panahon. Sa gayon, 19.7 milyon o mahigit kalahati ng kababaihang may edad 15-pataas ang hindi itinuturing na bahagi ng pwersa sa paggawa. Sa mahigit 37 milyong kababaihang nasa naturang mga […]

Manipulasyon sa presyo ng langis
March 21, 2021

Una sa dalawang-bahaging serye kaugnay sa industriya ng langis sa Pilipinas. Kasuklam-suklam ang pagkakamal ng super-tubo ng mga kumpanya sa langis habang ang mamamayang Pilipino ay dumaranas ng labis na hirap sa gitna ng matinding krisis sa ekonomya at pandemya. Noong Marso 17, muli na namang itinaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Simula Enero […]

Pagmimina ng magnetite sa Cagayan
March 21, 2021

Sinimulan na noong nakaraang buwan ang tinaguriang Cagayan River Rehabilitation Project, isang programa sa paghuhukay ng maitim na buhangin (tinatawag na black sand na nagtataglay ng mineral na magnetite) sa bahagi ng Cagayan River sa bayan ng Gonzaga para umano “pigilan ang pagbara” nito. Ang magnetite ay pangunahing sangkap na ginagamit sa paggawa ng asero. […]

Pagbubuo ng militar at pulis ng hitlist, nabunyag
March 21, 2021

Nabunyag kamakailan ang pangangalap ng rehimeng Duterte ng mga pangalan ng mga guro, kawani at abugadong target para sa sistematikong red-tagging at “nyutralisasyon.” Noong Marso 10, naisapubliko ang isang memorandum ng Department of Interior and Local Government na nag-utos sa mga ahensya ng estado na ilista at isumite sa pulis at militar ang mga pangalan […]

"Madugong Linggo" sa Southern Tagalog, kinundena
March 21, 2021

Kaliwa’t kanan ang pagkundena ng mga indibidwal, organisasyon at maging mga ahensya ng estado sa pagpatay sa siyam na aktibista at pag-aresto sa anim pa noong Marso 7 sa tinaguriang “Madugong Linggo” sa apat na prubinsya sa Southern Tagalog. Maliban sa limang biktimang unang naiulat ng Ang Bayan noong Marso 7, ang apat na pinaslang […]

Lider ng Partido at kanyang asawa, brutal na pinaslang
March 21, 2021

Dinukot, ilang buwan na idinetine nang palihim, at tinortyur bago pinatay sa pamamagitan ng paggarote ang mag-asawang sina Antonio Cabanatan, 74, at Florenda Yap, 65. Iniwan ng mga berdugo ang kanilang mga bangkay sa isang bahay sa Barangay Botong, Oton, Iloilo noong Disyembre 26, 2020. Ilang taon nang retirado sa Partido ang mag-asawa dulot ng […]

Giriang militar ng US-China, paiigtingin ng administrasyong Biden
March 21, 2021

Hindi nag-aksaya ng panahon ang bagong-upong administrasyong Biden para ikonsolida ang kapangyarihang militar ng US sa rehiyon ng Asia-Pacific. Sunud-sunod ang mga hakbang nito para sa pagpapatindi ng pakikipaggirian nito sa China sa larangan ng militar. Noong Marso 11, ginanap ang kauna-unahang pulong ng mga pinuno ng Australia, Japan, India at US sa tinaguriang Quadrilateral […]